Jesucristo
Mga Propesiya tungkol sa Pagsilang kay Jesucristo


“Mga Propesiya tungkol sa Pagsilang kay Jesucristo,” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)

Ang propetang Lamanita na si Samuel na nangangaral sa ibabaw ng pader

Linggo ng Palaspas

Mga Propesiya tungkol sa Pagsilang kay Jesucristo

“Masdan, ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo ang tutubos sa sangkatauhan, oo, maging sa buong sangkatauhan, at magbabalik sa kanila sa harapan ng Panginoon” (Helaman 14:17).

Noong mga 6 BC, marami sa mga tao na nakatira sa Zarahemla sa sinaunang Amerika ang nawalan ng pananampalataya kay Jesucristo. Kaya isinugo ng Diyos si Samuel, ang propeta, para magpatotoo tungkol sa nalalapit na pagsilang, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at anyayahan ang mga tao na magsisi at maniwala kay Jesucristo. Ibinahagi ni Samuel ang mga tanda ng pagsilang kay at kamatayan ni Jesus nang “malaman [ng mga tao] … [ang] kanyang pagparito” at “maniwala sa kanyang pangalan” (Helaman 14:12).

Nabubuhay tayo ngayon sa panahong ibinabadya ng mga makabagong propeta ang Ikalawang Pagparito ng nabuhay na muling Panginoon. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson:

Mahal kong mga kapatid, napakaraming magagandang bagay na mangyayari. Sa mga darating na araw, masasaksihan natin ang mga pinakadakilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na hindi pa nasasaksihan ng mundo kailanman. Mula ngayon hanggang sa oras ng Kanyang pagbalik “na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” [Joseph Smith—Mateo 1:36], magkakaloob Siya ng napakaraming pribilehiyo, pagpapala, at himala sa matatapat. (“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 95)

Mga Banal na Kasulatan at Tanong

Ano ang mga naging karanasan mo na nagpatibay ng iyong pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Video

4:32

Awit

Tinig ng Propeta,” Mga Himno, blg. 16

3:51

Aktibidad para sa mga Bata

pahina ng aktibidad: Alam ng mga propeta sa Aklat ni Mormon na paparito si Jesucristo

Gawin ang pahina ng aktibidad na ito upang malaman ang tungkol sa iba’t ibang propeta na mula sa Aklat ni Mormon at kung paano sila nagpropesiya tungkol kay Jesucristo. Ano ang isang bagay na nalaman mo tungkol kay Jesucristo mula sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon?