Seminary
Ezekiel 47: Mga Pagpapala ng Templo


“Ezekiel 47: Mga Pagpapala ng Templo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Ezekiel 47: Mga Pagpapala ng Templo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: Lesson 141

Ezekiel 47

Mga Pagpapala ng Templo

And the River Will Grow

Ang Panginoon ay nagbibigay sa atin ng maraming pagpapala sa pamamagitan ng ating pagsamba sa templo. Nakita ni Ezekiel sa pangitain ang isang templo sa huling araw na itatayo sa Jerusalem. Nakita niya ang tubig na umaagos mula sa templong ito, na nagpapagaling sa nakapalibot na lupain at nagbigay-buhay sa Patay na Dagat. Ang pangitain ay sumisimbolo sa mga pagpapalang ibinibigay sa atin ng Panginoon habang sinasamba natin Siya sa Kanyang templo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas matinding hangarin na sambahin ang Diyos sa templo.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang mga sumusunod na tanong at anyayahan sila na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga sagot:

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagnanais na sumamba sa templo

Simulan ang lesson sa paraang makatutulong sa mga estudyante na isipin ang kanilang hangaring dumalo at sumamba sa templo. Para magawa ito, maaari kang magpakita ng larawan ng isang templo. Pagkatapos ay isulat ang mga sagot ng mga estudyante sa isa sa mga sumusunod na tanong sa isang bahagi ng templo at ang mga sagot nila sa isa pang tanong sa kabilang bahagi.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring gusto ng isang tinedyer na dumalo at sumamba sa templo?

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring ayaw niyang dumalo sa templo? Ano ang maaaring nagpapahirap dito?

    Ang mga tanong para sa self-assessment ay makakatulong sa mga estudyante na tumukoy ng mga pagkakataon para sa personal na pag-unlad at pagkatuto. Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang mga sumusunod na tanong tungkol sa kanilang sarili.

  • Gaano katindi ang iyong pagnanais na sumamba sa templo? Bakit?

  • Ano ang maaaring humadlang sa iyo sa pagnanais na dumalo sa templo?

Habang pinag-aaralan ninyo ang Ezekiel ngayon, hingin ang tulong ng Panginoon para matulungan kayong mapatindi ang inyong hangaring dumalo at sumamba sa templo.

Ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo

Tandaan: Para matulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Panginoon, mahalagang tukuyin sa lesson na ito ang mga pagpapala na nagmumula sa Panginoon sa pamamagitan ng templo, hindi mula sa templo mismo.

Sa Ezekiel 47, nakita ni Ezekiel ang isang pangitain na maaaring sumimbolo sa mga pagpapalang ibinibigay ng Panginoon sa lahat ng gumagawa ng gawain sa templo at family history. Nagsimula ito sa isang sugo mula sa langit na dinadala si Ezekiel sa pintuan ng templo sa Jerusalem.

Basahin ang Ezekiel 47:1, at alamin kung ano ang nakita ni Ezekiel na nagmumula sa templo.

  • Paano maaaring maging angkop na simbolo ang tubig para sa mga pagpapala ng Panginoon?

Maaaring kabilang sa ilang posibleng sagot na ang tubig ay nagbibigay- buhay, kailangan ng lahat, nakakalinis, at magagamit ng lahat. Sa Kanyang mortal na ministeryo, inihambing ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili at ang mga pagpapalang ibibigay Niya sa tubig na buhay (tingnan sa Juan 4:10; 7:37–39).

Maaaring makatulong para sa susunod na aktibidad na ipaliwanag na ang isang siko [cubit] ay isang yunit ng pagsukat, mula sa siko hanggang sa dulo ng mga daliri, na humigit-kumulang 18 hanggang 21 pulgada o 45 hanggang 53 sentimetro.

Basahin ang Ezekiel 47:2–5, at alamin kung gaano kalalim ang tubig nang dumaloy ito palabas ng templo.

Dahil ang turo ng Panginoon sa salaysay na ito ay napakadetalyado ng deskripsyon, makatutulong na idrowing ang ating natututuhan. Sa itaas na bahagi ng isang pahina sa iyong study journal, idrowing ang isang simpleng representasyon ng isang templo at ang tubig na nagmumula rito. (Idodrowing mo pa mamaya sa ibabang bahagi kung saan napupunta ang tubig.)

Kung makatutulong, maaaring panoorin ng mga estudyante ang “And the River Will Grow,“ na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 0:26–1:29.

3:45
  • Ano sa palagay mo ang itinuturo ng Panginoon sa pangitaing ito tungkol sa mga pagpapalang ibinibigay Niya sa pamamagitan ng templo?

Itanong sa mga estudyante:

  • Kung magdodrowing kayo ng isang bagay sa inyong larawan na sumisimbolo kung saan walang nabubuhay o umuunlad, ano ito, at bakit?

Kung ang parehong tanong ay ibibigay sa mga nasa Jerusalem noong panahon ni Ezekiel, malamang na ang sagot ay ang ilang ng Judea o ang Patay na Dagat. Ang Patay na Dagat ay pinangalanan nang ganito dahil sa kawalan nito ng kakayahan na bumuhay ng hayop o halaman. Mayroon din itong tubig-alat at hindi ito naiinom. Kung makatutulong, ipakita o ituro sa mga estudyante ang larawang “Ilang ng Judea at ang Patay na Dagat“ (Mga Larawan sa Biblia, blg. 3) sa Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library o sa Bible Appendix para makita ang ilang sa tabi ng Patay na Dagat. Maaari din nilang tingnan ang “Pisikal na Mapa ng Banal na Lupain“ (Mga Mapa sa Biblia, blg. 1) at hanapin ang Ilang sa Judea at ang Patay na Dagat.

Basahin ang Ezekiel 47:8–9, 12, at alamin kung ano ang mangyayari sa lahat ng bagay na dinaanan ng tubig mula sa templo, kabilang na ang Patay na Dagat.

Anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang kanilang larawan at idrowing ang kakabasa lang nila sa ibabang bahagi ng kanilang papel.

icon ng seminary Ang sumusunod ay halimbawa ng isang tanong na pag-iisipan na tutulong sa mga estudyante na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo para sa kanilang sarili. Sa pamamaraang ito, magiging mas kapaki-pakinabang ang pag-aaral ng mga estudyante ng mga banal na kasulatan at magtutulot ito sa Panginoon na turuan at bigyang-inspirasyon sila nang personal. (Para sa karagdagang training para sa kasanayang ito, tingnan sa: “Lumikha ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga estudyante na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo sa sarili nila at huwag akayin ang mga estudyante sa partikular na sagot” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

  • Paano ninyo ibubuod ang natutuhan ninyo mula sa pangitain ni Ezekiel?

Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng iba’t ibang alituntunin. Pasalamatan sila para sa kanilang mga tugon at itanong kung bakit mahalaga ang kanilang natutuhan.

Isa sa mga alituntunin na maaaring matukoy ng mga estudyante ay: Habang sinasamba natin ang Panginoon sa templo, pinagpapala Niya tayo ng paggaling, bagong buhay, at pag-unlad. Maaaring isulat ng mga estudyante ang alituntuning ito o ang natukoy nila sa kanilang mga banal na kasulatan sa tabi ng Ezekiel 47:1–9.

Kung makatutulong para mas maunawaan ito, ipagpatuloy ang video ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol at ng kanyang pamilya mula sa time code na 1:58–2:33.

3:45

Palalimin ang inyong pag-unawa

icon ng seminary Maghanda ng kopya ng handout na “Blessings of the Temple [Mga Pagpapala ng Templo]“ para sa bawat estudyante.

Basahin ang handout na “Blessings of the Temple [Mga Pagpapala ng Templo]“ at salungguhitan o bilugan ang anumang pagpapalang mahalaga para sa iyo.

Sa kanilang mga drowing, maaaring isulat ng mga estudyante ang mga pagpapalang ito sa tubig na nagmumula sa templo. Maaari din silang magdagdag ng anumang karagdagang pagpapalang maiisip nila na ibinibigay sa atin ng Panginoon sa pamamagitan ng templo.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga drowing at nakasulat na mga pagpapala sa kapartner o sa maliit na grupo. Bilang alternatibo, maaari mong idrowing ang ilog sa pisara at hilingin sa mga estudyante na isulat doon ang mga pagpapalang naisip nila. Pagkatapos ay maaaring idagdag ng mga estudyante sa kanilang mga drowing ang mga pagpapalang gusto nilang maalala mula sa ibinahagi ng iba.

  • Anong mga pagpapala ang mahalaga para sa inyo?

    Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga sagot sa mga sumusunod na tanong nang ilang sandali bago mo sila tanungin. Habang nagbabahagi sila, maaari kang magtanong ng gaya ng mga sumusunod: “Bakit makabuluhan iyon sa inyo?“ “Mayroon bang iba pa sa inyo na may katulad na karanasan?“ at “Ano ang gusto ninyong idagdag sa ibinahagi?“

    Kung nakatira ang mga estudyante sa isang lugar kung saan marami ang hindi pa nakakadalo sa templo dahil malayo ito, at wala silang masyadong kakilala na nakadalo na sa templo, maaari mong baguhin ang pangalawang tanong para itanong ang mga pagpapalang naranasan ng mga estudyante o ng iba habang naghahanda silang sumamba sa templo.

  • Paano nakapagpapagaling o nagbibigay-buhay ang alinman sa mga pagpapalang natukoy ninyo?

  • Kailan ninyo naranasan o ng mga kakilala ninyo ang isa sa mga pagpapalang ito mula sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsamba sa templo?

Kung makikinabang ang mga estudyante na makakita ng iba pang halimbawa ng ilang pagpapalang makukuha mula sa pagsamba sa templo, maaari mong ipanood ang isa sa mga sumusunod na video:

2:50
14:43

Ang nadarama ninyo tungkol sa templo

Sa pagtatapos ng lesson, maaari kang maghanap ng bahagi sa iyong larawan o sa iyong study journal kung saan mo isusulat ang iyong nadarama tungkol sa pagdalo at pagsamba sa templo at pagtanggap ng mga pagpapala ng Panginoon. Hingin ang tulong ng Espiritu Santo upang maisulat ang iyong nadarama nang maayos at tumpak.

Maaari mong anyayahan ang sinumang estudyante na gustong magbahagi ng kanilang saloobin at patotoo. Maaari mo ring ibahagi ang saloobin at patotoo mo.