“Hoseas 1–6; 10–14; Joel: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Hoseas 1–6; 10–14; Joel: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Hoseas 1–6; 10–14; Joel
Hoseas 1–6; 10–14; Joel
Buod
Sa aklat ni Hoseas, ginamit ng Panginoon ang kasal nina Hoseas at Gomer bilang simbolo upang ituro sa Israel ang Kanyang hindi nagmamaliw na tipan na pagmamahal. Sa pamamagitan ni propetang Joel, nangako ang Panginoon na “ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman” (Joel 2:28; tingnan din sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:41).
Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong para mahiwatigan ang personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo. Habang hinahangad mong magturo sa pamamagitan ng Espiritu, maghanap ng mga paraan para matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga paraan ng pakikipag-usap sa kanila ng Espiritu. Upang malaman ang iba pa tungkol dito, tingnan sa “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghangad, Makahiwatig, at Kumilos ayon sa Personal na Paghahayag” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 18). Para sa halimbawa ng kung paano mo matutulungan ang iba na mahiwatigan ang Espiritu, tingnan sa Lesson 148 “I-assess ang Iyong Pagkatuto 9.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Hoseas
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang hindi nagmamaliw na pagmamahal at awa ng Panginoon sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung anong mga karanasan ang nakatulong sa kanila na madama ang pagmamahal at awa ng Panginoon
-
Handout: “Pag-unawa sa Pagmamahal at Awa ng Panginoon”
Joel
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kakayahang tumanggap ng personal na paghahayag mula sa Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
-
Paghahanda ng estudyante: Ibigay sa mga estudyante ang tanong na “Ano ang magagawa ko para makatanggap pa ng personal na paghahayag sa buhay ko?” Sabihin sa kanila na pagnilayan ang iba’t ibang paraan na makakasagot sila. Maaari din silang maghanap sa mga banal na kasulatan o turo ng mga lider ng Simbahan o humingi sa mga taong pinagkakatiwalaan nila ng mga sagot sa tanong.
-
Handout: “Pagdaragdag ng Iyong Kakayahang Tumanggap ng Paghahayag”
-
Mga Item: Isang maliit na baso, isang pitsel, isang malaking timba, mga piraso ng papel
-
Mga item na ipapakita: Mga tagubilin para sa apat na magkakaibang opsiyon para talakayin ang mga paraan na tutulong sa atin na tumanggap ng personal na paghahayag
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Jeremias–Joel.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng scripture passage na makabuluhan sa kanila mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan. Hilingin sa kanila na isipin kung paano sila tinutulungan ng passage na iyon na sundin si Jesucristo.
-
Mga item na ipapakita: Isang larawan ng Tagapagligtas; mga pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na suriin ang kanilang mga paniniwala tungkol sa kanilang banal na misyon; isang graphic na tutulong sa mga estudyante na suriin ang kanilang plano sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Tagapagligtas