Jesucristo
Pagsisimula ng Sakramento


“Pagsisimula ng Sakramento,” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)

nananalangin ang nabuhay na muling si Cristo na kasama ng mga tao sa lupain ng Amerika

Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Pagsisimula ng Sakramento

“At kung lagi ninyo akong aalalahanin, ang aking Espiritu ay mapapasainyo” (3 Nephi 18:7).

Pinasimulan ni Jesus ang sakramento sa mga taong nagtipon upang mapakinggan Siya. Binasbasan Niya ang tinapay at alak at nag-atas na ipamahagi ito ng Kanyang mga disipulo sa maraming tao. Pagkatapos, itinuro Niya, “Kung lagi ninyong gagawin ang mga bagay na ito, pinagpala kayo, sapagkat kayo ay nakatayo sa aking bato” (3 Nephi 18:12). Bagama’t sandali lamang nakasama ni Jesus ang mga Nephita, nag-ukol Siya ng oras na muling pangasiwaan ang sakramento sa mga tao kinabukasan, na nagpapakita ng kahalagahan ng ordenansang ito.

Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ang kahalagahan ng pag-alala sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng ordenansa ng sakramento:

Bawat linggo, sa pakikibahagi ng sakramento, nakikipagtipan tayo na lagi Siyang aalalahanin. Mula sa halos 400 talata sa banal na kasulatan na may salitang alalahanin, narito ang anim na paraan na lagi natin Siyang maaalala.

Una, lagi natin Siyang maaalala kapag nagtiwala tayo sa Kanyang mga tipan, pangako, at pagtiyak. …

Pangalawa, lagi natin Siyang maaalala kapag pinasasalamatan at kinikilala natin ang Kanyang [impluwensiya] sa ating buhay. …

Pangatlo, lagi natin Siyang maaalala kapag nagtiwala tayo sa pagtiyak ng Panginoon na “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” [Doktrina at mga Tipan 58:42]. …

Pang-apat, inaanyayahan Niya tayong alalahanin na lagi Niya tayong malugod na tatanggapin. …

[Panlima], lagi natin Siyang maaalala sa araw ng Sabbath sa pamamagitan ng sakramento. …

Ang huli at pang-anim, inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na lagi Siyang alalahanin tulad ng pag-alaala Niya sa atin. (“Lagi Siyang Aalalahanin,” Liahona, Mayo 2016, 108–10)

Mga Banal na Kasulatan at Tanong

Alin sa mga mungkahi ni Elder Gong ang una mong susubukan, na sa iyong palagay ay makakatulong nang lubos sa iyo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Video

10:49

Awit

Dakilang Karunungan at Pag-ibig,” Mga Himno, blg. 116

4:8

Aktibidad para sa mga Bata

buklet ng pahina ng aktibidad

Ibinigay sa atin ni Jesucristo ang sakramento para tulungan tayong maalala Siya. Gawin ang buklet na ito upang matulungan kang maging magalang at isipin ang Kanyang pagmamahal kapag bumabahagi ka ng sakramento bawat linggo.