“Araw 1: ‘Hosana sa Kataas-taasan’ (Mateo 21:9),” Karanasan sa Pag-aaral sa Mahal na Araw (2026)
Linggo ng Palaspas
Araw 1: “Hosana sa Kataas-taasan” (Mateo 21:9)
Pumasok si Jesucristo sa Jerusalem upang tuparin ang Kanyang sagradong misyon. Sinalubong Siya ng mga tao na may hawak na mga dahon ng palma at sumigaw ng, “Hosana,” o “Iligtas po ninyo kami.” Sa loob ng maraming henerasyon, naghintay ang mga tao sa Jerusalem na dumating at iligtas sila ng Mesiyas mula sa pang-aapi. Isipin na lamang ang kagalakan na mapabilang sa mga taong naroon, na sumasalubong sa Tagapagligtas na may hawak na mga dahon ng palma. Ano ang gagawin mo para salubungin ang isang taong makapagpapalaya sa iyo?
Mga Banal na Kasulatan
-
Mateo 21:1–11
-
Zacarias 9:9
Paanyaya
-
Ano ang magagawa mo ngayong linggong ito para malugod na salubungin ang Tagapagligtas sa iyong buhay?
Itala ang Iyong mga Impresyon
Video
The Lord’s Triumphal Entry into Jerusalem [Ang Matagumpay na Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem]
Mga Karagdagang Resource
-
“Luwalhati at Papuri,” Mga Himno, blg. 38
-
Manwal ng Bagong Tipan para sa Estudyante ng Seminary (2023), 208–9
-
Gary E. Stevenson, “At Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Mayo 2025, 56–59
-
Ronald A. Rasband, “Hosana sa Kataas-taasang Diyos,” Liahona, Mayo 2023, 108–12