Library
Gawaing Misyonero


“Gawaing Misyonero,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

mga missionary na nakikipag-usap sa isang lalaki

Buod

Gawaing Misyonero

Ipinahayag ng Panginoon na ang gawaing misyonero ay responsibilidad ng lahat ng sumusunod sa Kanya. Ang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon, sa pamamagitan ng kabutihan ng kanilang mga buhay at lakas ng kanilang mga patotoo, ay maibabahagi ang mensahe ng ebanghelyo at makatutulong na maihanda ang mga kapamilya, kaibigan, at iba pang kakilala na hindi Banal sa mga Huling Araw na maturuan ng mga full-time missionary.

Kapag nararanasan natin ang mga pagpapala sa pamumuhay ng ebanghelyo, kusa nating nanaising ibahagi ang mga pagpapalang iyon sa iba. Nagsalita ang Panginoon tungkol sa kagalakang dumarating sa ating mga buhay kapag ibinabahagi natin ang Kanyang ebanghelyo:

“Kung mangyayaring kayo ay gagawa nang buo ninyong panahon sa pangangaral ng pagsisisi sa mga taong ito, at magdala, kahit isang kaluluwa sa akin, anong laki ng inyong kagalakang kasama niya sa kaharian ng aking Ama!

“At ngayon, kung ang inyong kagalakan ay magiging malaki sa isang kaluluwa na inyong nadala sa akin sa kaharian ng aking Ama, anong laki ng inyong kagalakan kung makapagdadala kayo ng maraming kaluluwa sa akin!”

Matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Muli, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na “sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Bilang pagsunod sa utos na ito, tungkulin ng bawat may kakayahang kabinataan sa Simbahan na maghanda sa espirituwal, pisikal, at emosyonal upang makapaglingkod bilang mga full-time missionary. May oportunidad din ang mga dalaga at may edad nang mag-asawa na maglingkod sa mga full-time mission.

Kabilang din sa gawaing misyonero ang pagtulong at pagsuporta sa mga taong sumasapi sa Simbahan. Tulad ng itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley, ang bawat bagong miyembro ng Simbahan ay nangangailangan ng tatlong bagay: isang kaibigan, isang responsibilidad, at pangangalaga ng “mabuting salita ng Diyos.”

Kaugnay na Content