“Araw 7: ‘Ako ang Ilaw’ (3 Nephi 9:18),” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)
Sabado
Araw 7: “Ako ang Ilaw” (3 Nephi 9:18)
Matapos ihimlay ang katawan ni Jesus sa puntod, naghintay ang Kanyang mga disipulo. Kahit pa sinabi na ni Cristo na Siya ay muling mabubuhay, sila ay nalito, nasaktan, at hindi sigurado kung ano ang susunod na mangyayari. May mga pagkakataon na maaaring maramdaman natin na parang naghihintay tayo sa dilim. Ngunit kahit sa sarili nating mga sandali ng pag-aalinlangan, maaari tayong magkaroon ng tiwala na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako.
Mga Banal na Kasulatan
-
Mateo 27:59–60
Paanyaya
-
Sa anong aspekto ng buhay mo nararamdaman na parang naghihintay ka—marahil dahil sa kawalan ng malinaw na mga kasagutan o pag-asa?
-
Paano makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan ang magtiwala sa sakripisyo ni Cristo kahit sa mga sandaling iyon ng pag-aalinlangan?
-
Kung nakadadalo ka sa templo, nag-iiskedyul ng appointment para maglingkod sa bahay ng Panginoon. Ang paglilingkod sa templo ay makapaghahatid ng liwanag at pag-asa sa iyong buhay. Kung hindi ka makapaglilingkod sa templo, isulat sa isang piraso ng papel ang isang bagay na matagal mo nang ipinagdarasal o inaasam. Ilagay ang papel sa isang ligtas na lugar bilang simbolo ng iyong pagtitiwala kay Cristo sa ipinapanalangin o inaasam mo.
Itala ang Iyong mga Impresyon
Video
Jesus Is Laid in a Tomb [Hinimlay si Jesus sa Isang Libingan]
Mga Karagdagang Resource
-
“Saan Naroon ang Aking Kapayapaan?,” Mga Himno, blg. 74
-
Jeffrey R. Holland, “Hindi Gaya ng Ibinibigay ng Sanlibutan,” Liahona, Mayo 2021, 35–38
-
D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2014, 111–14