Seminary
Isaias 49: “Aking Inanyuan Ka sa mga Palad ng mga Kamay Ko”


“Isaias 49: ‘Aking Inanyuan Ka sa mga Palad ng mga Kamay Ko,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 49: ‘Aking Inanyuan Ka sa mga Palad ng mga Kamay Ko,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 40–49: Lesson 121

Isaias 49

“Aking Inanyuan Ka sa mga Palad ng mga Kamay Ko”

The Christus statue in the Salt Lake North Visitors' Center. The sculpture portrays the resurrected Jesus Christ standing with His arms slightly extended. The wounds of the Crucifixion are visible in the hands, feet and side of the figure. The holdings include details of various parts (such as the hands or feet) of the sculpture.

Personal at lubos akong kilala ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ngunit kung minsan, nararanasan natin ang mga hamon ng mortalidad at sinasabi natin, “Pinabayaan ako ng Panginoon” (tingnan sa Isaias 49:14). Tinitiyak sa atin ng mga salita ni Isaias na inanyuan tayo sa mga kamay ng Tagapagligtas at hindi Niya tayo pababayaan o kalilimutan kailanman (tingnan sa Isaias 49:16). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maramdamang minamahal tayo at hindi tayo kalilimutan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na napag-isipan na ang mga karanasan kung saan nadama nila na naaalala sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari nilang itanong sa isang kapamilya o kaibigan ang tungkol sa mga karanasan na nadama nila na naaalala sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Naaalala ng Panginoon

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng maliliit na bulaklak na tinatawag na “mga forget-me-not.”

Three forget-me-flowers

Habang nagbabahagi ng alaala ng pagkabata, sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

21:42
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006.Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008.Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Noong bata pa ako, tuwing titingnan ko ang mga munting forget-me-not, kung minsan pakiramdam ko ay para akong bulaklak na iyon—maliit at walang halaga. Inisip ko kung kalilimutan ako ng pamilya ko o ng aking Ama sa Langit. (“Huwag Mo Akong Kalimutan,” Liahona, Nob. 2011, 122)

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring madama ng isang tinedyer na kinalimutan siya ng iba o ng Ama sa Langit?

  • Ano ang alam ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na gusto ninyong ibahagi sa isang taong nakadarama na kinalimutan na siya?

Ipinagpatuloy ni Pangulong Uchtdorf:

21:42
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006.Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008.Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Paglipas ng mga taon malilingon ko ang batang iyon nang magiliw at may habag. At alam ko na ngayon—hindi ako nalimutan kailanman. At may iba pa akong alam: bilang Apostol ng ating Panginoong Jesucristo, ipinapahayag ko nang buong katiyakan at paniniwala sa aking puso—maging kayo man! Hindi kayo kinalilimutan. (“Huwag Mo Akong Kalimutan,” Liahona, Nob. 2011, 122)

Pagnilayan ang mga sarili mong karanasan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang sinasagot ninyo ang sumusunod na mga tanong:

  • Gaano kayo kakumpiyansa na kilala at naaalala kayo Nila?

  • Anong mga karanasan ang naranasan ninyo o ng kakilala ninyo na nakatulong sa inyo na mas maunawaan kung gaano kayo Nila lubos na nakikilala at naaalala?

Sa inyong pag-aaral ng Isaias 49 ngayon, humingi ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo na nagpapatotoo na hindi ka kinalilimutan kailanman ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Hindi kalilimutan ng Panginoon ang Sion

Maaari mong ipaliwanag na kung minsan ay nagsusulat si Isaias sa paraang ang kanyang mga salita ay maipapahayag ng iba’t ibang tao, kabilang ang Tagapagligtas, si Isaias mismo, ang sinaunang pinagtipanang Israel, o maging ang makabagong pinagtipanang Israel. Dahil sa kanyang estilong patula, naging malawak ang kaangkupan ng mga isinulat ni Isaias sa iba’t ibang sitwasyon at kalagayan. Kaya naman naging napakadali para kay Nephi na ihalintulad ang mga salita ni Isaias sa kanyang sarili at sa kanyang mga tao (tingnan sa 1 Nephi 19:23).

Maaari mo ring ipaliwanag sa mga estudyante na nang tawagin Niya si Isaias para mangaral ng pagsisisi, alam ng Panginoon na hindi tatanggapin nang maayos ang mensahe (tingnan sa Isaias 6:9–10). Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang madarama nila tungkol sa isang gawain na katulad nito.

Basahin ang Isaias 49:4–5, at isipin kung bakit maaaring ganito ang nadama ni Isaias. Pagkatapos ay basahin ang mga ito nang iniisip kung bakit ganito ang madarama ng mga pinagtipanang tao ng Diyos.

  • Kahit nagdurusa tayo, ano ang naitutulong sa atin ng mga talatang ito para maalala ang tungkol sa Panginoon?

Basahin ang Isaias 49:13–16, at alamin ang nais ng Panginoon na maunawaan ng Kanyang mga pinagtipanang tao (Sion).

  • Paano ninyo ito ibubuod bilang isang pahayag ng katotohanan?

Maaaring gamitin ng mga estudyante ang sarili nilang mga salita, ngunit tulungan sila na matukoy ang katotohanang mahal tayo ng Panginoon at hindi Niya tayo kalilimutan o pababayaan kailanman.

Bilang paghahanda sa sumusunod na aktibidad sa journal, maaari kang magpakita ng mga larawan ng Tagapagligtas na nakapako sa krus at ng mga bakas ng pako sa Kanyang mga nabuhay na mag-uling kamay.

Christ hanging on a cross at Calvary. Two thieves, also hanging on crosses are at the left and right of Christ. Numerous observers, including Mary, the mother of Christ, Mary Magdalene, other mourners and Roman soldiers are gathered around the crosses. Thunder clouds are gathering in the sky.
Jesus Christ’s hands showing the nail prints from his crucifixion in Jerusalem.

Maaari kang magpatugtog ng tahimik at sagradong musika para anyayahan ang Espiritu habang nagsusulat ang mga estudyante.

I-cross reference o iugnay ang Isaias 49:16 sa Juan 19:15–19 at 3 Nephi 11:10–15. Dahan-dahang basahin ang mga scripture passage na ito, at markahan ang mga salita at pariralang tumutulong sa iyo na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa iyo. Maghanap ng mga turo na tumutulong sa iyo na maunawaan kung bakit hindi ka Nila kalilimutan o pababayaan.

Para matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan ang nabasa nila sa Juan 19 at 3 Nephi 11, maaari mong ipanood ang mga video na “Jesus Is Scourged and Crucified” mula sa time code na 2:31 hanggang 3:11 at “Nagpakita si Jesucristo sa Templo | 3 Nephi 11:1–17” mula sa time code na 2:23 hanggang 4:57 mula sa ChurchofJesusChrist.org.

4:45
5:36

Hindi Niya tayo kalilimutan

Sa inyong study journal, magsulat ng isang talata na nagpapaliwanag sa ibig sabihin para sa inyo ng sinabi ng Tagapagligtas na “aking inanyuan ka sa mga palad ng mga kamay ko” (Isaias 49:16).

icon ng seminaryKapag ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan ay itinuturo din ng mga buhay na propeta, mas madaling makikita ng mga estudyante ang kaugnayan ng mga turong ito sa kanilang buhay ngayon. Ang sumusunod na handout ay nagbibigay ng isang paraan para matulungan ang mga estudyante na magawa ang mga pag-uugnay na ito. (Para sa karagdagang training tungkol sa mga paanyayang tumutulong na makaugnay ang mga estudyante sa mga salita ng mga propeta, tingnan ang “Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

icon ng seminaryMaaari mong gamitin ang handout na “Hindi Kita Kalilimutan” para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante na hindi sila kalilimutan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari mong ilagay ang ilan o ang lahat ng sipi at scripture reference mula sa handout sa paligid ng silid.

Ang iba pang makatutulong na sipi ay makukuha sa Karagdagang Resources.

Maaaring tahimik na lumibot sa silid ang mga estudyante, na binabasa ang ilan sa mga sipi at scripture passage. Maaari silang magdagdag sa talatang isinulat nila sa kanilang journal.

Bilang bahagi ng aktibidad, maaari mong sabihin sa mga estudyante na magsulat sa pisara ng isang bagay na natutuhan nila sa lesson ngayon. Maaaring basahin ng mga estudyante ang isinulat ng iba at magdagdag ng mga natutuhan sa kanilang journal entry.

Ibahagi ang nadama mo

Kapag natapos nang pag-aralan ng mga estudyante ang handout, maaaring magbahagi ang mga boluntaryo ng nadama nilang makabuluhan mula sa mga sipi, banal na kasulatan, at personal na kabatiran.

Para tapusin ang klase, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong kasama ang kapartner, sa maliliit na grupo, o sa klase.

  • Ano ang inaasahan ninyong maaalala mula sa natutuhan at nadama ninyo sa inyong pag-aaral ng Isaias 49 ngayon?

  • Ano ang magagawa ninyo para maalala na hindi kayo kalilimutan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?