Seminary
Isaias 50–57: Buod


“Isaias 50–57: Buod,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 50–57: Buod,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 50–57

Isaias 50–57

Buod

Ang isa sa mga dahilan kung bakit napakamakapangyarihan ng mga salita ni Isaias ay dahil sa kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Ang mensahe ni Isaias sa sinauna at modernong Israel ay tungkol sa “kagalakan at kasayahan“ (Isaias 51:3). Sa pamamagitan ng mga salita ni Isaias, inulit ng Tagapagligtas ang paanyaya na “kayo’y makinig sa akin“ (Isaias 51:1,4,7) at nangako na aaliwin ang Kanyang pinagtipanang tao (Isaias 51:3,12; 52:9). Ipinropesiya ni Isaias ang tungkol sa “isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan“ (Isaias 53:3) na “nasugatan dahil sa ating mga paglabag,“ at “binugbog dahil sa ating mga kasamaan“ (Isaias 53:5). At, “sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (Isaiah 53:5). Sa mga nakadarama na sila ay “kinalimutan at nagdadalamhati“ (Isaias 54:6), ang Manunubos ay nangangako ng “walang hanggang kagandahang-loob,“ “[awa],“ at “tipan ng [Kanyang] kapayapaan“ (Isaias 54:8,10). Pinatotohanan mismo ng Tagapagligtas, “Dakila ang mga salita ni Isaias” (3 Nephi 23:1).

icon ng seminaryTulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto. Kung minsan, nadarama ng mga titser na kailangan nilang sabihin sa mga estudyante ang dapat nilang malaman. Gayunpaman, ang isa sa mga pinakanakaaapektong bagay na magagawa ng isang titser ay ang tulungan ang mga estudyante na maging responsable sa kanilang pagkatuto. Ang Tagapagligtas ay palaging naghahanap ng mga paraan kung paano magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tinuturuan Niya at pag-anyaya sa kanila na kumilos. Upang malaman pa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 24–25).

Para sa isang halimbawa kung paano mo matutulungan ang iyong mga estudyante na tanggapin ang responsibilidad sa kanilang pagkatuto, tingnan sa Lesson 123 “Isaias 51–52.“

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Isaias 51–52

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makinig sa mga paanyaya ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung kailan sila o ang isang kakilala nila ay sumunod sa isa sa mga paanyaya o utos ng Panginoon at pinagpala sila. Ang lesson ay magbibigay sa mga handang estudyante ng pagkakataong magbahagi.

  • Nilalamang ipapakita: Isang listahan ng mga indibiduwal na maaaring pakinggan ng mga estudyante; ang chart tungkol sa mga paanyaya at pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga pinagtipanang tao

  • Handout:Ang mga Paanyaya at Pangako ng Panginoon sa Kanyang mga Pinagtipanang Tao

Isaias 53

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magpasalamat sa nagawa ng Tagapagligtas para sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na sikaping isaulo ang doctrinal mastery reference na Isaias 53:3–5 at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Tunay na pinasan [ni Jesucristo] ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan.“

  • Handout:Pag-unawa sa Isaias 53

  • Nilalamang ipapakita: reflective prompt at mga tanong sa simula ng lesson; isang pahayag mula kay Elder David A. Bednar

  • Mga Video:Mabata Nila ang Kanilang mga Pasanin nang May Kagaanan” (16:23) mula sa time code na 12:15 hanggang 13:22, “He Will Give You Help” (4:43)

Isaias 54

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal at pangako ng Tagapagligtas sa kanila.