Jesucristo
Araw 6: “Patawarin Mo Sila” (Lucas 23:34)


“Araw 6: ‘Patawarin Mo Sila’ (Lucas 23:34),” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)

Si Cristo sa krus

Biyernes Santo

Araw 6: “Patawarin Mo Sila” (Lucas 23:34)

Lahat tayo ay nakagawa ng mga pagkakamali na nakasira sa ating relasyon sa Diyos. Ngunit nagdusa si Jesus sa Getsemani at sa krus upang tayo ay makapagsisi, mapatawad, at maibalik ang ating maayos na relasyon sa Diyos. Kahit sa Kanyang paghihirap sa krus, nanalangin ang Tagapagligtas na nawa ay mapatawad ang mga kumutya at umusig sa Kanya.

Mga Banal na Kasulatan

Paanyaya

  • Mag-isip ng isang taong nakasakit o nagkasala sa iyo. Ano ang magagawa mo para masimulan mong patawarin sila? Paano nakakatulong sa iyo ang kaalaman na handang mamatay si Cristo para sa lahat upang maiba ang tingin mo sa taong iyon?

  • Magbasa ng ilang talata mula sa mga banal na kasulatan tungkol sa pagpapatawad ngayong araw na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Video

4:45

Jesus Is Scourged and Crucified [Si Jesus ay Hinagupit at Ipinako sa Krus]

Mga Karagdagang Resource

Mga Aktibidad para sa mga Bata