“Isaias 40–49: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Isaias 40–49: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Isaias 40–49
Isaias 40–49
Buod
Maraming Israelita sa panahon ni Isaias ang umaasa at sumasamba sa diyus-diyusan sa halip na sa Diyos. Tinulungan sila ni Isaias na maunawaan ang patuloy na mapagmahal na kabaitan ng Tagapagligtas at na ang mga bumabaling sa Kanya ay hindi dapat matakot.
Magturo mula sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta sa mga huling araw. Kapag ang mga turo ay batay sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta sa mga huling araw, mas malamang na madama ng mga estudyante ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa mga katotohanang natututuhan nila. Makakakita ka ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 121: “Isaias 49.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Nagturo mula sa mga Banal na Kasulatan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 21).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Isaias 40–43
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang ibinibigay na kapanatagan ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin o pakinggan ang mga salita sa ilan o sa lahat ng talata ng himnong “Saligang Kaytibay” (Mga Himno). Hilingin sa kanila na tukuyin ang mga nakapapanatag na salita o parirala at pumasok sa klase nang handang magbahagi.
-
Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Elder Rasband at isang tanong na kasunod nito sa simula ng lesson; ang tatlong hakbang at tagubilin sa pag-aaral ng mga passage sa Isaias 40–43
-
Larawan: Graphic continuum ng takot at kapanatagan
-
Mga Video: “Huwag Kayong Mabagabag” (15:41) mula sa time code na 1:38 hanggang 2:53; “How Firm a Foundation” (3:49); “Higit na Paglapit sa Tagapagligtas” (15:03) mula sa time code na 3:06 hanggang 3:43
Isaias 44–47
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na unahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa sinuman o anumang bagay sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang natutuhan nila sa buong pag-aaral nila ng Lumang Tipan. Pagkatapos, anyayahan sila na pag-isipan ang “Paano napag-ibayo ng natutuhan ko tungkol saAma sa Langit at kay Jesucristo ang hangarin ko na unahin Sila sa buhay ko?”
-
Video: “Higit Pa sa Isang Bayani” (10:07) mula sa time code na 3:11 hanggang 4:50
-
Larawan: Jesucristo
-
Handout: “Paggawa ng Plano”
Isaias 49
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maramdamang minamahal tayo at hindi tayo kalilimutan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na napag-isipan na ang mga karanasan kung saan nadama nila na naaalala sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari nilang itanong sa isang kapamilya o kaibigan ang tungkol sa mga karanasan na nadama nila na naaalala sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Mga larawan: Mga bulaklak na forget-me-not; ang Tagapagligtas sa krus; mga pilat sa mga kamay ng Tagapagligtas
-
Mga Video: “Huwag Mo Akong Kalimutan” (21:42) mula sa time code na 16:31 hanggang 16:49 at mula sa time code na 16:48 hanggang 17:25; “Jesus Is Scourged and Crucified” (4:44) mula sa time code na 2:31 hanggang 3:11; “Nagpakita si Jesucristo sa Templo | 3 Nephi 11:1–17” (5:37) mula sa time code na 2:23 hanggang 4:57
-
Handout: “Hindi Kita Malilimutan”
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at sa banal na mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga doctrinal mastery passage at pumili ng dalawa o tatlong talata na sa palagay nila ay maaaring nilang magamit sa halos anumang sitwasyon na maaaring harapin ng isang tinedyer.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang maliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante; isang timba na paglalagyan ng maliliit na piraso ng papel
-
Larawan: Dalagita
-
Nilalamang ipapakita: Sitwasyon tungkol sa isang dalagita; tatlong tanong sa ilalim ng heading na “Kumilos nang may pananampalataya”