Seminary
Isaias 51–52: “Makinig Ka sa Akin”


“Isaias 51–52: ‘Makinig Ka sa Akin,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 51–52: ‘Makinig Ka sa Akin,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 50–57: Lesson 123

Isaias 51–52

“Makinig Ka sa Akin”

Jesus Christ reaching out his hand near water outdoors, closeup

Sa pamamagitan ni Isaias, kinausap ng Panginoon ang Kanyang mga pinagtipanang tao, kapwa sa sinaunang panahon at sa panahon ngayon. Nagbigay Siya ng magagandang pangako sa kanila kung pipiliin nilang makinig sa Kanyang mapagmahal na mga paanyaya. Bilang Kanyang mga pinagtipanang tao, ibinibigay ng Panginoon ang parehong mga pangako at paanyayang ito sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makinig sa mga paanyaya ng Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung kailan sila o ang isang kakilala nila ay sumunod sa isa sa mga paanyaya o utos ng Panginoon at pinagpala sila. Ang lesson ay magbibigay sa mga handang estudyante ng pagkakataong magbahagi.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sino ang iyong pinapakinggan?

Maaari mong ilista sa pisara ang mga indibiduwal na binanggit sa ibaba o ang iba na sa tingin mo ay nakakaimpluwensya sa mga tinedyer.

Magulang, Kaibigan, Guro, Coach, Social Media Influencer, Kilalang Tao

  • Kaninong payo ang sa palagay mo ang pinakamalamang na pakikinggan at susundin ng mga tinedyer? Bakit?

  • Bakit mahalaga kung sino ang ating pinakikinggan at sinusunod?

Habang binabasa ng mga estudyante ang mga sumusunod na talata, maaari mong ipaliwanag na madalas inuulit ng mga manunulat sa mga banal na kasulatan ang mahahalagang salita at ideya para bigyang-diin ang mahahalagang ideya. Ang iyong mga estudyante ay maaaring magsanay na maghanap ng mga nauulit na mahalagang salita at parirala sa mga sumusunod na talata.

Basahin ang Isaias 51:1, 4, 7, at alamin ang ipinayo ng Panginoon tungkol sa kung sino ang pakikinggan at susundin ng Kanyang mga pinagtipanang tao. Maaari mong markahan ang malalaman mo.

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong na maunawaan ang salitang makinig, maaari mong ipaliwanag na itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na ang ibig sabihin ng makinig ay “makinig nang may layuning sumunod“ (“Pakinggan Siya,“ Liahona, Mayo 2020, 89).

  • Bakit maaaring mas gustong pakinggan at sundin ng isang tao ang payo ng Tagapagligtas kaysa sa sinuman?

Pag-isipan ang anumang hamon, alalahanin, o tanong na maaaring mayroon ka sa iyong buhay ngayon. Isipin ang mga paraan kung saan maaari kang makinabang sa pakikinig sa payo at mga paanyaya ng Tagapagligtas habang pinag-aaralan mo ang Isaias 51–52.

“Makinig Ka sa akin”

Basahin ang Isaias 51:1–2, at alamin ang mga larawan at simbolo na ginamit ni Isaias para ilarawan ang paanyaya mula sa Panginoon.

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila at kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng mga larawang ito.

Ipaliwanag na ang mga pariralang “tumingin kayo sa malaking bato na inyong pinagtapyasan” at tingnan ninyo sina Abraham at Sara (Isaias 51:1–2) ay tumutukoy sa paanyaya ng Panginoon na alalahanin sina Abraham at Sara, na kung kanino ay nakipagtipan ang Diyos (tinatawag ding tipang Abraham). Ipinahihiwatig nito na dapat nating alalahanin na tuparin ang parehong tipang ito sa Diyos.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat sa kanilang study journal ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag: Kapag tinupad natin ang ating mga tipan sa Panginoon, tayo ay …

  • Ano ang ibig sabihin sa inyo ng tuparin ang ating mga tipan sa Panginoon?

Basahin ang Isaias 51:3, at alamin ang mga pagpapalang ipinangako ng Tagapagligtas kung makikinig tayo sa Kanya upang matupad ang ating mga tipan.

  • Ano ang nalaman ninyo?

    Maaaring idagdag ng mga estudyante ang … pagpapalain Niya ng kapanatagan, kagalakan, at kasayahan sa hindi kumpletong pahayag.

  • Sa palagay ninyo, paano nakatutulong sa atin ang pagtupad sa ating mga tipan sa Panginoon na matanggap ang Kanyang kaaliwan o kapanatagan, kagalakan, o kasayahan?

Mga paanyaya at pagpapala

Gawin o ipakita ang sumusunod na chart sa pisara. Maaari din itong kopyahin ng mga estudyante sa kanilang study journal. Bilang halimbawa, maaari mong idagdag ang natuklasan ng mga estudyante sa Isaias 51:1–3. Halimbawa, maaari mong idagdag sa kanang column ang “tuparin ang ating mga tipan sa Panginoon“ at “pagpapalain kami ng kapanatagan, kagalakan, at kasayahan“ sa kanang column.

Nagtala si Isaias ng maraming paanyaya at pangako mula sa Panginoon sa Isaias 51–52. Isulat sa inyong study journal ang mga paanyaya at pangakong makikita ninyo habang pinag-aaralan ninyo ang mga kabanatang ito.

Ang mga Paanyaya ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao

Ang mga Pangako ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao

Ang mga Paanyaya ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao

Ang mga Pangako ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao

icon ng seminaryAng handout na ”Ang mga Paanyaya at Pangako ng Panginoon sa mga Kanyang Pinagtipanang Tao” ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy at maunawaan ang mga paanyaya at pagpapala ng Panginoon sa atin.

Ang isang paraan kung paano matutulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang handout ay sa pamamagitan ng paghahati sa kanila sa maliliit na grupo. Ang bawat grupo ay maaaring pumili ng isang bahagi ng handout na pag-aaralan at maghandang ibahagi ang kanilang natutuhan. Matapos ang sapat na oras, hatiin ang klase sa mga bagong grupo na kinabibilangan ng mga estudyanteng nag-aral ng ibang hanay ng mga talata. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante sa bagong grupo nila ang kanilang natutuhan.

Habang tinatalakay ng mga grupo ang kanilang natuklasan, anyayahan silang magdagdag sa chart sa pisara. Maaari ninyong talakayin ang mga partikular na paanyaya o pagpapala na natuklasan ng mga estudyante na makabuluhan. Maaaring makatulong ang mga tanong na tulad ng sumusunod:

  • Ano ang itinuturo sa inyo ng mga paanyayang ito tungkol sa ibig sabihin ng pagtupad sa inyong mga tipan?

  • Alin sa mga pagpapala ng Panginoon ang talagang gusto ninyo? Bakit?

  • Alin sa mga paanyaya ng Panginoon ang sa tingin ninyo ay makatutulong sa inyo na matanggap ang pagpapalang hinahanap ninyo?

icon ng seminaryHabang sumasagot ang mga estudyante, pakinggan nang mabuti ang kanilang sinasabi at mag-isip ng mga paraan kung paano makakalahok sa talakayan ang mas marami pang estudyante. Kapag iniwasan ng mga titser ang tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong at sa halip ay aanyayahan ang klase na tumugon, makatutulong sila na gumawa ng pattern kung saan sasagutin ng mga estudyante ang isa’t isa. Makatutulong ito para manatiling nakatuon sa mga mag-aaral at mas makibahagi sila sa talakayan.

Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga follow-up na tanong tulad ng:

  • Sino ang may karanasan na nauugnay sa ibinahagi?

  • Ano ang nakaantig sa inyo tungkol sa komentong iyon?

(Para sa karagdagang pagsasanay sa pag-iwas sa tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong, tingnan sa: “Iwasan ang tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong at anyayahan ang klase na sumagot“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro).

Pakikinig sa Panginoon

Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung ano ang natutuhan nila mula sa kanilang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa oras ng lesson. Ang sumusunod ay isang paraan kung paano mo ito magagawa.

Pagnilayan kung ano ang natutuhan ninyo ngayon at ang anumang paanyaya o payo na nadama ninyong ibinigay sa inyo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa inyong study journal, maaari ninyong sagutin ang sumusunod na tanong:

  • Ano sa palagay mo ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon para matanggap ang Kanyang tulong sa iyong mga hamon, alalahanin, o tanong?