“Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47
Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47
Buod
Tinawag ng Panginoon si Ezekiel bilang propeta upang maglingkod bilang bantay para sa mga Israelita habang nasa pagkabihag sa Babilonia (tingnan sa Ezekiel 3:16–17). Kalaunan, inihambing ni Ezekiel kung paano pinangalagaan ng mga pastol sa Israel ang kanilang mga kawan sa paraan ng pangangalaga ni Jesucristo, “ang Mabuting Pastol“ (Juan 10:11), sa mga anak ng Ama sa Langit. Ipinropesiya ni Ezekiel ang panahon kung kailan ang Biblia (ang tungkod ng Juda) at ang Aklat ni Mormon (ang tungkod ni Jose) ay magiging magkatuwang na mga tipan ni Jesucristo at ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo (tingnan sa Ezekiel 37:15–17). Nakita ni Ezekiel sa isang pangitain ang isang templo sa huling araw na may nagpapagaling na tubig na umaagos mula rito bilang simbolo ng mga pagpapalang ibinibigay sa atin ng Panginoon habang sinasamba natin Siya sa Kanyang templo.
Pag-aralan ang Doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili. Alam at naunawaan ng Tagapagligtas ang Kanyang doktrina. Sa murang edad, tinuruan Niya ang iba at sinagot ang kanilang mga tanong (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 2:46). Maaari mo ring hangaring matutuhan nang mas malalim ang totoong doktrina at mahikayat ang iyong mga estudyante na gawin din ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano naunawaan ng Tagapagligtas ang Kanyang doktrina, tingnan sa “Natutuhan ng Tagapagligtas ang Doktrina” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 20).
Makakakita ka ng halimbawa ng kung paano hikayatin ang mga estudyante na matutuhan ang doktrina ni Jesucristo para sa kanilang sarili sa Lesson 141: “Ezekiel 47.“
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Ezekiel 1–3, 33
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring makinig sa mga babala ng mga propeta ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang “Propeta“ sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan o “Mga Propeta“ sa Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library. Maaari nilang alamin ang tungkulin ng mga propeta at pagnilayan kung paano nila nakikita na ginagampanan ng mga propeta ang tungkuling ito.
-
Mga Video: “Face to Face with President Eyring and Elder Holland” (1:36:15) mula sa time code na 3:33 hanggang 6:35; “Ang Propeta ng Diyos” (16:04) mula sa time code na 6:17 hanggang 6:51; “Ang Tinig ng Babala” (15:15) mula sa time code na 3:01 hanggang 3:34
-
Larawan: Larawan ng Carcassone
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Kung kinakailangan, mga kamakailang edisyon ng Liahona sa pangkalahatang kumperensya kung saan maghahanap ng mga mensahe sa kumperensya; ang isang opsiyonal na aktibidad ay nangangailangan ng papel kung saan magsusulat ng mga babala ng propeta na ipapaskil sa paligid ng silid-aralan
Ezekiel 34
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas na hanapin at pangalagaan ang iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga dahilan kung bakit angkop kay Jesucristo ang pangalang “ang Mabuting Pastol“ (Juan 10:11, 14). Maaari nilang pag-isipan kung paano sila tinutulungan ng pangalang ito ng Tagapagligtas na maunawaan ang Kanyang pagmamahal at hangaring pangalagaan ang mga anak ng Ama sa Langit.
-
Mga Video: “Shepherds of Israel” (9:14) mula sa time code na 1:07 hanggang 4:09; “Face to Face kasama sina President at Sister Oaks” (1:20:10) mula sa time code na 57:50 hanggang 59:55
-
Larawan: Si Jesucristo na inilarawan bilang pastol
Ezekiel 37
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan kung paano nagtutulungan ang Biblia at Aklat ni Mormon bilang mga saksi ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin na kunwari ay tinatanong sila, “Bakit mo kailangan ang Aklat ni Mormon kung naniniwala ka sa Biblia?“ at maghandang ibahagi kung paano sila tutugon. Maaari din nilang tanungin ang isang kaibigan o kapamilya kung paano siya tutugon sa tanong.
-
Handout: Larawan upang matulungan ang mga estudyante na gumawa ng isang post sa social media
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga sticky note o maliit na piraso ng papel at tape para makapaglagay ang mga estudyante ng mga komento sa mga post sa social media ng ibang estudyante
Ezekiel 47
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring sambahin ang Diyos sa templo.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang mga sumusunod na tanong at anyayahan sila na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga sagot:
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring gusto ng isang tinedyer na dumalo at sumamba sa templo?
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring ayaw niyang dumalo sa templo? Ano ang maaaring nagpapahirap dito?
-
-
Larawan: Larawan ng isang templo
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel na gagamitin ng mga estudyante sa pagdrowing, o maaaring gumamit ang mga estudyante ng mga study journal
-
Mga Video: “And the River Will Grow” (3:43) mula sa time code na 0:25 hanggang 1:28 at mula sa time code na 1:58 hanggang 2:33; “Ang Mga Templo ay Isang Tanglaw” (2:50); “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling” (14:43) mula sa time code na 7:36 hanggang 12:20
-
Nilalamang ipapakita: “Ilang ng Judea” (Mga Larawan ng mga Pook sa mga Banal na Kasulatan, blg. 3) at “Pisikal na Mapa ng Banal na Lupain” (Mga Mapa sa Biblia, blg. 1), na makikita sa Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library
-
Handout: “Blessings of the Temple [Mga Pagpapala ng Templo]”