“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8: Ipamuhay ang mga Katotohanan sa mga Doctrinal Mastery Passage at mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8: Ipamuhay ang mga Katotohanan sa mga Doctrinal Mastery Passage at mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Isaias 40–49: Lesson 122
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8
Ipamuhay ang mga Katotohanan sa mga Doctrinal Mastery Passage at mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na itayo ang kanilang buhay sa saligan na si Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang makikita sa mga doctrinal mastery passage at ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga doctrinal mastery passage at pumili ng dalawa o tatlong talata na sa palagay nila ay maaaring nilang magamit sa halos anumang sitwasyon na maaaring harapin ng isang tinedyer.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ipamuhay
Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng maliit na piraso ng papel. Anyayahan silang magsulat ng maikling paglalarawan ng isang mahirap na sitwasyon na kinakaharap ng isang taong kakilala nila at pagkatapos ay ilagay ang kanilang papel sa isang maliit na timba. Hilingin sa mga estudyante na huwag isama ang mga pangalan o detalye na masyadong personal dahil babasahin ng iba pang estudyante ang kanilang mga papel.
Pagkatapos ay pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Papiliin ang bawat magkapartner ng dalawang papel mula sa maliit na timba at kumpletuhin ang tatlong hakbang sa ibaba.
-
Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage sa Lumang Tipan gamit ang listahan sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
-
Talakayin kung paano maaaring magamit ang iba’t ibang passage sa kahit isa sa mga sitwasyon sa inyong mga papel. (Maaari ka ring gumamit ng mga doctrinal mastery passage mula sa iba pang aklat ng banal na kasulatan.)
-
Ibahagi kung paano mapapatibay ng pagsasabuhay ng mga turo sa mga passage na iyon ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Matapos ang sapat na oras, anyayahan ang mga magkakapartner na ibahagi sa klase ang tinalakay nila.
Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagtukoy ng doctrinal mastery passage na naaangkop sa kanilang sitwasyon, maaari mo silang ituon sa isang passage na maaaring naaangkop sa maraming sitwasyon, tulad ng Mga Kawikaan 3:5–6 o 2 Nephi 32:3.
Ang aktibidad na ito ay dapat lang tumagal nang 10–15 minuto upang magkaroon ng oras ang mga estudyante na matuto at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa natitirang bahagi ng lesson.
Matutuhan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Ang natitirang bahagi ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa makatotohanang sitwasyon.
Maaari mong ipakita ang larawan ng isang dalagita at ang sitwasyon sa ibaba.
Maaaring maging mas makatotohanan ang sitwasyon kung iiwan mong blangko ang mga bahaging nakasalungguhit at aanyayahan ang mga estudyante na punan ang mga blangko ng doktrina at mga pamantayan ng Simbahan na nauugnay sa kanilang buhay.
Noong bata pa si Julietta, ipinagpalagay niya na sumasang-ayon ang karamihan sa mga tao sa mga turo ni Jesucristo na natutuhan niya sa kanyang tahanan at sa simbahan. Ngayong high school na siya, mukhang kabaligtaran nito ang nangyayari. Ang karamihan sa mga taong kakilala niya ay tila hindi sumasang-ayon sa doktrina at mga pamantayang itinuro sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.
Halimbawa, pinagtatawanan ng marami sa kanyang mga kaklase ang paniniwala niya sa mga buhay na propeta; kahit ang ilan sa kanyang mga kaibigan ay hindi maunawaan kung bakit pinipili niyang hindi makibahagi sa mga imoral na aktibidad at libangan.
Maaaring hindi maunawaan nang mabuti ng ilan sa iyong mga estudyante si Julietta. Maaari mong hilingin sa mga boluntaryong nakaranas ng katulad na sitwasyon na ilarawan kung ano ang pakiramdam at kung ano ang nagpapahirap na harapin ito. Maaari mong ipaliwang na mayroon man silang mga karanasan na katulad ng kay Julietta o wala, ang layunin ng sitwasyon ay hayaan silang magsanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at doktrina na natutuhan nila kamakailan.
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman“ sa Doctrinal Mastery Core Document, at alamin ang mga alituntuning makatutulong sa isang taong nakararanas ng sitwasyong katulad ng kay Julietta.
Kapag tapos nang magrebyu ang mga estudyante, bigyan sila ng maraming oras upang talakayin ang mga alituntunin na sa palagay nila ay makatutulong kay Julietta.
Batay sa kanilang talakayan, maaari kang pumili ng mga bahagi mula sa natitirang materyal ng lesson na makatutulong sa mga estudyante mo na mas maunawaan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Kumilos nang may pananampalataya
Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang kanilang mga sagot sa maliliit na grupo. Lumibot sa silid at pakinggan ang kanilang mga talakayan, at magdagdag ng mga kabatiran o patnubay kung kinakailangan.
-
Paano magiging isang oportunidad ang sitwasyon ni Julietta upang mapalakas niya ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo at katapatan sa Kanyang Simbahan?
-
Ano ang maaaring matukso siyang gawin na maaaring mag-akay sa kanya palayo kay Jesucristo?
-
Paano mo imumungkahi na harapin niya ang mga tuksong iyon nang may pananampalataya kay Jesucristo?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Ang mga sumusunod na tagubilin ay nagbibigay-daan sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang nalaman. Maghintay hanggang sa makumpleto nila ang bawat hakbang bago ibigay ang bawat kasunod na hakbang.
(Bukod sa pagrerebyu ng talata 8 sa Doctrinal Mastery Core Document sa unang hakbang, maaari mo ring bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante na pag-aralan ang bahaging “Sumangguni sa Mapagkakatiwalaang Sources“ ng Paghahanap ng mga Sagot sa Iyong mga Tanong [Gospel Library, Mga Paksa at Mga Tanong].)
-
Itala sa iyong study journal ang isang pahayag mula sa talata 8 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document na sa palagay mo ay makatutulong kay Julietta at kung bakit.
-
Lumibot sa silid at maghanap ng isa pang estudyante na pinili rin ang pahayag na pinili mo. Talakayin kung paano ito makatutulong kay Julietta.
-
Magdagdag sa pahina ng iyong journal ng mga makabuluhang ideya na ibinahagi sa iyo ng iba pang estudyante.
-
Muling lumibot sa silid at maghanap ng estudyante na pumili ng pahayag na iba sa pinili mo. Ibahagi ang mga ideya mula sa iyong mga journal.
Kapag natapos na ng mga estudyante ang aktibidad, maaari mong hilingin sa mga boluntaryo na magbahagi ng mga ideya na itinuro sa kanila ng kanilang mga kaklase. Maaari mo rin silang anyayahang itala ang anumang impresyon na maaaring natanggap nila para sa kanilang sariling buhay.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Ang pagdaragdag ng sumusunod sa sitwasyon ni Julietta ay makatutulong sa mga estudyante na maghanda na talakayin ang kahalagahan ng sources na binabalingan natin sa ating buhay.
Dahil napakaraming tao ang hindi sumasang-ayon sa kanya, nagsimulang isipin ni Julietta kung ang doktrina at mga pamantayang itinuturo sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay talagang mula sa Diyos.
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na pahiwatig sa isang kapartner.
-
Mahalaga ang mga tao at sources na ginagamit ni Julietta para maghanap ng impormasyon dahil …
-
Papayuhan ko si Julietta na maghanap ng mga sagot sa pamamagitan ng pagpunta sa … at huwag maghanap ng mga sagot sa pamamagitan ng pagpunta sa …
Kapag tapos nang magtalakyan ang mga magkakapartner, anyayahan ang mga boluntaryo na ibahagi sa klase ang tinalakay nila. Maaari mong itanong sa mga estudyante na ibahagi kung bakit ganoon ang sagot nila. Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maunawaang ang sources na kanilang pinagbabalingan ay maaaring umakay sa kanila palapit o palayo sa Ama sa Langit.
Upang bigyan ang mga estudyante ng pagsasanay sa paghahangad na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos, maaari ding maghanap at magbahagi ang mga magkapartner ng mga doctrinal mastery passage na makatutulong kay Julietta. Kabilang sa mga halimbawa ng mga passage na maaaring gamitin nila ang Josue 24:15; Mga Kawikaan 3:5–6; Isaias 5:20; Mateo 5:14–16; at Doktrina at mga Tipan 6:36.
Personal na pagsasabuhay
Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na mapanalanging sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal. Hikayatin silang bigyang-pansin ang mga impresyon mula sa Espiritu Santo habang nag-iisip at nagsusulat sila.
-
Ano sa palagay mo ang nais ng Ama sa Langit na gawin mo sa natutuhan o nadama mo ngayon?
-
Paano makakaapekto sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pagpiling sundin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa iyong buhay?