Seminary
Daniel 6: Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan


“Daniel 6: Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Daniel 6: Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Daniel 1–7: Lesson 145

Daniel 6

Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan

The Old Testament prophet Daniel in the lion's den at the decree of King Darius. Daniel is resting his hand on the back of one of the lions. The lions are not harming Daniel. Daniel is looking up at the entrance of the lion's den at men who are astonished that Daniel is unharmed.

Anong kuwento mula sa Lumang Tipan ang nagturo sa iyo ng makabuluhang alituntunin ng ebanghelyo? Ginamit mismo ni Jesucristo ang Lumang Tipan upang tulungan ang Kanyang mga disipulo na maunawaan ang Kanyang mga turo (halimbawa, tingnan sa Lucas 4:24–27). Ang isang makapangyarihang kuwento na naglalarawan ng maraming katotohanan ng ebanghelyo ay ang salaysay ng pananampalataya at pagtitiwala ni Daniel sa Panginoon, kahit naroon siya sa yungib ng mga leon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy at maibahagi ang mga katotohanan ng ebanghelyo mula sa Daniel 6.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga kuwento sa banal na kasulatan na natutuhan nila mula sa Lumang Tipan sa kanilang pag-aaral sa taong ito. Maaari silang pumili ng kuwentong naging makabuluhan sa kanila at maghandang magbahagi ng katotohanan ng ebanghelyo na naunawaan nila sa tulong ng kuwento.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang aral ng kuwento

Upang matulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagtukoy sa aral ng isang kuwento, pumili ng isang lokal na pabula o kilalang kuwentong-bayan. Halimbawa, maaari kang gumamit ng kuwento tulad ng “Ang Pangit na Bibe.” Bilang alternatibo, maaari mong ipanood ang video na “Things That Matter Most” mula sa time code na 0:00 hanggang 0:22, na makikita sa ChurchofJesusChrist.org. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

0:33
  • Anong mensahe ang maituturo ng kuwentong ito?

  • Paano maipapakita ng mensaheng iyon ang katotohanan tungkol kay Jesucristo o sa Kanyang ebanghelyo?

Tulad ng nakakahanap tayo ng mga katotohanan sa mga karaniwang pabula at kuwento, matututuhan din nating hanapin ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo sa mga inspiradong salaysay sa banal na kasulatan na iningatan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa atin.

Para matulungan tayong maunawaan kung paano itinuturo ng mga kuwento sa banal na kasulatan ang mga katotohanan ng ebanghelyo, itinuro ni Elder Jay E. Jensen ng Pitumpu:

Final official portrait of Elder Jay E. Jensen of the First Quorum of the Seventy, 2008.Called to Presidency of the Seventy effective August 1, 2008.  Sustained at the October 2008 general conference.Given emeritus status at the October 2012 general conference.

Sa pagbabasa at pag-aaral ninyo ng mga kuwentong ito [sa banal na kasulatan], makikita ninyo ang isang salita, isang parirala, o isang alituntuning tila angkop ngayon tulad noon. Kapag patuloy kayong nag-aral nang may panalangin, lilitaw ang iba pang mga alituntunin. Kapag pinagsama-sama ninyo ang alituntunin, makikita ninyo ang kaugnayan ng mga propeta at ng mga taong nabuhay noong araw—sila-doon-noon—at sa ating panahon—ako-dito-ngayon. (“Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan bilang mga Huwaran sa Ating Buhay,” Liahona, Hulyo 2009, 21)

  • Ano ang tila mahalaga sa inyo sa mensahe ni Elder Jensen?

  • Anong kuwento sa Lumang Tipan ang nakatulong sa inyo na mas maunawaan si Jesucristo o ang Kanyang ebanghelyo?

Ang sumusunod na self-assessment ay makatutulong sa mga estudyante na piliin ang bahaging pagtukoy ng mga katotohanan sa kasanayan sa mga kuwento sa banal na kasulatan na mapapraktis nila ngayon.

Sa scale na 1 hanggang 5, i-rate ang iyong kumpiyansa sa paggamit ng mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan:

  • Natutukoy ko ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa isang kuwento sa banal na kasulatan.

  • Madali kong nakikita kung paano itinuturo ng isang kuwento sa banal na kasulatan ang tungkol kay Jesucristo.

  • Naipapamuhay ko ang mga kuwento sa banal na kasulatan.

  • Epektibo kong naibabahagi sa iba ang natututuhan ko mula sa mga kuwento sa banal na kasulatan.

Ngayon ay pag-aaralan mo ang isang kuwento sa aklat ni Daniel at ipapaliwanag mo kung ano ang natutuhan mo rito. Maaari mong ituon ang iyong mga pagsisikap sa kasanayang hindi ka gaanong kumpiyansa na mahusay ka. Anyayahan ang Espiritu Santo na dagdagan ang iyong kakayahang matukoy ang mga katotohanan sa mga kuwento sa banal na kasulatan at ituro sa iba ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang buhay, at sa Kanyang ebanghelyo.

Si Daniel na ipinatapon sa yungib ng mga leon

Maraming taon matapos dalhing bihag si Daniel at ang kanyang mga kaibigan sa Babilonia, sinakop ng mga taga-Media at taga-Persia ang bansa. Si Dario, na taga-Media, ay ginawang hari ng Babilonia (tingnan sa Daniel 5:30–31).

Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay sa pagtukoy ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga kuwento sa banal na kasulatan sa pamamagitan ng pag-aaral ng salaysay tungkol sa pagpapatapon kay Daniel sa yungib ng mga leon (tingnan sa Daniel 6). Maaaring makatulong sa mga estudyante na magkaroon ng maikling buod ng kuwento bago sila maghanap ng mga katotohanan ng ebanghelyo rito. Ang sumusunod ay ilang paraan kung paano mo maibubuod ang kuwento:

  1. Maaari mong ipabahagi sa mga estudyante ang kuwento, at hatiin sila sa mga grupo na magbabasa ng isang bahagi. Pagkatapos ay maaaring ibuod ng bawat grupo ang bahagi ng kuwento na itinalaga sa kanila para sa klase. Ang isang paraan upang hatiin ang pagbabasa ay:

    Daniel 6:1–5

    Daniel 6:6–11

    Daniel 6:12–17

    Daniel 6:18–23

    Daniel 6:24–28

  2. Maaari mong ibuod ang buong kuwento para sa klase. Kung mayroon, maaari mong gamitin ang mga larawang makikita sa artikulong “Daniel and the Lions” (Friend, Nob. 2018, FJ4–FJ6) o ang video na “Daniel and the Lions’ Den” (1:46), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, upang matulungan kang ibuod ang kuwento.

1:45

icon ng seminaryUpang matulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagtukoy ng mga alituntunin ng ebanghelyo mula sa mga kuwento sa banal na kasulatan, gamitin ang handout na “Ang mga Kuwento sa Banal na Kasulatan ay Nagtuturo ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo.” Dahil ilalahad ng mga estudyante sa klase ang kanilang natutuhan, maaaring pinakamainam kung gagawin nila ito nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Maaari mong ipartner ang mga estudyante na maaaring mas makadama ng pagkabalisa sa paglalahad sa mga estudyanteng maaaring mas komportable na gawin ito.

Habang ginagamit ng mga estudyante ang handout para ihanda ang kanilang mga lesson, maaari kang maglakad-lakad sa silid para makita kung anong mga katotohanan ng ebanghelyo ang hinahanap nila. Kung nahihirapan sila, isipin kung paano mo sila matutulungan na matutuhan kung paano tukuyin ang mga katotohanan sa salaysay. Ang mga halimbawa ng mga katotohanang maaari nilang matukoy ay:

  • Bilang mga disipulo ni Cristo, mahaharap tayo sa oposisyon dahil sa ating mga paniniwala (Daniel 6:1–5).

  • Pagpapalain ng Panginoon ang ating mga pagsisikap kapag nanindigan tayo at hindi nagpadaig sa pamimilit ng mundo. (Daniel 6:6–16).

  • Kapag ginawa natin ang tama at nagtiwala tayo sa Panginoon, maaaring makaimpluwensya sa iba ang ating mabuting halimbawa (Daniel 6:16–28).

Ibahagi ang natutuhan mo

Pagkatapos makumpleto ng mga estudyante ang handout, sabihin sa kanila na ibahagi sa isa pang grupo o sa klase ang lesson na inihanda nila. Kung hindi ibinahagi ng mga estudyante ang mga bahagi ng kuwento na nagpapaalala sa kanila tungkol kay Jesucristo, maaari mong bigyang-diin ang ilang paghahambing tulad ng mga sumusunod:

  • Kapwa ginawa nina Daniel at Jesus ang kalooban ng Ama sa Langit, kahit nahaharap sa kamatayan (tingnan sa Daniel 6:7, 10; Juan 6:38).

  • Sina Daniel at Jesus ay kapwa mahimalang lumabas nang buhay mula sa yungib o libingan na natatakpan ng bato (tingnan sa Daniel 6:17, 23; Marcos 15:46; 16:4–6).

Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na iuwi ang mga lesson na inihanda nila at ibahagi ang mga ito sa isang kapamilya o kaibigan.

Para tapusin ang klase, maaari mong ibahagi kung paano ka pinagpala ng mga mensahe ni Jesucristo o ng Kanyang ebanghelyo mula sa mga kuwento sa banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na patuloy na maghanap ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo para tulungan silang makita ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.