Seminary
Pagdaig sa Pagpapaliban: Matutong Iwasan ang Pagkaantala sa Gawain sa Paaralan


“Pagsasaayos ng mga Gawain at Priyoridad: Ang Halimbawa ng Tagapagligtas ay Makatutulong sa Ating Magkaroon ng Kaayusan sa Ating Buhay,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagsasaayos ng mga Gawain at Priyoridad: Ang Halimbawa ng Tagapagligtas ay Makatutulong sa Ating Magkaroon ng Kaayusan sa Ating Buhay,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Magtagumpay sa Paaralan: Lesson 195

Pagdaig sa Pagpapaliban

Matutong Iwasan ang Pagkaantala sa Gawain sa Paaralan

A young woman sitting at a table in her home.  Books and papers are spread out in front of her.  She is holding a pen.

Gaano kadalas ninyong hindi natatapos ang mga kinakailangang gawain o assignment? Bagama’t lahat tayo ay nahihirapan sa pagkaantala, maaaring maging karaniwang tukso na ipagpaliban ang mga gawain sa paaralan. Kapag sinisikap nating daigin ang tendensiyang ito, isa itong paraan kung paano natin sinusunod ang mga babala ng Tagapagligtas na iwasan ang pagpapaliban (tingnan sa Mateo 25:1–13). Makatutulong ang lesson na ito sa mga estudyante na matukoy ang mga paraan upang madaig ang tuksong ipagpaliban ang mga gawain sa paaralan.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating nang handang magbahagi ng ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring ipagpaliban ng mga tinedyer ang kanilang gawain sa paaralan. Hikayatin silang maghandang ibahagi ang kanilang ginawa upang manatiling napapanahon sa kanilang mga gawain at assignment sa paaralan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pananampalataya kay Jesucristo ay humahantong sa pagkilos

Para simulan ang klase, maaaring magkaroon ng pangkalahatang talakayan tungkol sa tuksong magpaliban. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod.

  • Ano ang ilang tipikal na bagay na madalas ipagpaliban ng mga tinedyer?

  • Ano ang ilan sa mga dahilang maaaring ibigay ng mga tinedyer para sa pagpapaliban ng mga bagay na ito? Ano ang maaaring ibunga ng mga ito?

    Pagkatapos ng talakayan, maaari mong ibahagi na magkakaroon ngayon ng pagkakataon ang mga estudyante na magpokus sa pagharap sa tuksong ipagpaliban ang kanilang gawain sa paaralan.

  • Ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring maging mahirap na simulan o tapusin ang mga gawain o assignment?

Israelites gathering manna

Pagkatapos ay maaari kang magpakita ng larawan ng mga Israelita na nagtitipon ng manna. Kung napag-aralan na ng mga estudyante ang Lesson 47: “Exodo 16,” maaaring anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang naaalala nila. Kung hindi nila pinag-aralan ang salaysay na ito, maaari mong ibahagi sandali ang sumusunod na buod.

Mahirap para sa mga Israelita ang pagtitipon ng pagkain sa ilang. Isang umaga, nagising sila at nalaman na ang Panginoon ay mahimalang naglaan ng pang-araw-araw na pagkain na tatawagin ng mga Israelita na manna.

Basahin ang Exodo 16:4–5, 14–15, at alamin ang tagubilin ng Panginoon sa kung paano titipunin ang manna.

  • Ano ang posibleng maituro sa atin ng himalang ito tungkol sa Panginoon?

Basahin ang Exodo 16:18–22, 27, at alamin ang ilan sa mga ibubunga ng pagpapaliban sa pagtitipon ng manna o hindi pagtitipon ng dobleng bahagi nito isang araw bago ang Sabbath.

  • Ano ang namukod-tangi sa inyo?

    Maaaring ibahagi ng mga estudyante na kung nag-iwan ng manna ang mga Israelita sa lupa hanggang kinabukasan, “[inuuod] at [bumabaho]” iyon (talata 20). Kung hindi sila nagtipon nito sa umaga ay natutunaw ito (talata 21). Walang manna na ibibigay sa araw ng Sabbath, kaya ang hindi pagtitipon ng dobleng bahagi nito isang araw bago ang Sabbath ay nangangahulugang nagutom sila (talata 27).

  • Paano maiaangkop ang salaysay na ito sa tukso sa isang tinedyer na ipagpaliban ang kanyang gawain sa paaralan?

    Maaaring sabihin ng mga estudyante na katulad ng kung paano nasisira o natutunaw ang manna kung ipinagpaliban ng mga tao ang pagtitipon nito, ang pagpapaliban sa mga gawain sa paaralan ay maaaring humantong sa mga negatibong bunga o maging sa napalampas na mga oportunidad.

  • Ano ang ilang ibubunga ng pagpapaliban sa mga gawain sa paaralan na nakita ninyo o ng iba pang kakilala ninyo?

Huwag sayangin ang inyong oras

Para matulungan tayong maunawaan ang kahalagahan ng pagdaig sa tuksong magpaliban, sinabi ni Elder Randall K. Bennett ng Pitumpu:

9:51
Randall K. Bennett official portrait 2021.

[K]ailangan nating labanan ang tendensiya ng likas na tao na magpaliban o sumuko.

Habang umuunlad tayo sa landas ng tipan, makagagawa tayo ng pagkakamali, ang ilan ay maraming beses nating magagawa … Ngunit ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay isang alituntunin ng pagkilos at kapangyarihan. Kung handa tayong kumilos, bibigyan tayo ng lakas na magsisi at ng lakas na magbago.

Bigo lamang tayo kung hindi tayo gagawa ng isang pasulong na hakbang nang may pananampalataya. Hindi tayo mabibigo kung tapat tayong nakikipamatok sa Tagapagligtas—Siya na hindi nabigo kailanman at hindi Niya tayo pababayaan kailanman! (“Ang Inyong Susunod na Hakbang,” Liahona, Nob. 2015, 75) (time code na 7:37 hanggang 8:31)

  • Paano mo ibubuod ang itinuturo ni Elder Bennett tungkol sa pagdaig sa pagpapaliban?

    Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng habang kumikilos tayo nang may pananampalataya sa Kanya, tutulungan tayo ng Tagapagligtas na madaig ang tuksong magpaliban. Upang tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang katotohanang ito, maaari mong itanong ang sumusunod:

  • Paano makatutulong ang pag-unawa sa katotohanang ito sa isang taong nagsisikap na madaig ang tuksong ipagpaliban ang kanyang gawain sa paaralan?

Mapanalanging isipin kung gaano kahusay ninyong natatapos ang mga gawain at assignment sa paaralan sa tamang oras. Pagkatapos ay kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa inyong study journal.

Ipinagpapaliban ko ang aking gawain sa paaralan (palagi, minsan, bihira, at iba pa). Ang isang dahilan kung bakit ako nagpapaliban ay .

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pagtukoy sa kung bakit tayo nagpapaliban ay makatutulong sa atin na iwasto ang isang hindi kapaki-pakinabang na ugali o maiwasan itong mabuo. Maaari mong tiyakin sa mga estudyante na nangako ang Ama sa Langit at si Jesucristo na tutulungan tayong makatakas sa mga tuksong kinakaharap natin (tingnan sa 1 Corinto 10:13).

Bagama’t karaniwan lang na mahirapan sa pagpapaliban, kumikilos tayo nang may pananampalataya sa Tagapagligtas kapag nagsisikap tayong madaig ang tuksong ito. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong makilala ang mga paraan na pinagyayaman ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang inyong mga pagsisikap na madaig ang tuksong ipagpaliban ang inyong gawain sa paaralan.

Dagdagan ang kakayahan ninyong madaig ang pagpapaliban

  • Ano ang ilang estratehiyang sinubukan ninyo para matulungan kayong labanan ang tuksong ipagpaliban ang inyong gawain sa paaralan?

Maaaring anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan sa pisara. Kung kailangan nila ng tulong, maaari mong ibahagi ang ilan sa mga sumusunod na estratehiya.

  • Maglaan ng ilang sandali tuwing umaga upang manalangin sa Ama sa Langit, na humihiling ng Kanyang kapangyarihan upang matulungan kayong maalala at magawa ang mga gawain sa paaralan.

  • Maglaan ng regular na oras bawat araw para sa mga gawain sa paaralan.

  • Regular na magpahinga sandali upang ma-refresh ang inyong isip at muling magpokus.

  • Tukuyin ang mga bagay na nakagagambala at alisin ang mga ito. Maaaring kabilang dito ang telepono, computer, o aklat.

  • Bumuo ng isang study group kasama ang mga kaklase na magkakapareho ang assignment sa paaralan.

  • Maghanap ng tahimik na lugar upang doon gumawa. Maaaring makaapekto ang ating kapaligiran sa kakayahan nating matuto.

  • Pumili ng taong pinagkakatiwalaan ninyo na makatutulong sa inyong manatiling nakatuon at kumpletuhin ang mga gawain at assignment.

  • Magplano ng gantimpala para sa pagtupad ng isang partikular na gawain upang ipagdiwang ang inyong tagumpay at pagsisikap.

Pagkatapos matukoy ng mga estudyante ang ilang estratehiya upang madaig ang pagpapaliban, maaari mong ipakita ang sumusunod na sitwasyon at mga tagubilin. Maaari kang magbigay ng mga kagamitan sa sining na magagamit ng mga estudyante para sa ipapakita nila.

Pinagpapaliban ni Max ang (pag-aaral para sa isang pagsusulit, paggawa ng assignment o proyekto, at iba pa) dahil .

Lumikha ng poster o infographic na maaaring makatulong sa paghikayat sa isang estudyante na tulad ni Max na madaig ang tuksong magpaliban. Isama ang sumusunod sa inyong poster.

  1. Isang doctrinal mastery o iba pang scripture passage na makatutulong kay Max na umasa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para sa paghingi ng tulong na madaig ang tuksong ito.

  2. Isa o higit pa sa mga estratehiya na sa tingin ninyo ay makatutulong na gamitin ni Max habang dinadaig ang pagpapaliban.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa paghahanap ng scripture passage, puwede kang magbahagi ng mga halimbawa na tulad ng Josue 24:15; Mga Kawikaan 3:5–6; Doktrina at mga Tipan 58:26–27; 88:124. O maaari nilang ilarawan ang isang kuwento sa banal na kasulatan na maaaring magpakita ng mga ibubunga ng pagpapaliban, tulad ng kuwento ng pagtitipon ng mga Israelita ng manna o paggawa ni Noe sa arka (Genesis 7:1–10).

Maaari tayong magsimula ngayon

Maglaan ng oras para ibahagi ng mga grupo ang kanilang poster sa klase. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagsisikap na madaig ang tuksong magpaliban.

Pagnilayan ang ilan sa mga paraan ng pagdaig sa pagpapaliban na ibinahagi ngayon. Mapanalanging pumili ng estratehiya na sa tingin ninyo ay makatutulong sa susunod na matukso kayong ipagpaliban ang inyong gawain sa paaralan. Isulat ang estratehiyang ito sa inyong study journal o sa isang sticky note o i-text ito sa inyong sarili.

Maaari kang magbigay ng pagkakataon sa mga handang estudyante na magbahagi ng nadama nilang nais nilang subukan.

Maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante na anumang pagsisikap na gumawa nang mas mahusay ay pagpapakita ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Tulungan silang makilala na tutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa ating mga pagsisikap, kahit na nahihirapan tayo.