“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Jeremias 31–33; 36–38; Mga Panaghoy 1; 3: Lesson 137
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9
Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang pundasyon para sa kanilang buhay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage mula sa Lumang Tipan at isaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang scripture reference. Kung gusto nila, maaari din nilang isaulo ang buong passage. Sabihin sa kanila na isipin kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang pagsasaulo ng mahahalagang parirala o talata.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo
Ipakita sa mga estudyante ang mga pamantayang aklat ng mga banal na kasulatan: Lumang Tipan, Bagong Tipan, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas. (Maaari kang magpakita ng mga pisikal o elektronikong kopya, o maaari mong gamitin ang larawan sa itaas).
-
Alin sa mga aklat na ito ng banal na kasulatan ang maaaring pinag-aralan ng Tagapagligtas noong bata pa Siya, noong kabataan Niya, at habang naglilingkod Siya sa mundo?
Kung kinakailangan, ipaliwanag na maaaring nabasa ng Tagapagligtas ang marami sa mga banal na kasulatan sa Lumang Tipan, ang mga banal na kasulatan na pinag-aaralan ngayon ng mga kabataan.
Basahin ang isa o dalawa sa mga sumusunod na banal na kasulatan, at alamin kung paano ginamit ng Tagapagligtas ang mga naisaulong parirala o talata mula sa Lumang Tipan: Mateo 4:2–4; 19:4–5; Marcos 7:9–10; Lucas 24:27.
-
Ano ang nalaman ninyo?
Maaaring banggitin ng mga estudyante na ginamit ng Tagapagligtas ang mga naisaulong banal na kasulatan para madaig ang tukso, masagot ang mga tanong ng iba, maitama ang mga maling akala, at maturuan ang iba. Kung gustong malaman ng mga estudyante ang mga talatang binanggit ng Tagapagligtas, ibahagi na sa Mateo 4:2–4, binanggit ng Tagapagligtas ang Deuteronomio 8:3, sa Mateo 19:4–5, binanggit Niya ang Genesis 2:24, at sa Marcos 7:9–10, binanggit Niya ang Exodo 20:12 at Deuteronomio 5:16.
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na habang isinasaulo nila ang mga doctrinal mastery scripture passage o mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ginagamit ang mga ito sa kanilang buhay, tinutularan nila ang halimbawa ni Jesucristo.
-
Ano ang ilang sitwasyon na kinaharap mo o maaari mong kaharapin sa hinaharap kung saan maaaring naging kapaki-pakinabang o magiging kapaki-kapakinabang ang naisaulong banal na kasulatan?
Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ang kapag nagtuturo ng lesson o nagbibigay ng mensahe, sumasagot sa mga tanong ng iba, naghahanap ng personal na sagot, at humaharap sa tukso.
-
Ano ang ilang bagay na ginagawa o magagawa ninyo na maaaring makatulong sa inyo na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan o scripture passage?
Maaaring kabilang sa mga sagot ang pag-ulit sa mga parirala o passage, pagsulat sa mga ito at pagbura ng mga salita, o paggamit ng mga flashcard o papel na ginawa ng mga estudyante sa Lesson 15: “Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1.”
Maaari kang magpakita o magbigay sa bawat estudyante ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila. Ang listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Lumang Tipan ay makikita sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad gamit ang isang paraan ng pagsasaulo na pinili nila. Kabilang sa ilang ideya ang paggamit ng unang titik ng bawat salita sa doctrinal mastery phrase o paggamit ng Doctrinal Mastery app. Nakalista ang marami pang ideya sa “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery” sa Appendix.
Maglaan ng ilang minuto para isaulo ang mga reference at mahahalagang parirala ng ilang doctrinal mastery scripture. (Kung gugustuhin mo, maaari mong isaulo ang isang buong passage bukod pa sa mahalagang parirala.)
Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga parirala o passage na kanilang naisaulo, at maghandang sagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Paano maaaring makatulong sa iyong buhay ang parirala o passage na ito?
-
Paano ka nito maaaring matulungan na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?
Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi at pag-isipan ding ibahagi ang mga ideya mo. Maghanap ng mga paraan para mahikayat ang mga estudyante na patuloy na magsaulo ng mga banal na kasulatan.
Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga nauugnay na sitwasyon. Bago magpatuloy, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntuning ito. Ang kakayahan ng mga estudyante na alalahanin at ipamuhay ang mga alituntuning ito ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay mapapahusay sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagrerebyu at pagsasanay. Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay nasa bahagi ng appendix na may pamagat na “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.” Ang mga paglalarawan sa mga alituntunin ay nasa talata 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Ibahagi ang sumusunod na sitwasyon sa iyong mga estudyante. Maaari mo ring piliing iakma ang sitwasyon sa mga kalagayan ng iyong mga estudyante, o maaari mong tanungin ang iyong mga estudyante kung paano nila ito gustong iakma upang gawin itong mas nauugnay sa kanila.
Isipin na kunwari ay sinabi ng kaibigan mong si Mia na, “Sobrang nakakainip at parang pag-aaksaya ng oras ang mga ginagawa natin tuwing Linggo. Mas magiging maganda ang pagtatapos ng ating linggo kung hindi natin kailangang alalahaning panatilihing banal ang araw ng Sabbath, ‘di ba?”
-
Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring nahihirapan si Mia na sundin kautusang ito?
Maaari mong itanong kung bakit maaaring maging kapaki-pakinabang na malaman kung bakit maaaring nababahala si Mia.
Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maaaring gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan si Mia na mabago ang kanyang kasalukuyang nadarama at mapalitan ng pag-unawa at pagdama ng kagalakan sa araw ng Sabbath.
Maaaring gawin ng mga estudyante ang sumusunod nang mag-isa o sa maliliit na grupo:
Maglaan ng ilang minuto na ihanda ang sa palagay mo ay makatutulong kay Mia, na maaaring kinabibilangan ng:
-
Mga banal na kasulatan, mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan, o iba pang source na itinalaga ng Diyos. Maaaring kabilang dito ang mga doctrinal mastery verse tulad ng Exodo 20:8; Isaias 58:13–14; Mosias 2:41; o iba pang mga talata, tulad ng Doktrina at mga Tipan 59:9, 13–15.
-
Mga katotohanan o doktrinang alam mong makatutulong kay Mia na makita ang sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw (halimbawa, kung paano tayo matutulungan nito na maging higit na katulad ng Panginoon [tingnan sa Moises 3:3]).
-
Isang halimbawa mula sa mga banal na kasulatan, isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya, o isang personal na karanasan na naglalarawan kung paano maaaring kumilos ang isang tao nang may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo upang mapanatiling banal ang araw ng Sabbath, na maaaring kinabibilangan ng pagsisimba at pagtanggap ng sakramento. Maaari mo ring ilarawan kung paano sila pinagpala ng Panginoon nang magpakita sila ng pananampalataya. (Kabilang sa ilang halimbawa sa banal na kasulatan ang Exodo 16:14–30 at Jarom 1:5–9.)
Ang sumusunod ay isang paraan kung paano mo maaari ihanda ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya sa isa‘t isa.
-
Bigyan ang bawat estudyante ng isang piraso ng papel. Ipahati ito sa kanila sa tatlong bahagi sa pamamagitan ng pagtupi nito o pagdrowing ng mga linya.
-
Sabihin sa kanila na lagyan ng label ang bawat bahagi gamit ang magkakaibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Pumili ng isang alituntunin at ipasulat sa lahat ng estudyante sa kanilang mga papel ang isang paraan kung paano makatutulong kay Mia ang paggamit sa napiling alituntunin.
-
Maaaring ipasa ng mga estudyante ang mga papel at magsulat tungkol sa ibang alituntunin sa ibang papel. Sabihin sa mga estudyante na ipagpatuloy ang pagpapasa at pagsusulat.
-
Kapag ang lahat ng papel ay nasulatan na ng ilang ideya, sabihin sa mga estudyante na hawakan ang papel at basahin ang nakasulat.
Anyayahan ang ilang handang estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kanilang nabasa. Maaari mong ipasagot sa mga estudyante na hindi karaniwang nakikibahagi ang isa o mahigit pa sa mga tanong na ito. Maaaring mas kumportable ang ilang estudyante na ibahagi ang isinulat ng ibang tao.
-
-
Ano ang isang bagay na iyong binasa o isinulat na sa tingin mo ay magiging kapaki-pakinabang lalo na kay Mia? Bakit?
-
Ano ang idaragdag mo?
Pagkatapos magbahagi ng ilang estudyante, maaari mong itanong kung sa palagay ng klase ay may iba pang bagay na maaaring kailangan ni Mia sa pagkakataong ito. Mayroon bang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na hindi ninyo natalakay na magiging kapaki-pakinabang? Magpatuloy hanggang sa madama ng klase na makatatanggap na si Mia ng sapat na tulong.
Ano ang natutuhan ninyo?
Sa inyong study journal, isulat ang natutuhan ninyo mula sa karanasang ito na gusto ninyong matandaan, na maaaring kinabibilangan ng kung paano makatutulong sa inyo ang paggamit sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa anumang tanong o alalahanin na mayroon kayo.