“Amos; Obadias; Jonas: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Amos; Obadias; Jonas: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Amos; Obadias; Jonas
Amos; Obadias; Jonas
Buod
Bagama’t hindi siya tinanggap nang maayos ng kanyang mga tao, nagpatotoo si Amos tungkol sa tungkulin ng mga propeta (tingnan sa Amos 3:7) at ipinropesiya ang darating na apostasiya (tingnan sa Amos 8:11–12). Tinakasan ni Jonas ang tawag ng mahabaging Panginoon na balaan ang mga tao ng Ninive. Si Jonas ay itinapon sa dagat, mahimalang nailigtas ng isang balyena, at kalaunan ay ginawa ang iniutos ng Panginoon. Ang mga tao ng Ninive ay nagsisi at nagbago, habang itinuturo ng Panginoon kay Jonas kung bakit siya dapat maging mahabagin sa kanila.
Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw. Ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa atin na makilala ang Tagapagligtas at madama ang Kanyang pagmamahal. Hikayatin ang mga estudyante na ugaliing pag-aralan ang banal na kasulatan araw-araw. Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga mag-aaral na maiugnay sa kanilang karanasan sa silid-aralan ang natutuhan nila sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang personal o kasama ang kanilang pamilya. Ang isang halimbawa kung paano ito gawin ay matatagpuan sa paghahanda ng estudyante sa Lesson 151: “Jonas.” (Tingnan ang mga detalye sa ibaba para sa lesson na ito.)
Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito gawin, tingnan ang “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Kilalanin Siya sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kanyang Salita” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Amos 3; 7
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na inihahayag ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga payo at katotohanan sa pamamagitan ng Kanilang mga propeta.
-
Materyal na ipapakita:
-
Sa pisara, isulat ang mga sagot sa social media na magsisimula sa lesson
-
Isang larawan ng buhay na propeta
-
Ang mga tagubilin para tumugon sa isang komento sa social media, may label ang mga ito na “1” at “2” sa ilalim ng heading na “Pagsunod sa mga Propeta ng Panginoon”
-
Amos 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kumpiyansa na mapapawi ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang kanilang sariling espirituwal na pagkagutom sa pamamagitan ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano maiiba ang kanilang buhay kung wala silang mga banal na kasulatan o mga salita ng mga propeta. Maaaring pumasok sa klase ang mga estudyante na handang ibahagi ang naisip nila.
-
Materyal na ipapakita: Larawan ng ilang pagkain o magdala ng isang simpleng pagkain
-
Video: “Mga Dispensasyon: Ang Pattern ng Apostasiya at Pagpapanumbalik” (6:52)
Jonas
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagkahabag at awa ng Panginoon sa kanila at sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang kuwento tungkol kay Jonas kasama ang kanilang pamilya o pag-aralan ito nang mag-isa at isipin kung ano sa palagay nila ang pangunahing mensahe nito. Maaari rin silang bumuo ng mga tanong o ideya mula sa kanilang pag-aaral.
Ang paanyayang ito ay isang halimbawa ng pagtulong sa mga estudyante na maiugnay ang natututuhan nila sa bahay sa kanilang pag-aaral sa klase. Makatutulong ito para mapalalim ng mga estudyante ang kanilang natutuhan tungkol sa banal na kasulatan at sa Tagapagligtas. Para sa karagdagang training tungkol sa pag-uugnay ng natutuhan ng mga estudyante sa bahay sa kanilang karanasan sa silid-aralan, tingnan ang “Gumawa at magtanong ng mga tanong na makatutulong sa mga mag-aaral na iugnay ang natutuhan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pag-aaral kasama ng pamilya sa natutuhan nila sa klase” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.
-
Materyal na ipapakita:
-
Sa pisara, magdrowing ng scale na mula “malupit, hindi mahabagin, masama” hanggang “mapagmahal, mahabagin, mabait”
-
-
Handout: “Ang Kuwento tungkol kay Jonas”
-
Video: “Moving On from Past Mistakes” (3:43)