2025
Pagdama sa Pagmamahal ng Diyos
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Digital Lamang: Mga Tinig ng Kabataan

Pagdama sa Pagmamahal ng Diyos

Noong Young Women class president ako, nagsimula kami na may limang batang babae lang sa klase. Pero may bagong-lipat na batang babae, at gusto naming tulungan siyang madama na tanggap at kabilang siya.

Nagsimula ako na hindi ko siya gaanong kilala, pero sinikap kong maging mas mabait sa kanya. Nang magtagal, ang pagiging “mas mabait” ay naging normal na kabaitan nang maging kaibigan ko siya. Nagsimula kong maunawaan kung paano minamahal ng Diyos ang Kanyang mga anak. Nadama ko ang pagmamahal na iyon sa mga batang babae sa klase ko. Ang paglilingkod sa iba ay tumutulong sa akin na makadama ng tunay na pagmamahal sa kanila.

Alam ko na maaari tayong magtiwala kay Jesucristo sa kahit anong situwasyon. Kapag nahihirapan ako at nagsisiyahan, kung pakiramdam ko ay maganda ang buhay ko, o kung kabaligtaran niyon ang nadarama ko, lagi Siyang nariyan.

dalagita

Alexis C., edad 16, Texas, Estados Unidos

Mahilig maglaro ng golf, tumugtog ng cello, bumuo ng Rubik’s Cube, at tumugtog ng gitara para sa mariachi band ng kanyang paaralan.