“Paghahanda ng Missionary: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Paghahanda ng Missionary: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Paghahanda ng Missionary
Paghahanda ng Missionary
Buod
Maaari tayong makibahagi sa pagtitipon ng Israel sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba, pagbabahagi ng mensahe ni Jesucristo, at pag-anyaya sa mga tao na lumapit sa Tagapagligtas. Pinagpapala ng Diyos ang mga missionary sa kanilang masigasig na paglilingkod at pagtuturo sa mga tao sa kanilang komunidad at sa buong mundo.
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maraming magagandang opsiyon na dapat isaalang-alang para sa takbo ng pagtuturo ng mga lesson na ito. Halimbawa:
-
Ituro ang ilan sa o ang lahat ng lesson na ito sa pagtatapos ng school year kung kailan posibleng magsumite na ang mga mas nakatatandang estudyante ng kanilang mga papeles sa misyon.
-
Ituro ang ilan sa mga lesson na ito habang pinag-aaralan ninyo ang mga bahagi ng Lumang Tipan na binanggit sa mga lesson na ito. Ang ilang mungkahi ay nasa tabi ng mga partikular na lesson sa ibaba.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng ilang ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.
Ang Ating Responsibilidad sa Tipan na Ibahagi ang Ebanghelyo
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng Lesson 121: “Isaias 49.” Ang Isaias 49 ay naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagtulong ng binhi ni Abraham sa Panginoon na tuparin ang Kanyang tipan na tipunin ang Israel sa mga huling araw (tingnan sa 1 Nephi 22:7–9).
Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pag-unawa tungkol sa kanilang responsibilidad sa tipan na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maglaan ng ilang minuto ng kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan para hanapin ang mga pagpapala at responsibilidad ng tipang Abraham. Maaari nilang pag-aralan ang doctrinal mastery passage na Abraham 2:9–11 o hanapin ang “tipang Abraham” sa Gospel Library. Sa lesson, maaari mo silang anyayahan na magbahagi ng mga bagay na natutuhan nila o mga tanong na mayroon sila.
-
Mga item na ihahanda: Apat na sobre, na bawat isa ay may numero: 1, 2, 3, o 4; i-print ang handout na may dalawang panig na pinamagatang “Ang mga mag-anak sa mundo”; gupitin ang mga tuldok na linya, na lilikha ng puzzle na may dalawang panig; gamit ang mga numero na mga heading sa likod ng bawat piraso, ilagay ang mga ito sa sobre na may kaukulang numero.
-
Nilalaman na ipapakita: Mga tagubilin para sa mga grupo na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at pahayag sa likod ng mga piraso ng puzzle na matatagpuan sa kanilang sobre
-
Video: President Russell M. Nelson Introduces Preach My Gospel, Second Edition mula sa time code na 0:00 hanggang 0:55
Pagbabahagi ng Ebanghelyo sa Natural na mga Paraan
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Itinuturo ng isang bahagi ng lesson na ito na matutulungan ng Panginoon ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo tulad ng ipinangako Niyang tutulungan si Jeremias. Maaari mong ituro ang lesson na ito nang halos kasabay sa iyong pagtuturo ng Lesson 130: “Jeremias 1.”
Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na sanayin ang pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo sa iba sa mga likas na paraan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging pagnilayan ang mga sitwasyon kung saan may maibabahagi sila tungkol sa Simbahan o sa ebanghelyo bilang bahagi ng normal na pag-uusap. Maaaring pag-isipan ng mga estudyante kung paano ito mabisang magagawa at maghanap ng mga pagkakataong gawin ito.
-
Video: “Simple Ways to Love, Share, and Invite for Youth,” (2:50)
-
Nilalaman na ipapakita: Mga opsyon para sa mga estudyante na itaas ang bilang ng mga daliri na pinaka-naglalarawan sa nadama nila tungkol sa ibinahagi; isang salamin, pahayag mula kay Elder Quentin L. Cook; mga tagubilin para sa mga estudyante na sanayin ang kasanayan na “parang pananalamin na pakikipag-uusap”
Pagpili na Maglingkod sa Misyon
Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangaring maglingkod sa Panginoon bilang Kanyang mga missionary.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang kakilala nila na nagmisyon kung anong mga pagpapala ang natanto nilang ibinigay sa kanila ng Panginoon dahil sa kanilang paglilingkod. Maaari nila itong gawin nang personal, sa telepono, o sa pamamagitan ng text o email. Hilingin sa kanilang pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila.
-
Handout: “Mga Pagpapala na Ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga Missionary”
-
Mga Video: “The Book of Mormon” (2:10); “Missions and Eternal Companions” (1:07); “Missions and Careers” (1:37); “Education” (1:44) (Maaaring ipakita mo lang ang isa o dalawa na sa palagay mo ay magiging pinakainteresado ang iyong mga estudyante.)
Ang Tungkulin ng Espiritu Santo sa Gawaing Misyonero
Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na tuklasin ang mga paraan na matutulungan sila ng Espiritu na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa isang returned missionary na magbahagi ng karanasan noong tinulungan siya ng Espiritu Santo sa kanyang gawaing misyonero. O maaaring pagnilayan ng mga estudyante ang mga karanasan nila noong tinulungan sila ng Espiritu Santo na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.
-
Mga item na ihahanda: Isang gawain na makukumpleto lang ng mga estudyante gamit ang isang partikular na bagay, tulad ng pagtanggal ng tornilyo mula sa isang kahoy gamit ang screwdriver
-
Nilalaman na ipapakita: Sa pisara, isulat ang Ang Espiritu Santo ay maaaring … kasama ang mga sumusunod na passage: Moises 6:32, 34; 2 Nephi 33:1; Alma 17:3; 3 Nephi 28:11; Doktrina at mga Tipan 31:11
-
Video: “Hayaang Patnubayan ng Espiritu Santo,” mula sa time code na 4:43 hanggang 5:59
Ang Kahalagahan ng Pagsunod sa Pagdadala sa Ibang Tao kay Cristo
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ginagamit ng lesson na ito ang salaysay tungkol kay Daniel bilang halimbawa kung paano makatutulong sa atin ang pagsunod upang madala ang ibang tao kay Cristo. Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng iyong pagtuturo ng Lesson 145: “Daniel 6.”
Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na makilala ang kahalagahan ng pagsunod sa paggawa ng gawain ng Tagapagligtas bilang mga missionary.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang ilan sa mga pamantayan para sa paglilingkod bilang missionary na matatagpuan sa Bahagi 3 ng “Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo” sa Gospel Library. Bilang alternatibo, maaaring makipag-usap ang mga estudyante sa isang taong nagmisyon at magtanong kung anong mga pamantayan ng misyon ang natatandaan niya.
-
Nilalaman na ipapakita: Larawan ng isang missionary; Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo; mga tagubilin na mag-outline ng tatlo hanggang limang minutong mensahe sa bahaging pinamagatang “Ibahagi ang natutuhan mo”
-
Handout: “Ang Kahalagahan ng Pagsunod kapag Ibinabahagi ang Ebanghelyo ni Jesucristo” at ang handout na “Gumawa ng Outline ng Lesson”