Masayang Bahagi
Caption Contest
“Ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). Magdagdag ng saya sa buhay sa pamamagitan ng paggawa ng isang nakakatawang caption para sa larawang ito. Ipadala sa email ang iyong ideya sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org bago sumapit ang Setyembre 15.
Tingnan ang ilang nakakatawang entry mula sa caption contest noong Pebrero 2024!
Ryan P.—“Nang matanto ko na napaaga pala ako ng gising para sa seminary.”
Maybree at Tate L.— “7,000,569 pang hakbang papunta sa lupang pangako, pero may nagbibilang ba?”
Austin S.—”Magsisi at talikuran ang kadiliman. Isang hakbang na lang, langit na.”
Eden R.—“Ako ay aalis, ako ay kikilos!”
James A.—“Ang nakita ng mga kapatid ni Nephi nang si Nephi ay naglalakad pabalik sa kanila na nakasuot ng baluti ni Laban.”
Ella M.—“Ang kakaibang anak ni Ismael na napagtantong naiwan na pala siya.”
Alamin ang House Code
Iniutos sa Doktrina at mga Tipan 93:43 sa mga lider ng Simbahan na “isasaayos [ninyo] ang [inyong] sambahayan,” Para sa puzzle na ito, “isaayos” ang iyong “bahay” sa pamamagitan ng pag-alam ng code para makarating sa pinto sa harapan.
Ang bawat hilera ay nagbibigay ng tatlong posibleng numero na maaari o hindi maaaring bumuo ng final code. Alamin kung aling mga numero ang ipupwesto (o hindi ipupwesto) upang malutas ang puzzle!
361
Tama ang isang numero pero nasa maling pwesto.
372
Tama ang isang numero at nasa tamang pwesto.
185
Walang tama.
694
Tama ang dalawang numero pero nasa maling pwesto.
197
Tama ang isang numero pero nasa maling pwesto.
House Code:
Hint: Tingnan ang 694, kung saan tama ang dalawang numero. Isa sa mga tamang numero na iyon ang inuulit-ulit sa itaas.
Tagapagwalis ng Agingay
Sa Doktrina at mga Tipan 86:1–7, ipinaliwanag ng Panginoon ang talinghaga tungkol sa trigo at mga agingay.
Maaari mo bang markahan nang tama ang 20 “agingay” sa puzzle na ito ng mga numero?
Mga Tagubilin:
-
Ang bawat kahon na may numero ay nagsasabi kung gaano karaming agingay ang nakapalibot dito. Ang mga agingay ay maaaring nasa anumang kahon na nasa isang gilid o sulok na may numero na kahon.
-
Ang mga kahon na may numero ay walang anumang mga agingay sa loob nito.
Mga Nakakatawa
Sinasabi sa banal na kasulatan na magdasal sa closet mo. Sana magawa mo iyan.
Val Chadwick Bagley
Akala nila dumating sila sa oras kasi alas-9:00 pa ang schedule nila.
Val Chadwick Bagley
Mga Sagot
Alamin ang House Code: 976
Tagapagwalis ng Agingay: