Library
Paglikha


“Paglikha,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

ipinintang larawan ng paglikha ng kalawakan

Buod

Paglikha

Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa. Mula sa mga banal na kasulatan na inihayag sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, alam natin na sa gawain ng Paglikha, inayos ng Panginoon ang mga elementong naroon na. Hindi Niya nilikha ang mundo “mula sa wala,” gaya ng paniniwala ng ilang tao.

Itinuturo din sa mga banal na kasulatan na si Adan “ang unang lalaki sa lahat ng kalalakihan.” Nilikha ng Diyos sina Adan at Eva ayon sa Kanyang sariling larawan at ayon sa wangis ng Kanyang Bugtong na Anak.

Ang Paglikha ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Binibigyan nito ang bawat isa sa atin ng pagkakataong pumarito sa lupa, kung saan natin matatanggap ang pisikal na katawan at magagamit ang ating kalayaan. Sa Kapulungan ng mga Diyos sa buhay bago isilang sa mundo, ipinahayag ang sumusunod: “Bababa tayo, sapagkat may puwang doon, at tayo ay magdadala ng mga sangkap na ito, at tayo ay lilikha ng mundo kung saan sila makapaninirahan; at susubukin natin sila upang makita kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang Diyos.”

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Content