Seminary
Mga Patriarchal Blessing: Pagpapakita ng Pagmamahal ng Diyos at Pagpapahayag ng Lipi


“Mga Patriarchal Blessing: Pagpapakita ng Pagmamahal ng Diyos at Pagpapahayag ng Lipi,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Patriarchal Blessing: Pagpapakita ng Pagmamahal ng Diyos at Pagpapahayag ng Lipi,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili: Lesson 175

Mga Patriarchal Blessing

Pagpapakita ng Pagmamahal ng Diyos at Pagpapahayag ng Lipi

A young man sits and looks over his Patriarchal blessing. He is on a couch and reads the blessing.

Ang pagtanggap ng patriarchal blessing ay maaaring isa sa pinakamahahalagang pangyayari sa ating buhay. Sa pamamagitan ng ating mga patriarchal blessing, inihahayag ng Ama sa Langit ang Kanyang kalooban para sa atin, tinutulungan tayong madama ang Kanyang pagmamahal, at ipinahahayag ang ating lipi sa sambahayan ni Israel. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paanong ang mga patriarchal blessing ay nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos at nagpapahayag ng kanilang lipi sa sambahayan ni Israel.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ang isa sa sumusunod bago magklase: (1) basahin ang kanilang mga patriarchal blessing o (2) sabihin sa mga taong nakatanggap na ng kanilang patriarchal blessing na ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga patriarchal blessing.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga patriarchal blessing

Tandaan: Ang ilang estudyante ay nakatanggap na ng patriarchal blessing, habang ang iba ay maaaring naghahandang tumanggap nito. Pinatutungkulan ng lesson na ito ang dalawang grupo ng mga estudyante. Humingi ng tulong sa Espiritu Santo para malaman kung paano mo matutugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng iyong mga estudyante. Habang nagsasalita ang mga estudyante tungkol sa sarili nilang patriarchal blessing, ipaalala sa kanila na huwag magbahagi ng mga partikular na detalye ng kanilang pagpapala.

Bago pag-aralan ang pagbabasbas ni Jacob sa kanyang pamilya, maaari mong simulan ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang pagkakaunawa nila ngayon tungkol sa mga patriarchal blessing. Ang isang paraan para magawa mo ito ay isulat ang mga katagang mga patriarchal blessing sa pisara, kasama ang tatlong column na inilalarawan sa ibaba.

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang alam nila tungkol sa mga patriarchal blessing at kung anong mga tanong ang maaaring mayroon sila. Ang isang paraan upang magawa ito ay anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng tatlong column sa isang pahina sa kanilang study journal.

  • Unang column: Ano ang nalalaman ko tungkol sa mga patriarchal blessing

  • Pangalawang column: Ano ang gusto kong malaman tungkol sa mga patriarchal blessing

  • Pangatlong column: Ano ang natutuhan ko tungkol sa mga patriarchal blessing

Maaari nang punan ng mga estudyante ang unang dalawang column. Magdaragdag ang mga estudyante sa pangatlong column sa buong lesson.

Preparatory sketch in casein on illustration board by artist Harry Anderson for his painting "Jacob Blessing Joseph."   The sketch depicts the Old Testament Prophet Jacob (Israel) with his sons gathered around him.  Jacob has his hand on the head of his son Joseph as he gives him a blessing. (Genesis 49:22)

Bago siya mamatay, tinipon ng propeta at patriarch na si Jacob ang kanyang pamilya.

Basahin ang Genesis 48:8–9 at Genesis 49:1–2, at alamin kung ano ang ginawa niya para sa kanila.

  • Ano ang nalaman ninyo?

Ang mga basbas na ibinigay ni Jacob sa kanyang mga anak ay mga patriarchal blessing (tingnan sa Genesis 48:9–22; 49:1–28). Sa ating panahon, “Bawat karapat-dapat at nabinyagang miyembro ay may karapatang tumanggap ng patriarchal blessing, na nagbibigay ng payo mula sa Ama sa Langit” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 18.17, Gospel Library).

Ibinahagi ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga dahilan sa pagtanggap ng mga patriarchal blessing sa ating panahon:

Official Portrait of Gerrit W. Gong.  Photographed in 2018.

Sa buong mundo, ang mararangal na patriarch ay espirituwal na naghahanda sa pagbibigay ng mga patriarchal blessing. Habang ipinapatong ng patriarch ang kanyang mga kamay sa inyong ulunan, nadarama at ipinapahayag niya ang pagmamahal ng Diyos para sa inyo. Binibigkas niya ang inyong lipi sa sambahayan ni Israel. Isinasaad niya ang mga pagpapala mula sa Panginoon. (“Pagiging Kabilang sa Tipan,” Liahona, Nob. 2019, 82)

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa mga patriarchal blessing mula sa pahayag na ito?

Maaaring isagot ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad ng sumusunod:

Sa pamamagitan ng aking patriarchal blessing, magagawa kong:

  • madama ang pagmamahal ng Diyos sa akin.

  • malaman ang aking lipi sa sambahayan ni Israel.

  • tuklasin ang mga pagpapala ng Diyos para sa akin.

Ipaalala sa mga estudyante na idagdag ang natutuhan nila tungkol sa mga patriarchal blessing sa column na “Natutuhan.” Maaari din silang magsulat ng mga tanong na maaaring mayroon sila sa column na “Gustong malaman.”

Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa kung paano tayo tinutulungan ng mga patriarchal blessing na madama ang pagmamahal ng Diyos at kung paano ipinapahayag ng mga ito ang ating lipi sa sambahayan ni Israel. Sa Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral para sa lesson na ito, makikita mo sa Gospel Library ang materyal tungkol sa kung paano tayo tinutulungan ng mga patriarchal blessing na matuklasan ang mga pagpapala ng Diyos para sa atin.

Ang mga patriarchal blessing ay pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos

Pinatotohanan ni Elder Kazuhiko Yamashita ng Pitumpu kung paano naging pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos ang mga patriarchal blessing:

Official Portrait of Elder Kazuhiko Yamashita..  Photographed in March 2017.

Mga kapatid, pinatototohanan ko na ang Ama sa Langit at ang Kanyang Pinakamamahal at Bugtong na Anak, ang Panginoong Jesucristo, ay buhay. Mahal Nila tayo. Ang mga patriarchal blessing ay sagradong mga kaloob mula sa Kanila. Kapag natanggap ninyo ang inyong patriarchal blessing, matatanto at madarama ninyo kung gaano Nila kayo kamahal at kung gaano Sila nakatuon sa bawat isa sa inyo. (“Kailan Tatanggap ng Inyong Patriarchal Blessing,” Liahona, Mayo 2023, 90)

  • Sa inyong palagay, paano naging pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos ang mga patriarchal blessing?

    Para matulungan ang mga estudyante na makakita ng halimbawa ng kung paano naging pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos ang mga patriarchal blessing, maaari mong ipanood ang “Bethany’s Story” mula sa time code na 7:02 hanggang 8:55. Sabihin sa mga estudyante na alamin kung paano nakatulong sa kanya ang pag-aaral ng kanyang patriarchal blessing na madama na kilala at mahal siya ng Diyos.

    11:8
  • Paano ninyo nadama ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng inyong patriarchal blessing?

Ipaalala sa mga estudyante na idagdag ang natutuhan nila tungkol sa mga patriarchal blessing sa column na “Natutuhan.”

Ang mga patriarchal blessing ay nagpapahayag ng ating lipi

Bago simulan ang bahaging ito, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa pagpapahayag ng lipi at kung bakit ito mahalaga. Ang mga estudyante ay maaari ding magsulat ng mga tanong na mayroon sila tungkol sa pagpapahayag ng lipi sa column na “Gustong malaman” at maghanap ng mga sagot habang nag-aaral sila.

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa pagpapahayag ng lipi:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtanggap natin ng patriarchal blessing ay para tulungan tayong mas lubusang maunawaan kung sino tayo bilang inapo ni Abraham at matanto ang ating responsibilidad. … Tayo’y inordena noon pa sa buhay bago ang buhay sa lupa at isinilang sa mortalidad para tuparin ang tipan at pangako ng Diyos na ginawa kay Abraham. ( “Pagiging Misyonero,” Liahona, Nob. 2005, 47)

  • Ano ang isang bagay mula sa pahayag na ito na maidaragdag ninyo sa column na “Natutuhan?”

Depende sa ibinabahagi ng mga estudyante, maaari mong basahin o ibuod ang sumusunod na talata para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ugnayan ni Abraham at ng lipi na ipinahayag sa kanilang mga patriarchal blessing.

Nakipagtipan ang Diyos kay propetang Abraham na tinawag na tipang Abraham. Pinanibago ng Diyos ang tipang ito kina Isaac at Jacob—na tinatawag ding Israel (tingnan sa Genesis 26:3–4; 28:12–15). Kilala ang mga anak na lalaki ni Jacob bilang mga lipi ni Israel. Ang ating patriarchal blessing ay nagpapakita kung paano tayo naging mga inapo ni Abraham at mga miyembro ng sambahayan ni Israel. Ang bawat miyembro ng sambahayan ni Israel, anuman ang kanyang lipi, ay maaaring tumanggap ng mga pagpapala at makibahagi sa mga responsibilidad ng tipang Abraham.

Kung napag-aralan ng mga estudyante ang Lesson 23: “Genesis 12:17;” o Lesson 24: “Abraham 2:9–11,” maaari mo silang anyayahang ibahagi ang naaalala nila tungkol sa tipang Abraham.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga sumusunod na talata sa maliliit na grupo at ilista sa pisara ang nalaman nila.

Basahin ang Abraham 2:9–11, at alamin ang mga pagpapala at responsibilidad na ipinangako ng Panginoon kay Abraham at sa kanyang mga inapo.

  • Anong mga pagpapala at responsibilidad ang mayroon tayo bilang mga inapo ni Abraham?

  • Ano ang matututuhan natin mula sa ating patriarchal blessing na makatutulong sa ating magampanan ang mga responsibilidad na ito?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyanteng nakatanggap na ng patriarchal blessing na alamin muli kung ano ang itinuturo nito tungkol sa mga talento o mga katangiang ibinigay sa kanila ng Diyos para magampanan ang mga responsibilidad na ito. Kung magagawa, maaaring i-access ng mga estudyante ang kanilang patriarchal blessing sa Gospel Library.

Ipaalala sa mga estudyante na idagdag ang natutuhan nila tungkol sa mga patriarchal blessing sa column na “Natutuhan.”

Ang natutuhan ko

Anyayahan ang mga estudyante na suriin ang isinulat nila sa column na “Natutuhan.” Maaari pa nga nilang bilugan ang isa o dalawang bagay na pinakamahalaga para sa kanila. Maaaring ibahagi ng mga estudyante sa klase o sa maliliit na grupo ang ilan sa mga isinulat nila.

Maaaring sagutin ng mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang natutuhan o nadama ninyo tungkol sa Ama sa Langit?

  • Ano ang natutuhan ninyo na nanghihikayat sa pag-aralan ninyo ang inyong patriarchal blessing?

  • Ano ang natutuhan ninyo na nanghihikayat sa inyong maghandang tanggapin ang inyong patriarchal blessing?

Maaari mong ibahagi ang iyong mga naiisip at nadarama tungkol sa mga patriarchal blessing. Sabihin sa mga estudyante na hindi pa nakatanggap nito na mapanalanging pag-isipan kung kailan ang tamang panahon para tumanggap sila nito. Anyayahan ang mga estudyante na nakatanggap na nito na regular na pag-aralan ito.

Kung may mga tanong pa ang mga estudyante tungkol sa mga patriarchal blessing, hikayatin sila na patuloy na maghanap ng mga sagot. Maaari nilang pag-aralan ang Mga Paksa at Mga Tanong: Mga Patriarchal Blessing o makipag-usap sa magulang o lider ng Simbahan.