2025
Handa na ba Kayong Magpakasaya?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Handa na ba Kayong Magpakasaya?

Andrea Muñoz Spannaus

Kumusta, kahanga-hangang mga kaibigan sa buong mundo!

Gustung-gusto ko ang magasing ito. Noong ako ay kasing-edad ninyo at nakatira sa Argentina, tanging ang Liahona ang dumarating sa aking bansa. Mabuti na lang, may kasamang ilang artikulo para sa mga kabataan. Karaniwang binabasa ko ito bago matulog. Gustung-gusto ko ang mga artikulo dahil binigyan ako nito ng pag-asa, at nadama ko na nagpapatotoo ang Espiritu sa mga katotohanan ng Diyos.

Sa ngayon, halos lahat ng bansa sa mundo ay naaabot ng magasin na ito! Kahit hindi ko na ito binabasa bago matulog, patuloy akong nagbabasa at natututo mula rito bawat buwan.

Tungkol sa pag-aaral, kamangha-mangha sa akin na kahit mas marami tayong kaalaman ngayon sa bagong teknolohiya kaysa panahon ng ating mga lolo’t lola, patuloy pa rin ang Diyos sa pagtuturo ng Kanyang katotohanan sa parehong paraan! Ano ang paraang iyan? Basahin ang itinuturo ni Elder Quentin L. Cook sa “Ang Iyong Paghahanap sa Katotohanan” (pahina 2)!

At sigurado akong alam ninyo kung ano ang katalinuhan, pero ano naman ang emotional intelligence? Tingnan ang “Ang Iyong Toolkit para sa Emotional Intelligence” (pahina 6) para malaman!

Handa na ba kayong magpakasaya, matuto, at madama ang Espiritu? Kung gayon ay ituloy ang pagbabasa!

Isang mahigpit na yakap para sa inyo mula sa akin. Mahal ko kayo!

Sister Andrea Muñoz Spannaus

Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency