2025
Tema sa Buwang Ito: Intimasiya at Koneksyon
Oktubre 2025 Liahona


Tungkol sa Isyung Ito

Tema sa Buwang Ito: Intimasiya at Koneksyon

isang composite image ng mga young adult

Hello, mga kaibigan.

Mga limang taon na ang nakararaan, nang magsimula na ang Lingguhang YA bilang digital na magasin ng Simbahan para sa mga young adult, hindi namin natanto bilang mga kawani kung gaano karami ang kakailanganin naming matutuhan tungkol sa maraming iba’t ibang bagay. Inuunawa nating lahat ang mga paksa ng ebanghelyo gamit ang sarili nating mga pananaw at karanasan, at ang ilang paksang isinusulat natin ay mas personal sa atin kaysa sa iba.

Ang isang partikular na paksang natutuhan pa namin sa nakalipas na mga taon—sa pamamagitan ng napakaraming pakikipag-usap sa mga young adult, therapist, lider ng Simbahan, consultant, at sa isa’t isa—ay ang kahalagahan ng koneksyon.

Siguro’y hindi iyan ang inaasahan ninyo.

Pakiramdam namin ay may kaunti kaming alam tungkol sa pinagdaraanan ng mga young adult (dahil karamihan sa aming mga kawani, sa katunayan, ay mga young adult mismo). Nahaharap tayo sa tila imposibleng mga pagpili araw-araw tungkol sa pakikipagdeyt, pag-aaral, mga propesyon, mga misyon, kung paano gugulin ang ating oras, kung paano paglabanan ang mga tukso ng mundo, at kung paano maging mga tao na nais ng Ama sa Langit na kahinatnan natin. Nag-aalala tayo tungkol sa mga paghihirap o gawi na sa palagay natin ay hindi natin matatakasan. Higit sa lahat, tila marami sa atin ang gumugugol ng maraming oras sa pag-iisa.

Hinihiwalay tayo ng kasalanan. Hinihiwalay tayo ng pagkabalisa sa pakikisalamuha o iba pang mga hamon sa kalusugang pangkaisipan. Hinihiwalay tayo ng paggamit ng pornograpiya. Hinihiwalay tayo ng pamumuhay sa digital na mundong ito (dahil kung magiging tapat tayo, ang mga kaibigan online ay hindi kapareho ng mga kaibigan sa tunay na buhay)

Sa buwang ito, makakakita kayo ng mga kuwento mula sa mga young adult na nakadama ng pangangailangan na magkaroon ng dagdag na koneksyon at intimasiya sa kanilang buhay. Kabilang sa ilang kuwento ang:

Mayroon din kaming mga artikulo na bahagi ng aming patuloy na serye:

Sa pag-asa kay Jesucristo, binibigyan tayo ng lakas na madaig ang ating mga kahinaan. At kapag kumokonekta tayo sa iba, maaari din nating malaman na hindi tayo nag-iisa sa ating mga hamon. Masusuportahan tayo sa ating mga pagsisikap na maging mas mabubuting disipulo ni Cristo. At maaari tayong maging handang magtamasa ng iba’t ibang uri ng intimasiya sa buong buhay natin.

Nagmamahal at may taglay na pag-asa,

Mga kawani ng Lingguhang YA