Seminary
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili: Buod


Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Paggawa ng mga Pagpili

Buod

Si Jesucristo ang lakas ng mga kabataan. Makakaasa tayo sa Kanya at sa Kanyang doktrina kapag gumagawa tayo ng mga pagpili. Ang pagkilala sa ating banal na pagkatao at layunin bilang mga anak ng Diyos at ang pagtatakda ng mga mithiin ay makatutulong sa atin na maging higit na katulad Niya. Ang mga turo ng Tagapagligtas ay makatutulong sa atin na maging responsable sa paggamit natin ng teknolohiya. Ang ating mga patriarchal blessing ay makatutulong sa atin na madama ang pagmamahal ng Diyos at maipahayag ang ating lipi sa sambahayan ni Israel. Ang pagtanggap at pagtupad ng mga calling sa Simbahan ay makatutulong sa atin na maglingkod sa iba tulad ng ginawa ng Tagapagligtas.

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang mga lesson na ito ay maaaring ituro sa anumang araw sa school year o sa anumang linggo sa pacing ng pagtuturo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ibinigay sa ibaba ang ilang mungkahi.

Maghandang Magturo

Gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ginamit ng lesson na ito si Jose ng Ehipto bilang halimbawa ng isang taong gumawa ng mga inspiradong pagpili na naaayon kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina. Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng Lesson 34: “Genesis 39.”

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay sa paggamit ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili para gumawa ng mga inspiradong pagpili na naaayon kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina.

Pagtatakda ng mga Mithiin

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na isali ang Panginoon sa kanilang pagtatakda at pagsasakatuparan ng mga personal na mithiin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga pangmatagalan at panandaliang mithiin na nais nilang makamit. Maaari din nilang tanungin ang mga kakilala nila kung ano ang natutuhan nila tungkol sa pagtatakda at pagsasakatuparan ng mga layunin.

  • Nilalaman na ipapakita: Mga diagram ng mithiin sa loob ng tatlong buwan, isang taon, at limang taon

  • Handout:Mga Alituntunin sa Pagtatakda at Pagsasakatuparan ng mga Mithiin

Ang Ating Banal na Pagkatao at Layunin

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang paksa tungkol sa banal na pagkatao at layunin ay lubos na binibigyang-diin sa unang ilang linggo ng kursong ito. Kung may klase sa mga linggong iyon, maaari mong isaalang-alang ang pagtuturo ng lesson na ito sa huling bahagi ng taon na ito, para mas mabigyang-diin ito sa kurso kalaunan. Kung walang klase sa unang ilang linggo, maaari mong ituro ang lesson na ito sa unang bahagi ng taon, para mabigyan ang mga estudyante ng pangkalahatang-ideya tungkol sa ilan sa nilalaman na maaaring hindi nila napag-aralan.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang banal na pagkatao at layunin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang unang linya ng “Tema ng Young Women” o “Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood.” Maaari nilang subukang isaulo ito o bigkasin ito nang maraming beses sa buong araw. Maaaring ibahagi ng mga estudyante kung paano naimpluwensyahan ng paggawa nito ang kanilang mga pag-uugali o pagkilos.

  • Mga item na ipapakita: Isang salamin

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng sumusunod na pahayag para sa bawat estudyante

    Marami sa inyo ang sinisimulan ang araw sa pagtayo sa harap ng salamin. Bukas, sa linggong ito, sa taong ito, sa tuwina, tumigil sandali habang tinitingnan ninyo ang inyong sarili sa salamin. Isipin sa inyong sarili, o sabihin nang malakas kung gusto ninyo, “Aba, tingnan mo nga naman! Ako ay magaling! Anak ako ng Diyos! Kilala Niya ako! Mahal Niya ako!” (Gary E. Stevenson, “Mga Pahiwatig ng Espiritu,” Liahona, Nob. 2023, 45)

  • Video:Mga Pahiwatig ng Espiritu” mula sa time code na 13:08 hanggang 13:38; “Hayaang Manaig ang Diyos” mula sa time code na 10:40 hanggang 12:23

  • Nilalaman na ipapakita: Chart na may mga scripture passage ng Lumang Tipan tungkol sa banal na pagkatao, mga tagubilin para sa mga estudyante sa bahaging “Pag-aaral at talakayan ng estudyante” ng lesson

Responsableng Paggamit ng Teknolohiya

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gamitin ang mga turo ni Jesucristo upang suriin ang paggamit nila ng teknolohiya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang paggamit nila ng teknolohiya at ang mga posibleng epekto nito sa kanilang sarili at sa iba. Para makatulong dito, maaaring tingnan ng ilang estudyante ang kanilang device para sa isang setting o application na nagpapakita kung gaano katagal nilang ginagamit ang device o mga application.

  • Nilalaman na ipapakita: Isang larawan ng isang tao sa isang sangandaan, mga tagubilin para sa mga estudyante sa bahaging “Paggamit ng teknolohiya nang may layunin” ng lesson

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan

  • Video:Kapangyarihang Madaig ang Kaaway” mula sa time code na 3:12 hanggang 3:46

Mga Patriarchal Blessing

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaari mong pag-isipang ituro ang lesson na ito pagkatapos ituro ang Lesson 35: “Genesis 42–45.” Si Jacob (o Israel) ay nagbigay ng mga patriarchal blessing sa kanyang mga inapo sa Genesis 48–49.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano naging pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos ang mga patriarchal blessing at maipahayag ang kanilang lipi sa sambahayan ni Israel.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ang isa sa sumusunod bago magklase: (1) basahin ang kanilang mga patriarchal blessing o (2) sabihin sa mga taong nakatanggap na ng kanilang patriarchal blessing na ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga patriarchal blessing.

  • Video:Bethany’s Story” (11:08) mula sa time code na 7:18 hanggang 8:55

Pagtanggap at Pagtupad ng mga Calling

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maglingkod tulad ng Tagapagligtas sa kanilang mga calling.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na sitwasyon at mga tanong. Anyayahan silang isipin kung ano ang kanilang sasabihin.

    • Ano kaya ang ilan sa mga calling na maaaring pagampanan kay Evelyn?

    • Ano ang maaaring madama ni Evelyn? Bakit?

    • Ano ang gusto mong malaman ni Evelyn tungkol sa pagtanggap at pagtupad ng mga calling?

  • Video:Maniwala, Magmahal, at Gumawa” mula sa time code na 11:00 hanggang 12:08

  • Handout:Naglilingkod Tulad ng Tagapagligtas