“Daniel 1–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Daniel 1–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Daniel 1–7
Daniel 1–7
Buod
Bagama‘t sila ay mga tagalingkod sa ibang lupain, sina Daniel, Shadrac, Meshac, at Abednego ay nanindigang sundin ang mga batas ng Panginoon, at sila ay Kanyang pinrotektahan at pinagpala. Ipinakita ng Panginoon kay Daniel ang isang pangitain tungkol sa mga huling araw, kung kailan itatayo Niya ang Kanyang kaharian sa lupa. Pupunuin ng kaharian ng Panginoon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang lupa at mananatili magpakailanman.
Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkulin, at katangian ni Jesucristo. Habang hinahangad ng mga estudyante na matuto tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa mga banal na kasulatan, Sila ay makikilala at mamahalin nila. Matutulungan mo ang iyong mga estudyante na matutuhang gawin ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa kanila na matukoy ang mga titulo, tungkulin, at katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Matatagpuan ang isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 142: “Daniel 1.”
Para sa karagdagang kaalaman sa kung paano ito gawin, tingnan ang “Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 7).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Daniel 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na patatagin ang kanilang pangako na sundin ang Word of Wisdom ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang buod para sa “Word of Wisdom“ sa Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library. Hikayatin silang talakayin kung paano sila napagpala o ang iba sa pamamagitan ng pagsunod sa Word of Wisdom ng Panginoon.
-
Video: “God Gave Them Knowledge“ (13:49) mula sa time code na 0:52 hanggang 5:15
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili para sa mga estudyanteng walang access dito; papel at mga marker o colored pencil para sa paggawa ng mga poster ng mga estudyante
Daniel 2
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na palakasin ang kanilang patotoo tungkol sa banal na Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga sumusunod na ideya para maghanda para sa lesson na ito:
-
Gumawa ng listahan ng mahahalagang pangyayaring naganap bilang bahagi ng Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Gumawa ng listahan ng mga katotohanang natutuhan mo dahil sa Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na makipag-usap sa mga kapamilya o mga lider ng Simbahan para tulungan silang gawin ang kanilang mga listahan.
-
-
Mga Video: “God Gave Them Knowledge” (13:49) mula sa time code na 6:17 hanggang 13:00; “Pakinggan Siya” (24:23) mula sa time code na 17:05 hanggang 22:55
-
Handout: “Ang Panaginip ni Haring Nebukadnezar”
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa pagkumpleto ng handout
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo”
Daniel 3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala kay Jesucristo anuman ang mangyari.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang matatapat na disipulo ni Cristo na himalang naligtas mula sa kanilang mga pagsubok. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na isipin ang iba pang matatapat na disipulo na hindi nailigtas. Maaari nilang pagnilayan kung ano ang itinuturo sa kanila ng mga salaysay na ito tungkol sa pagtitiwala sa Panginoon.
-
Mga Video: “Sapagka’t Ako’y Nabubuhay, ay Mangabubuhay Rin Naman Kayo” (11:26) mula sa time code na 4:04 hanggang 4:55 at 4:55 hanggang 5:23; “Shadrach, Meshach, and Abed-nego” (1:39)
-
Nilalamang ipapakita: Mga tanong sa self-assessment sa bandang simula ng lesson
-
Mga Larawan: Gintong diyus-diyusan na itinayo ni Haring Nebukadnezar; Sina Shadrac, Meshac, at Abednego sa hurnong nagniningas
Daniel 6
Layunin ng Lesson: Tulungan ang mga estudyante na tumukoy at magbahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo mula sa Daniel 6.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga kuwento sa banal na kasulatan na natutuhan nila mula sa Lumang Tipan sa kanilang pag-aaral sa taong ito. Maaari silang pumili ng kuwentong naging makabuluhan sa kanila at maghandang magbahagi ng katotohanan ng ebanghelyo na naunawaan nila sa tulong ng kuwento.
-
Kuwentong ibabahagi: Isang pabula o kilalang kuwentong-bayan kung saan maaaring may matukoy na aral ang mga estudyante
-
Mga Video: “Mga Bagay na Pinakamahalaga” (0:33) mula sa time code na 0:00 hanggang 0:22; “Daniel and the Lions’ Den” (1:46)
-
Mga Larawan: Mga larawan ni Daniel mula sa artikulong “Daniel and the Lions“ (Friend, Nob. 2018, FJ4–FJ6)
-
Handout: “Ang mga Kuwento sa Banal na Kasulatan ay Nagtuturo ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo”