“I-assess ang Iyong Pagkatuto 9: Jeremias–Joel,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“I-assess ang Iyong Pagkatuto 9: Jeremias–Joel,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9: Lesson 148
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9
Jeremias–Joel
Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Nilalayon ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga layuning itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Jeremias–Joel.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng scripture passage na makabuluhan sa kanila mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan. Hilingin sa kanila na isipin kung paano sila tinutulungan ng passage na iyon na sundin si Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang pag-aaral ng klase mo ng Jeremias–Joel ay maaaring tumuon sa mga resultang naiiba sa mga ina-assess sa lesson na ito. Kung gayon, iakma ang mga aktibidad upang i-assess ang pag-unlad na naranasan ng mga estudyante mula sa mga resultang pinagtuunan sa klase mo.
Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong i-assess ang kanilang progreso sa mga sumusunod na aspeto:
-
Pagpapaliwanag sa mga propesiya hinggil sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga huling araw. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 118: “Isaias 29”; Lesson 140: “Ezekiel 37”; at Lesson 143: “Daniel 2.”)
-
Pagdama sa kapangyarihan ng kanilang banal na misyon. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 130: “Jeremias 1.”)
-
Pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 132: “Jeremias 16.”)
Sa pagsagot ng mga estudyante sa mga tanong at pagbigay ng mga komento sa lesson na ito, mag-isip ng mga paraan upang matulungan ang mga estudyante na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Ang isang paraan para magawa ito ay itanong sa iyong sarili, “Ano pa ang maitatanong ko sa kanila?” o “Ano pa ang maipagagawa ko sa kanila?” Ang pagtatanong ng mga ganitong uri ng tanong ay makapag-aanyaya ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo na tutulong sa mga estudyante na kumilos ayon sa personal na paghahayag na natatanggap nila.
(Para sa karagdagang training tungkol sa mga follow-up na tanong na nag-aanyaya ng personal na paghahayag, tingnan ang “Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag,” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro).
Pagiging higit na katulad ng Tagapagligtas
Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maghanda sa pag-assess ng kanilang natutuhan sa pamamagitan ng pagtalakay kung gaano tayo kadalas natututo sa pamamagitan ng panggagaya sa iba. Halimbawa, natututo ang mga bata ng mga gawi o gawain sa pamamagitan ng panggagaya. Maaari mong ibahagi ang mga aral na natutuhan mo sa pagtulad sa isang tao.
-
Sino ang isang tao na sinubukan ninyong tularan? Ano ang natutuhan ninyo nang tularan ninyo siya?
Maaari kang magpakita ng larawan ng Tagapagligtas habang tinatalakay ang mga sumusunod na tanong. Bago ang talakayan sa klase, maaaring makatulong sa mga estudyante ang paglalaan ng oras upang mapag-isipan ang mga tanong na ito o upang masagot ang mga ito sa kanilang study journal.
-
Ano ang ilang paraan na sinusubukan mong tularan ang Tagapagligtas?
-
Ano ang natutuhan mo sa seminary o sa iyong personal na pag-aaral na tumutulong sa iyong tularan ang Tagapagligtas?
Ang natitirang bahagi ng lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong balikan ang ilan sa mga natutuhan nila sa seminary. Sabihin sa mga estudyante na patuloy na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanila ang natututuhan nila na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas upang maging katulad Niya.
Ipaliwanag ang mga propesiya hinggil sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga huling araw
Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na ipaliwanag ang mga propesiya tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo. Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage ng Lumang Tipan na Isaias 29:13–14; Ezekiel 37:15–17; at Daniel 2:44–45. Para marebyu ang mga passage, maaaring pumili ang mga estudyante ng isa sa mga scripture reference at gawin ang sumusunod:
-
Basahin ang doctrinal mastery scripture passage.
-
Balikan ang minarkahan o isinulat nila sa kanilang banal na kasulatan o study journal.
-
Rebyuhin ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan ng doctrinal mastery para sa scripture reference sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Pagkatapos rebyuhin ng mga estudyante ang mga propesiyang ito tungkol sa Pagpapanumbalik sa Lumang Tipan, maaari mo silang pagpartner-partnerin.
Isipin kunwari na kayo ay mga magkompanyon na missionary na naghahandang magturo ng lesson tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo. Magtulungan sa paggawa ng isang simpleng lesson plan ng ituturo ninyo. Bilang bahagi ng inyong lesson plan:
-
Basahin at ipaliwanag ang isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery scripture passage sa Lumang Tipan tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ng Tagapagligtas.
-
Maglista ng dalawa o tatlong dahilan kung bakit kailangan sa mundo ngayon ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Ibahagi ang inyong mga nadarama tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa mga huling araw.
Pagkatapos ng sapat na oras para maghanda, anyayahan ang mga magkapartner na turuan ang iba pang magkapartner. O maaari mong sabihin sa ilang magkapartner na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo at kung paano nito pinagpala ang iyong buhay.
Damhin ang kapangyarihan ng iyong banal na misyon
Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga karanasan nila kamakailan na nagpapakita na kilala sila ng Diyos at binibigyan sila ng mga partikular na responsibilidad na gagampanan sa mortalidad. Para sa mga nakatanggap na ng kanilang patriarchal blessing, maaari mo silang hikayatin na mag-isip ng mga salita o parirala sa kanilang patriarchal blessing na naglalarawan nito.
Para matulungan ang mga estudyante na maalala kung ano ang natutuhan nila noon tungkol sa kanilang banal na layunin, maaari mo silang anyayahang gawin ang sumusunod nang may kapartner:
Balikan ang mga sumusunod na scripture passage para maalala ang natutuhan mo tungkol sa kilala ka ng Panginoon at alam Niya ang tungkol sa iyo at sa iyong banal na layunin:
-
Jeremias 1:4–5
Ang isang paraan na matutulungan mo ang mga estudyante na masukat ang pag-unlad at pagbabago sa kanilang mga hangarin ay ang pagpapakita ng mga sumusunod na pahiwatig na ginamit nila sa simula ng Lesson 130: “Jeremias 1.” Sabihin sa mga estudyante na balikan ang kanilang mga journal entry mula sa lesson na iyon para malaman kung ano ang nadama nila noong oras na iyon.
Maaari mo ring ipabasa sa mga estudyante ang mga mensaheng isinulat nila para sa kanilang sarili sa pagtatapos ng lesson na iyon.
Paano mo susuriin ang iyong sarili (1 = totoo sa akin; 10 = hindi totoo sa akin) sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong study journal kung bakit ganoon ang rate mo sa iyong sarili.
-
Naniniwala ako na mas kilala ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kaysa sa sinuman.
-
Naniniwala ako na binigyan Nila ako ng banal na layunin na magagawa ko sa tulong Nila.
-
Gusto kong malaman at matupad ang banal na misyon na ibinigay sa akin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Sabihin sa mga estudyante na suriin ang kanilang progreso sa tatlong pahayag sa itaas sa pamamagitan ng pagtatala ng kanilang natutuhan at naranasan kamakailan na nakaimpluwensya sa kanilang mga paniniwala at hangarin.
Makibahagi sa pagtitipon ng Israel
Sa Lesson 132: “Jeremias 16,” inanyayahan ang mga estudyante na gumawa ng personal na plano sa pagbabahagi sa iba ng ebanghelyo ng Tagapagligtas. Maaaring humingi ng inspirasyon ang mga estudyante mula sa Espiritu Santo tungkol sa kung kanino nila maibabahagi ang ebanghelyo, pati kung paano at kailan nila ito magagawa. Para matulungan ang mga estudyante na maalala ang lesson at ang kanilang plano, maaari mong basahin ang Jeremias 16:14–16.
Maaari mong ipakita ang sumusunod na graphic. Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng katulad na graphic sa kanilang study journal at punan ang box para sa isa o mahigit pa sa mga pahiwatig.
Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga handang estudyante na talakayin sa klase ang kanilang mga karanasan. Maghanap ng mga paraan para purihin at hikayatin ang mga estudyante sa kanilang pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas. Maaari mong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na mapanalanging gumawa ng bagong plano na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga nakapaligid sa kanila.