Jesucristo
Araw 3: “Ibigin Mo ang Iyong Kapwa” (Mateo 22:39)


“Araw 3: ‘Ibigin Mo ang Iyong Kapwa’ (Mateo 22:39),” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)

Iniaabot ni Jesucristo ang Kanyang kamay sa lalaking lumpo

Rise and Walk [Tumindig Ka at Lumakad], ni Richard Lance Russell

Martes

Araw 3: “Ibigin Mo ang Iyong Kapwa” (Mateo 22:39)

May mga pagkakataon na para bang ang mundo ay puno ng poot, kawalan ng pag-asa, at kalungkutan. Ngunit itinuro ni Jesucristo na makagagawa tayo ng kaibahan kapag sinusunod natin ang dalawang dakilang utos—ang mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa. Ang buhay ni Cristo ang perpektong halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao. At pagkatapos ay ipinakita Niya ang pinakadakilang pag-ibig sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, na kinabibilangan ng Kanyang pagdurusa para sa ating mga kasalanan, ang Kanyang kamatayan sa krus, at ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli mula sa libingan.

Mga Banal na Kasulatan

  • Mateo 22:34–40

  • Juan 15:12–13

Paanyaya

  • Paano ka makapagpapakita ng higit na pagmamahal sa iba?

  • Maglista ng mga pangalan ng tatlong tao na maaari mong pakitaan ng higit na pagmamahal. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanila?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Video

1:55

The Greatest Commandment [Ang Pinakadakilang Utos]

Mga Karagdagang Resource

Mga Aktibidad para sa mga Bata