Mga kabataan
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Minamahal naming mga batang kapatid,

Mahal namin kayo, at may tiwala kami sa inyo. Tunay na kabilang kayo sa mga piling espiritu ng Ama sa Langit, na isinugo sa lupa sa panahong ito para gumawa ng mahahalagang bagay.

Mas malakas at mas may kakayahan kayo kaysa sa inaakala ninyo. At kapag nagtitiwala kayo sa Tagapagligtas, lalo pang lumalago ang inyong lakas. Siya ang “lakas ng mga kabataan.”

Tutulungan kayo ng gabay na ito na magtayo ng matibay na pundasyon sa paggawa ng mga desisyon na manatili sa landas na patungo sa buhay na walang-hanggan. Tutulungan kayo nito na maghandang gumawa ng mga sagradong tipan sa templo, maghandang magmisyon, at magalak sa pagsunod kay Jesucristo sa buong buhay ninyo. May mahalagang lugar kayo sa Kanyang Simbahan. Tutulungan kayo ni Jesucristo na maisakatuparan ang Kanyang mga layunin para sa inyo.

Alam namin na buhay ang Diyos. Dalangin naming manatili kayong matatag sa landas ng tipan—ang landas ng paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan sa Diyos. Iyan ang landas na pabalik sa inyong Ama sa Langit. Sa paggawa nito, magiging impluwensiya kayo para sa kabutihan, na masayang nagbabahagi ng ebanghelyo, tinitipon ang mga anak ng Diyos, at inihahanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Tandaan: si Jesucristo ang inyong lakas!

Ang Unang Panguluhan