Seminary
Genesis 15–18; 21: “Ginawa ng Panginoon … ang Ayon sa Kanyang Pangako”


“Genesis 15–18; 21: ‘Ginawa ng Panginoon … ang Ayon sa Kanyang Pangako,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 15–18; 21: ‘Ginawa ng Panginoon … ang Ayon sa Kanyang Pangako,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 18–23: Lesson 25

Genesis 15–18; 21

“Ginawa ng Panginoon … ang Ayon sa Kanyang Pangako”

Sarah holds a baby Isaac in her arms. She looks down at him and smiles.

Gumawa ang Panginoon ng maluwalhating mga pangako sa matatapat, ngunit kung minsan, dahil sa sitwasyon natin sa buhay, nagdududa tayo kung matutupad pa ang mga pangakong ito. Maaaring gayon ang nadama nina Abraham at Sara matapos ipangako ng Panginoon sa kanila na magkakaroon ng anak si Sara sa kanyang katandaan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo at pagnilayan ang unang linya na matatagpuan sa Genesis 18:14: “Mayroon bang anumang bagay na napakahirap sa Panginoon?” Maaari ninyo silang hikayatin na isipin ang mga pagkakataon na nakita nilang naisagawa ng Panginoon ang tila mga imposibleng bagay sa mga banal na kasulatan, sa sarili nilang buhay, o sa buhay ng iba.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga pangako ng Panginoon sa atin

Ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon upang ilarawan kung bakit maaaring pagdudahan ng isang tao kung tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Para sa isa pang sitwasyon, maaari ninyong panoorin ang “Continue in Patience” (2:41), mula sa time code na 1:07 hanggang 1:55. Makikita ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng sarili nilang mga sitwasyon na katulad nito.

2:42
  1. Napagpasiyahan ng isang dalagita na maging tapat sa kanyang gawain sa paaralan, dahil sa paniniwalang pagpapalain siya ng Panginoon. Napansin niya na naging mas mababa ang kanyang mga marka kumpara sa ibang estudyante na nandaraya.

  2. Natanggap ng isang binatilyo ang kanyang patriarchal blessing, na nagsasabing maglilingkod siya bilang isang full-time missionary. Sa isang medical exam, natuklasan ng mga doktor na mayroon siyang pisikal na kumplikasyon na hahadlang sa kanya na maglingkod.

  3. Sinubok ng isang dalagita ang pangako ni Moroni sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon at pagdarasal upang malaman na totoo ito. Pakiramdam niya ay wala siyang natanggap na sagot. Ano ang ilang tanong na maaaring mayroon ang mga kabataang ito tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pangako?

    • Ano ang ilang tanong na maaaring mayroon ang mga kabataang ito tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pangako?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan mahihirapan sila o ang mga taong kilala nila na makita kung paano tutuparin ng Panginoon ang mga ipinangakong pagpapala. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magsulat tungkol sa mga sitwasyong ito sa kanilang study journal. Maaari din nilang isulat ang anumang tanong na mayroon sila.

Hikayatin ang mga estudyante na pagsikapang maanyayahan ang Espiritu Santo sa kanilang pag-aaral. Magpatotoo na kapag ginawa nila ito, matutulungan sila ng Espiritu Santo na mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong at madaragdagan ang kanilang tiwala na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.

Ang mga pangako ng Panginoon kina Abraham at Sara

Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang salaysay nina Sara at Abraham, matutulungan mo silang magsanay sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa loob ng naaangkop na konteksto. Malalaman ng mga estudyante ang tungkol sa kasanayang ito sa sumusunod na talata:

Sa pag-aaral natin ng mga banal na kasulatan, makatutulong na maunawaan ang konteksto (mga sitwasyon o impormasyon tungkol sa isang partikular na passage). Ang konteksto ay makapaglilinaw at makapagbibigay ng mas malalim na pang-unawa sa mga kuwento o turo sa mga banal na kasulatan. Halimbawa, habang pinag-aaralan ang kuwento nina Abraham at Sara, maaaring makatulong na malaman na halos buong buhay niya, hinangad ni Abraham na maging ama (tingnan sa Abraham 1:2). Ngunit nang lumampas na ang edad nila ng kanyang asawa na si Sara sa karaniwang taon ng pag-aanak, tila hindi na nila mararanasan ang mga ipinangakong pagpapala ng pagkakaroon ng sarili nilang mga anak sa kanilang mortal na buhay.

icon ng seminary Ang handout na may pamagat na “Ang mga Pangako ng Panginoon kina Abraham at Sara” ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay sa paggamit ng konteksto upang mas maunawaan ang binabasa nila sa mga banal na kasulatan. Maaari mong ipakita ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng Genesis 15:1–6 bilang isang klase. Pagkatapos ay maaari mong ilagay ang mga estudyante sa maliliit na grupo upang pag-aralan ang iba pang talata.

Bago mag-aral ang mga estudyante, maaari mong ipaliwanag na bilang bahagi ng Kanyang tipan kay Abram at Sarai, pinalitan ng Panginoon ang kanilang mga pangalan na Abraham at Sara (tingnan sa Genesis 17:5, 15). Maaari mo ring ipaliwanag na ang salitang tawa sa Genesis 17:17; 18:12; at 21:6 ay nagmula sa salitang-ugat ng mga Hebreo na tzachak, na nangangahulugan ding “magsaya” (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 17:23).

Matapos mag-aral at magtalakayan ng mga estudyante sa kanilang grupo, maaari mong anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang mga ideya. Pagkatapos ay maaari mong itanong sa kanila ang mga sumusunod:

  • Sa palagay ninyo, paano nakatulong sa inyo ang konteksto para maunawaan ang pinag-aralan ninyo?

  • Ano kaya ang madarama ninyo kung naranasan ninyo ang ginawa nina Abraham at Sara sa mga talatang ito?

Tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako

Basahin ang Genesis 21:1–6, at alamin kung paano tinupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako kina Abraham at Sara.

  • Anong mga katotohanan ang nalaman ninyo tungkol sa Panginoon mula sa salaysay na ito?

icon ng seminaryKapag nagsabi ang mga estudyante ng mga alituntuning nagpapabalik-loob gamit ang sarili nilang mga salita, mapapalalim nito ang kanilang pag-unawa sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta. Kung minsan, maaaring mahirapan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanan mula sa isang scripture passage. Ang pagbibigay ng pahayag ng propeta na gaya ng sumusunod ay makatutulong na linawin ang natututuhan nila at matulungan silang magtagumpay sa paglalahad ng mga katotohanan. (Para sa karagdagang training tungkol sa pagtulong sa mga estudyante na maipahayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob, tingnan ang “Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

Ibinahagi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, ang isang aral na natutuhan niya tungkol sa mga pangako ng Diyos:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006.Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008.Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Ang mga pangako ng Diyos ay hindi palaging natutupad nang kasimbilis ng o sa paraang inaasahan natin; dumarating ang mga ito ayon sa Kanyang panahon at paraan. (“Patuloy na Magtiyaga,” Liahona, Mayo 2010, 58)

Ang isang katotohanan na matutukoy ng mga estudyante ay tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa Kanyang panahon at sa Kanyang paraan.

  • Paano tayo makikinabang mula sa mga panahon na ang mga pangako ng Panginoon ay hindi kaagad natutupad sa ating buhay?

  • Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Panginoon na makatutulong sa inyo habang hinihintay ninyong matupad ang Kanyang mga pangako?

Maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga estudyante ang paghahanap ng mga banal na kasulatan tungkol sa Panginoon na makatutulong sa kanila na masagot ang naunang tanong. Maaaring kabilang sa mga posibleng passage ang Juan 14:18; 1 Nephi 9:6; Mosias 24:14; Doktrina at mga Tipan 24:8; 68:6.

Mga karanasan at pagpapatotoo

Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila, maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag o ipanood ang “Good Things to Come” (4:55), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga personal na karanasan na maaaring maiugnay sa pahayag o video.

4:55

Ibinahagi ni Pangulong Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod na kabatiran tungkol sa mga ipinangakong pagpapala ng Panginoon:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland.  Photographed January 2018.

May mga pagpapalang dumarating kaagad, ang ilan ay huli na, at ang ilan ay hindi dumarating hangga’t wala pa tayo sa kabilang buhay; ngunit para sa mga tumatangap sa ebanghelyo ni Jesucristo, dumarating ang mga ito. (“An High Priest of Good Things to Come,” Ensign, Nob. 1999, 38)

  • Ano ang mga naranasan ninyo o ng iba na nakatulong sa inyo na maniwalang tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa Kanyang paraan at sa Kanyang panahon?

Ihanda ang mga estudyante na patotohanan ang mga katotohanang natutuhan o nadama nila. Maaari mong magawa ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga sumusunod na tagubilin:

Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na gagawin sa iyong study journal:

  1. Pagnilayan ang mga sitwasyong ibinahagi sa simula ng lesson. Sumulat ng liham sa isa sa mga taong iyon, at isama ang dahilan kung bakit naniniwala ka na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.

  2. Sumulat ng maikling talata sa iyong journal. Isama ang mga bagay na natutuhan at nadama mo ngayon na makatutulong sa iyo kapag naghihintay ka na matupad ang mga pangako ng Panginoon.

Sabihin sa ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang nararamdaman. Maaari mong tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.