2025
Tema Ngayong Buwan: Pag-alam Kung Paano Patatagin ang mga Relasyon sa Pamilya
Hulyo 2025


Tungkol sa Isyung Ito

Tema Ngayong Buwan: Pag-alam Kung Paano Patatagin ang mga Relasyon sa Pamilya

collage ng mga young adult

Hello, mga kaibigan.

Ano ang pakiramdam ninyo kapag iniisip ninyo ang inyong pamilya? Agad akong nakadarama ng kabutihan—naiisip ko ang mga biruan, maiinit na yakap, ginhawa, at pagmamahal ng pamilya.

Gayunman, ang mga alaala kung minsan sa piling ng aking pamilya ay naghahatid ng ilang damdamin na di-gaanong masaya, tulad ng kalungkutan, sakit, sama-ng-loob, o galit.

Ako ay nagmula sa isang pamilyang nakaranas ng mga araw na puno ng tawanan at saya, at ng mahahabang gabi na puno ng mga problema mula sa mga di-pagkakaunawaan hanggang sa mga epekto ng adiksyon.

Gayunman, may ilang bagay sa mundong ito na higit ang naituro sa akin tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang impluwensya kaysa sa mga relasyon ko sa pamilya. Sa kabila ng lahat ng tagumpay at kabiguan sa buhay-pamilya, napakarami kong natutuhan mula sa aking mga kapamilya, lalo na nang umasa ako sa aking Tagapagligtas na tulungan akong magpatawad, makiramay, at magmahal na tulad Niya.

Itinuro kamakailan ni Sister Tamara W. Runia, Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency, “Bagama’t hindi perpekto ang ating pamilya, maaari nating [gawing] perpekto ang ating pagmamahal [sa iba] hanggang sa maging permanente, hindi nagbabago, walang-pinipili—ang uri ng pagmamahal na naghihikayat ng pagbabago at paglago at pagbabalik-loob.”

Nakita ko ang ganitong uri ng pagmamahal—ang pagmamahal ng Tagapagligtas—na binago ang buhay ko at ang buhay ng mga taong pinakamamahal ko.

Narito ang ilang artikulo mula sa mga young adult at sa mga lider ngayong buwan na, tulad ninyo, ay inaalam kung paano patatagin ang mga relasyon sa pamilya:

Mayroon din kaming mga kuwento na bahagi ng aming patuloy na serye:

Lubos na batid at nauunawaan ng Tagapagligtas ang iyong sitwasyon. Gagabayan ka Niya at ng Ama sa Langit sa pag-alam mo sa iyong pinakamahahalagang relasyon.

Maligayang pagbabasa!

Chakell Wardleigh Herbert, YA Weekly Lead Writer