Seminary
Ezekiel 1–3; 33: “Ginawa Kitang Bantay”


“Ezekiel 1–3; 33: ‘Ginawa Kitang Bantay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Ezekiel 1–3; 33: ‘Ginawa Kitang Bantay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: Lesson 138

Ezekiel 1–3; 33

“Ginawa Kitang Bantay”

A man standing under the awning of a small stone tower, looking out over the surrounding landscape.

Paano tayo mananatiling ligtas sa kabila ng napakaraming espirituwal na panganib sa mundo? Tumawag ang Panginoon ng mga propeta upang maglingkod bilang mga bantay upang balaan at protektahan tayo. Tinawag ng Panginoon si Ezekiel upang maglingkod bilang bantay para sa mga Israelita habang nasa pagkabihag sa Babilonia (tingnan sa Ezekiel 3:16–17). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangarin na makinig sa mga babala ng mga propeta ng Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang “Propeta“ sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan o “Mga Propeta“ sa Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library. Maaari nilang alamin ang tungkulin ng mga propeta at pagnilayan kung paano nila nakikita na ginagampanan ng mga propeta ang tungkuling ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Nadarama tungkol sa propeta ng Panginoon

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang nadarama tungkol sa propeta ng Panginoon ngayon. Ang isang paraan kung paano magagawa ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng Pangulo ng Simbahan at pag-anyaya sa mga estudyante na kantahin o pakinggan ang “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta“ (Mga Himno, blg. 15). Pagkatapos ay maaari mong ibigay ang mga tagubilin sa ibaba. Tanggapin na maaaring magkakaiba ang nadarama ng mga estudyante tungkol sa propeta, at ayos lang iyon. Hikayatin silang tumugon nang matapat.

96:16

Sa iyong study journal, kumpletuhin ang sumusunod na pahayag gamit ang isa o mahigit pang mga tugon:

Kapag nakikita ko ang propeta, nakikinig habang siya’y nagsasalita, o binabasa ang kanyang mga salita, nakadarama ako ng …

Anyayahan ang mga estudyante na gustong magbahagi sa klase ng isinulat nila. Maaari mong ipaliwanag na habang sila ay nagbabahagi at nakikinig, maaaring mabigyang-kaliwanagan ng Espiritu Santo ang kanilang isipan at mapalambot ang kanilang mga puso upang masunod ang propeta ng Panginoon.

Tinawag ng Panginoon si Ezekiel bilang propeta

Si Ezekiel ay binihag at dinala sa Babilonia kasama ng iba pang mga Israelita. Habang nasa pagkabihag, dinalaw siya ng Panginoon at tinawag na maging propeta (tingnan sa Ezekiel 1–2). Nangako ang Panginoon na palalakasin Niya si Ezekiel habang nangangaral siya sa mga taong mapanghimagsik at matigas ang puso (tingnan sa Ezekiel 3:7–9).

icon ng doctrinal mastery Ang Ezekiel 3:16–17 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.

Basahin ang Ezekiel 3:10–11, 16–17, at alamin kung ano ang itinuro ng Panginoon kay Ezekiel tungkol sa kanyang tungkulin bilang propeta.

  • Ano ang nalaman ninyo?

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang matalinghagang paglalarawan sa isang bantay, maaari mong ipakita ang larawan ng Carcassonne na kasama sa lesson na ito, kasama ng pahayag na ito mula kay Elder Neil L. Andersen.

Ipinaliwanag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

16:5
Former Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.   Replaced September 2019.

Ang Carcassonne ay isang kahanga-hangang lungsod na napaliligiran ng pader sa France na itinayo noong kalagitnaan ng panahon. Nagsitaasan ang matataas na tore sa loob ng mga protektadong pader na ito, na itinayo para sa mga bantay na tatayo sa mga toreng iyon buong araw at gabi, na nakatutok ang atensiyon sa kalayuan para magbantay sa kaaway. Kapag nakakita ang bantay ng paparating na kaaway, ang kanyang tinig ng babala ang pumuprotekta sa mga tao sa Carcassonne mula sa nakaabang na panganib na hindi nila nakikita.

Ang propeta ay isang bantay sa tore na pumuprotekta sa atin mula sa mga espirituwal na panganib na maaaring hindi natin nakikita. (“Ang Propeta ng Diyos,” Liahona, Mayo 2018, 25)

  • Paano ninyo maaaring ibuod ang itinuturo ng Ezekiel 3:16–17 at ni Elder Andersen tungkol sa mga propeta?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy na tumatawag ang Panginoon ng mga propetang naglilingkod bilang mga bantay upang balaan tayo tungkol sa mga espirituwal na panganib. Ipaliwanag na ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ay naglilingkod bilang mga propeta ng Panginoon ngayon. Kung ginawa ng mga estudyante ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaari nilang ibahagi ang natutuhan nila bilang bahagi ng susunod na talakayan.

  • Bakit magandang gamitin ang mga salitang “mga bantay“ para ilarawan ang tungkulin ng mga propeta?

Sa Ezekiel 33, muling itinuro ng Panginoon kay Ezekiel ang kanyang responsibilidad na maglingkod bilang bantay at ibahagi ang mensahe ng Diyos sa Israel (tingnan sa Ezekiel 33:1–7).

Basahin ang Ezekiel 33:9–11, at alamin kung bakit gustong balaan ng Panginoon ang Kanyang mga tao.

  • Ano ang maaaring ituro sa atin ng talata 11 tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Ibinahagi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paanong ang mga babala ng propeta ay katibayan ng pagmamahal ng Diyos:

15:15
Portrait of Elder D. Todd Christofferson.  Photographed in March 2020.

Malayo sa pagiging sabik magparusa, hangad ng ating Ama sa Langit at ng ating Tagapagligtas ang ating kaligayahan at nagsusumamong magsisi tayo, lubos na nababatid na “ang kasamaan ay hindi kailanman [naging at magiging] kaligayahan” [Alma 41:10]. Kaya si Ezekiel at ang bawat propeta bago at simula noon, na nagpahayag ng salita ng Diyos nang buong puso, ay nagbabala sa lahat ng may kalooban na tumalikod kay Satanas, ang kaaway ng kanilang kaluluwa, at “[piliin ang] kalayaan at buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dakilang Tagapamagitan ng lahat ng tao” [2 Nephi 2:27]. (“Ang Tinig ng Babala,” Liahona, Mayo 2017, 108)

  • Paano maiimpluwensyahan ng pag-unawa kung bakit tinatawag ng Panginoon ang Kanyang mga propeta na maging mga bantay ang ating mga hangarin na sundin sila?

Mga babala mula sa mga bantay

Ang sumusunod na aktibidad ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makita ang mga halimbawa ng mga babala na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga sumusunod na opsiyon para pag-aralan:

  1. Mga kamakailang mensahe mula sa mga miyembro ng Unang Panguluhan o Korum ng Labindalawang Apostol

  2. Ang mga doctrinal mastery scripture passage na ito o iba pang mga passage na pipiliin mo: Isaias 5:20; 1 Corinto 6:19–20 (tingnan din ang talata 18); 2 Nephi 2:27; 2 Nephi 32:8–9; Alma 41:10; at Doktrina at mga Tipan 64:9–11

Pagkatapos pumili ang mga estudyante ng opsiyon para pag-aralan nila, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin:

Pag-aralan ang mga turo mula sa mga propeta ng Panginoon at maghandang ibahagi ang sumusunod:

  1. Mga babala na ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

  2. Mga pagpapalang maaari nating matanggap o mga problema na maaari nating maiwasan sa pamamagitan ng pakikinig sa mga babalang ito. Ang mga ito ay maaaring mula sa iyong pinag-aralan o mula sa iyong mga ideya at karanasan.

  3. Kung paano mo nadarama na ang babalang ito ay katibayan ng pagmamahal ng Diyos o ng Kanyang pagnanais na tayo ay maging masaya.

Maaari mong anyayahan ang bawat estudyante na pumili ng isang babala ng propeta na nalaman nila sa step 1 ng kanilang pag-aaral at isulat ito sa pisara. Bilang isa pang opsyon, maaaring isulat ng mga estudyante ang babala sa isang piraso ng papel at ipaskil ito sa paligid ng silid. Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang mga babalang isinulat ng iba. Pagkatapos ay maaaring pumili ang klase ng ilan na tatalakayin nang mas detalyado. Maaari mong hilingin sa mga estudyanteng nagsulat ng mga piniling babala na ibahagi ang kanilang mga sagot sa step 2 o 3 mula sa kanilang pag-aaral.

Habang nakikinig at nakikibahagi ang mga estudyante sa talakayan, anyayahan silang pagnilayan ang kanilang mga personal na kalagayan at pangangailangan. Hikayatin silang isipin kung may mga partikular na babala o mensahe ang Panginoon para sa kanila.

Pagsunod sa propeta

Pagnilayan ang mga ideya at damdamin na maaaring ipinarating sa iyo ng Espiritu Santo sa buong lesson tungkol sa Panginoon at sa Kanyang mga propeta. Idagdag ang isa o ang lahat ng sumusunod na linya sa iyong study journal at kumpletuhin ang mga ito ng iyong mga ideya o nadama:

Ang isang bagay na gusto kong maalala tungkol sa Panginoon at Kanyang mga propeta ay …

Gusto kong sundin ang propeta ng Panginoon dahil …

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng paghiling sa ilang estudyante na ibahagi ang isinulat nila. Maaari mo ring ibahagi ang mga nadama mo tungkol sa Panginoon at sa Kanyang mga propeta habang inihahanda at itinuturo mo ang lesson.

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Ezekiel 3:16–17 ay “Ang propeta ay ‘bantay sa sambahayan ni Israel.’” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”