“Jeremias 31–33; 36–38; Mga Panaghoy 1; 3: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Jeremias 31–33; 36–38; Mga Panaghoy 1; 3: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Jeremias 31–33; 36-38; Mga Panaghoy 1; 3
Jeremias 31–33; 36–38; Mga Panaghoy 1; 3
Buod
Si Jeremias ay nagpropesiya sa Jerusalem bago ang pagkabihag at sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia. Binalaan niya ang mga Judio na kung hindi sila magsisisi, sasalakayin ang kanilang lungsod, at sila ay dadalhing bihag. Ang mga hari at mga tao ng Jerusalem ay hindi nakinig kay Jeremias at sila ay nalipol. Itinuro din ni Jeremias sa kanyang mga tao ang tungkol sa pagmamahal ng Panginoon at kung paano Niya titipunin ang Kanyang mga tao sa mga huling araw. Bilang bahagi ng pagtitipon, ipinangako ng Panginoon na isusulat Niya ang Kanyang batas sa puso ng Kanyang mga tagasunod. Matapos mawasak ang Jerusalem, nagsulat si Jeremias ng panaghoy para sa kanyang mga tao, na nagpapaalala sa kanila ng pagkahabag ng Panginoon at na hindi sila itatakwil habambuhay.
Palaging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa paghahangad mong magturo sa pamamagitan ng Espiritu, maghanap ng mga paraan para tumugon at tumuon sa mga pangangailangan, tanong, at interes ng iyong mga estudyante at hindi lamang sa materyal na inihanda mo. Kapag ginawa mo ito, maaanyayahan mo ang Espiritu na tulungan kang tumugon sa mga kalagayan ng iyong mga estudyante. Para malaman pa kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa mga pangangailangan ng iba, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Palaging Handang Tumugon sa mga Pangangailangan ng Iba” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 17). Para sa halimbawa tungkol sa kung paano ka makatutugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, tingnan sa Lesson 135: “Jeremias 36.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Jeremias 31
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng isulat ang ebanghelyo ng Tagapagligtas sa kanilang puso.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa mga kapamilya at kaibigan ang tanong na ito: “Ano ang pagkakaiba ng pag-alam sa katotohanan ng ebanghelyo sa iyong isipan at ng pagdama nito sa iyong puso?” Maaari silang maghanda na ibahagi ang tinalakay nila.
-
Mga item na ipapakita: Ang mga sumusunod na tanong: “Paano ko malalaman kung nakasulat sa aking puso ang batas ng Tagapagligtas? Ano ang ilang bagay na magagawa ko para anyayahan ang Tagapagligtas na isulat ang Kanyang batas sa aking puso?”
-
Handout: “Isusulat ng Tagapagligtas ang Kanyang Batas sa Iyong Puso”
Jeremias 36
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila tinutulungan ng mga banal na kasulatan na bumaling kay Jesucristo para mapatawad sa kasalanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang kanilang mga personal na mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at sumulong sa kinakailangang babasahin para sa taon. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano sila natutulungan ng kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan na bumaling sa Panginoon.
Mga Panaghoy 1; 3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagkahabag ng Tagapagligtas para sa kanila, kahit na nagkakasala sila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang isang kuwento mula sa mga banal na kasulatan na nagpapakita ng mahabaging katangian ng Tagapagligtas. Ang mga estudyante ay magkakaroon ng pagkakataon na sumangguni sa kuwentong ito sa lesson.
-
Larawan: Isang larawan ng propetang si Jeremias
-
Video: “Painted into a Corner” (3:41)
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage mula sa Lumang Tipan at isaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang scripture reference. Kung gusto nila, maaari din nilang isaulo ang buong passage. Sabihin sa kanila na isipin kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang pagsasaulo ng mahahalagang parirala o talata.
-
Item: Isang pirasong papel para sa bawat estudyante