“Pagpili na Maglingkod sa Misyon: Ang mga Pagpapala ng Paglilingkod bilang Missionary,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagpili na Maglingkod sa Misyon: Ang mga Pagpapala ng Paglilingkod bilang Missionary,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Paghahanda ng Missionary: Lesson 198
Pagpili na Maglingkod sa Misyon
Ang mga Pagpapala ng Paglilingkod bilang Missionary
Ang paglilingkod sa misyon para sa Panginoon ay isang magandang oportunidad. Pinagpapala ng Ama sa Langit ang mga missionary sa kanilang paglilingkod at pagtuturo sa mga tao sa kanilang komunidad at sa buong mundo. Gayunpaman, maaaring mahirap magpasiyang magmisyon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng hangaring paglingkuran ang Panginoon bilang Kanyang mga missionary.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang kakilala nila na nagmisyon kung anong mga pagpapala ang natanto nilang ibinigay sa kanila ng Panginoon dahil sa kanilang paglilingkod. Maaari nila itong gawin nang personal, sa telepono, o sa pamamagitan ng text o email. Hilingin sa kanilang pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paglilingkod sa full-time mission
Maaaring simulan ang klase sa paraang makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang paglilingkod sa Panginoon bilang Kanyang mga full-time missionary. Maaari mong kantahin ang “Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod” (Mga Himno, blg. 151) at hilingin sa mga estudyante na ibahagi kung sino ang kilala nilang nagmisyon o nasa misyon at kung saan. O maaari mong hilingin sa ilang estudyante bago ang klase na magdala ng larawan ng isang taong kilala nilang naglilingkod sa Panginoon sa isang misyon.
-
Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa responsibilidad ng mga kabataang lalaki at babae na maglingkod bilang mga missionary?
Habang sumasagot ang mga estudyante, tiyaking naiintindihan nila ang sumusunod.
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. … Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, ngunit opsyonal, na oportunidad. (“Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6)
Kabilang dito ang mga proselyting at service mission.
Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong at hilingin sa maraming estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin sa alinman sa mga ito:
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit gusto ng isang tao na magmisyon?
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring mahirap piliing magmisyon?
Kung makatutulong, ipaliwanag na marami pang ibang tao ang humarap din sa mga alalahanin. Halimbawa, noong panahong nagpasiya si Pangulong M. Russell Ballard (1928–2023) ng Korum ng Labindalawang Apostol na magmisyon, hindi aktibo ang kanyang mga magulang sa Simbahan (tingnan sa “Ang Paglilingkod Bilang Missionary ay Nagpala sa Buhay Ko Magpakailanman,” Liahona, Mayo 2022, 8). Ibinahagi ni Pangulong Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol na siya ay “walang tradisyon ng pagiging missionary sa [kanyang] pamilya” (tingnan sa “My Mission Influence” [3:31] mula sa time code 2:01 hanggang 2:16 na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org). Hindi aktibo sa Simbahan ang ama ni Elder Quentin L. Cook at hinikayat niya ang kanyang kapatid na mag-aral ng medisina kaysa magmisyon (tingnan sa “Pagbabalik-loob sa Kalooban ng Diyos,” Ensign, Mayo 2002, 54).
Maglaan ng ilang sandali upang isulat sa inyong study journal kung ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa paglilingkod sa full-time mission at bakit.
Habang pinag-aaralan ninyo ang lesson na ito, humingi ng patnubay mula sa Panginoon para tulungan kayo sa inyong desisyon kung maglilingkod kayo sa full-time mission at kung paano ninyo tutugunan ang mga alalahanin ninyo.
Kapag sumusunod tayo sa Panginoon
Basahin ang Deuteronomio 28:1–6, 9, at alamin kung ano ang ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises kung gagawin natin ang ipinagagawa Niya sa atin.
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Maaaring hilingin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mga talatang ito. Maaaring makatulong na malaman na ang “bunga ng iyong katawan” (Deuteronomio 28:4) ay tumutukoy sa mga inapo.
-
Bakit kapaki-pakinabang na malaman ang maraming iba’t ibang pagpapalang ipinangako sa atin ng Panginoon kung gagawin natin ang Kanyang hinihiling?
-
Sa palagay ninyo, paano maiaangkop ang mga pangako ng Panginoon sa mga talatang ito sa ating pagsunod na paglingkuran Siya bilang Kanyang mga missionary?
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Mahal kong mga kaibigang kabataan, bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong maglingkod sa isang misyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa marami pang iba. (“Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6)
Maaaring isulat sa pisara: Pagpapalain tayo ng Panginoon at ang marami pang iba kapag pinili nating maglingkod sa misyon.
Ang pag-unawa sa ilan sa mga pagpapalang iniaalok ng Diyos ay makatutulong sa ating desisyon na maglingkod sa misyon.
Para sa susunod na aktibidad na ito, anyayahan ang mga estudyante na isiping sila ay full-time missionary. Maaaring ilagay ang mga estudyante sa mga grupong binubuo ng dalawa o tatlong Elder at Sister. Maaaring ibahagi ng mga estudyante sa isa’t isa kung ano ang magiging pangalan nila sa misyon: Elder (apelyido) o Sister (apelyido). Maaari mong ipaliwanag na sa full-time mission, ang mga magkompanyon na missionary ay magkasamang nag-aaral tuwing umaga.
Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang nilalaman ng handout na “Mga Pagpapalang Ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga Missionary” para sa kanilang pag-aaral na magkompanyon.
Basahin ang ilan sa o ang lahat ng banal na kasulatan at mga pahayag sa handout na “Mga Pagpapalang Ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga Missionary,” o maghanap ng karagdagang mga banal na kasulatan o pahayag. Maaaring markahan o bilugan ang mga pagpapalang makabuluhan sa inyo. Tandaan na ibinibigay ng Panginoon ang mga pagpapalang ito sa panahon at pagkatapos ng paglilingkod bilang missionary.
Para sa karagdagang pagpapala ng paglilingkod sa Panginoon bilang missionary, maaari mong ipanood ang video nina Pangulong Jeffrey R. Holland at Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawa na tumatalakay sa isa sa mga sumusunod na pagpapala:
-
Mas malakas na patotoo sa “The Book of Mormon” (2:10)
2:10 -
“Missions and Eternal Companions” (1:07)
1:7 -
“Missions and Careers” (1:37)
1:37 -
“Education” (1:44)
1:44
Makukuha ang mga video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.
Maaari ding idagdag ng mga estudyante ang anumang pagpapalang napansin nila mula sa pagbabahagi ng ebanghelyo ngayon at pagnilayan kung paano maiuugnay ang mga ito sa paglilingkod sa misyon sa hinaharap.
Kapag natapos na sa pag-aaral ang mga estudyante, anyayahan ang bawat magkompanyon na gawin ang sumusunod:
Maghanda ng isang bagay na maaari ninyong ibahagi sa isang taong nagpapasiya kung maglilingkod siya sa Panginoon sa misyon. Magsama ng kahit dalawa sa sumusunod:
-
Isa o dalawang pagpapalang natutuhan ninyo na ibinibigay ng Diyos habang naglilingkod tayo sa full-time mission at kung ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa mga ito.
-
Isang halimbawa ng isang taong kilala ninyo na tumanggap ng isa sa mga pagpapala ng Diyos na natukoy ninyo sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod bilang missionary.
-
Paano naaapektuhan ng natutuhan ninyo ang inyong hangaring maglingkod sa Panginoon bilang full-time missionary.
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na maaaring makatulong sa isang tao na piliing maglingkod sa full-time mission.
Pagkatapos maghanda ng mga estudyante, anyayahan ang bawat magkompanyon na hatiin ang kanilang mensahe sa dalawang bahagi. Papiliin sila kung sino sa kanila ang magbabahagi ng aling bahagi. (Halimbawa, maaaring magbahagi ang isa sa kanila ng isang pagpapala at ng kanilang mga damdamin tungkol dito, pagkatapos ay maaaring magbahagi ang isa pa ng isang halimbawa at kung paano makatutulong ang pagtutuon ng pansin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.) Pag-isipan kung magiging mas mabisa ang pagkakaroon ng ilang magkompanyon na magpe-present sa harap ng klase, o kung mas mabuting mag-present sila sa isa’t isa sa maliliit na grupo. Kung magpe-present sila sa maliliit na grupo, pagkatapos ay maaari mong itanong kung ano ang makabuluhan para sa kanila sa narinig nila mula sa ibang tao o ibinahagi nila mismo.
Ang desisyon ninyo
Maglaan ng ilang sandali upang ipikit ang inyong mga mata at isipin ang Ama sa Langit. Alalahanin ang Kanyang pagmamahal sa inyo. Mga kabataang babae, isipin kung ano ang madarama Niya habang hinahangad ninyong malaman ang Kanyang kalooban tungkol sa paglilingkod sa misyon. Mga kabataang lalaki, isipin kung ano ang nais ng Ama sa Langit na gawin ninyo ngayon upang makapaghanda na maging epektibong missionary o matugunan ang anumang alalahanin ninyo tungkol sa paglilingkod.
Humingi ng tulong sa Ama sa Langit habang isinusulat ninyo sa inyong study journal ang natutuhan ninyo o kung ano ang maaaring gusto Niyang matandaan ninyo mula sa lesson na ito habang iniisip ninyong maglingkod sa Panginoon bilang full-time missionary.
Maaaring anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang natutuhan o naramdaman nila sa lesson na ito. Idagdag din ang iyong sariling saloobin at patotoo.