Tungkol sa Isyung Ito
Tema sa Buwang Ito: Ang Templo at mga Tipan
Hello, mga kaibigan!
Dito sa team ng Lingguhang YA, madalas naming pinag-uusapan ang tungkol sa mga templo nitong mga nakalipas na araw.
Gayundin ang team ng Liahona. At ang team ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. At ang team ng Kaibigan.
OK, at ito na iyon.
Lahat tayo ay sabik na makitang pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang gawain! Ang mga inspiradong pagbabago sa pagsamba sa templo ay naging mas madali kaysa rati. Ang mga kabataan ay gumagawa ng napakaraming proxy baptism. Ang mga tao ay gumagawa at tumutupad ng mga tipan sa Diyos.
At baka ako lang ito, pero sa tingin ko nagiging mas konektado ang mga miyembro ng Simbahan sa templo. Mas nasisiyahan dito. Mas sabik na dumalo.
Maaaring iyan ay dahil napakaraming miyembro ng Simbahan ang naninirahan malapit sa templo ngayon kaysa noong mga 10 taon na ang nakararaan. Pero gusto ko ring isipin na ito ay dahil mas nauunawaan na natin ang layunin ng Panginoon. Mas lubos nating nakikita kung paano mapagyayaman ng pamumuhay ng mga tipang ginagawa natin sa templo ang ating pang-araw-araw na buhay at mapalalalim ang ating kaugnayan sa Diyos. Lumalakas ang ating mga patotoo!
Narito ang mga kuwento sa buwang ito tungkol sa kapangyarihan at mga pagpapala ng bahay ng Panginoon:
-
Paano ka uunlad sa landas ng tipan kapag nadarama mong hindi ka sumusulong bilang young single adult
-
Isang young adult mula sa Ecuador na nakatuklas na ang endowment session sa kanyang katutubong wika ay makatutulong sa kanya na makayanan ang pagkabigla sa bagong kapaligiran
-
Isang paliwanag kung paanong ang mga tipang ginagawa natin ngayon ay matatagpuan sa Lumang Tipan
-
Paano mamuhay na parang nakipagtipan ka na kung nakahahadlang sa iyo ang distansya para magawa ang mga ito
At mula sa ating patuloy na mga serye:
-
Mga Skill sa Buhay: Paano maging tagapamayapa online, kahit na ginagawa itong napakahirap ng mundo
-
Lalo na para sa Mga Bagong Kasal: Bakit ang pagdalo sa institute ay maaaring isa lamang sa pinakamagagandang bagay na magagawa ninyo bilang mag-asawa
-
Tampok na Debosyonal: Isang mensahe mula kay Elder Dale G. Renlund tungkol sa kungpaano pinalalalim ng ating mga tipan ang ating kaugnayan sa Ama sa Langit
Kung hindi ka pa gaanong nakakapunta sa templo, kung naghahanda kang bumalik pagkaraan ng ilang panahon ng hindi pagdalo, o kung hindi mo nauunawaan ang lahat, huwag mong hayaang maging hadlang iyan sa pagbalik mo. OK lang na sa pakiramdam mo ay hindi ka pa eksperto. OK lang na hindi mo kaagad maunawaan ang lahat. Kahit ang mga taong ilang dekada nang dumadalo ay magsasabi sa iyo na may natutuklasan pa rin silang bago tungkol sa templo at sa mga tipan nito.
Ilang beses ka mang nakapunta sa templo, umaasa kami na tutulungan ka ng mga artikulong ito na makahanap ng mga bagong paraan para mapahalagahan at makinabang sa pag-uukol ng oras sa bahay ng Panginoon.
Ang iyong kaibigan,
Eric D. Snider, Manunulat ng Lingguhang YA