Jesucristo
Tungkol sa Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw


“Tungkol sa Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw,” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)

“Tungkol sa Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw,” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw

nagpakita ang Nabuhay na Muling si Cristo kay Maria

Tungkol sa Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw

“Walang may higit pang dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan” (Juan 15:13).

Ang huling linggo ng buhay ni Jesucristo ay madalas na tinatawag na Mahal na Araw. Ang gabay sa pag-aaral na ito ay naglalayong tulungan kang maalala ang mga kaganapan sa linggong iyon. Layunin din nitong gabayan ka habang nararanasan mo ang pag-asa at pangako ng Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa sarili mong buhay. Habang pinag-aaralan mo ang tungkol sa Kanya, nadarama ang Kanyang pagmamahal, at tinutularan ang Kanyang halimbawa, makasusumpong ka ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakan.

kaliwa: Si Cristo sa krus; kanan: ang nabuhay na muling si Cristo kasama ang mga tao sa lupain ng Amerika

Ang karanasan sa pag-aaral na ito ay batay sa mga salaysay mula sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas, gaya ng nakatala sa Bagong Tipan, at sa mga salaysay ng Kanyang ministeryo sa lupain ng Amerika pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, gaya ng nakatala sa Aklat ni Mormon. Dagdag pa rito, ang gabay sa pag-aaral ng Halika, Sumunod Ka sa Akin para sa Pasko ng Pagkabuhay sa taong ito ay nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas na matatagpuan sa Lumang Tipan.

Para sa mga mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay na mula sa mga buhay na Apostol, panoorin ang espesyal na koleksiyon ng mga video na ito. Para sa karagdagang mga online resource tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, bisitahin ang Easter.ChurchofJesusChrist.org.