2025
Paano Mo Nadarama ang Pagmamahal ng Diyos? Mga Sagot mula sa mga Kabataan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Paano Mo Nadarama ang Pagmamahal ng Diyos?

Mga Sagot mula sa mga Kabataan

Ibinahagi ng mga kabataan ang ilang paraan na nadarama nila ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa kanilang buhay.

meetinghouse ng Simbahan

Mga larawang-guhit ni Emily Jones

Simbahan

“Pagsisimba at paggawa ng mga sagradong tipan.”

Jasmine V., 20, Cebu, Philippines

“Pagsisimba at pangangasiwa sa mga klase ng Young Women!”

Adriana P., 13, Virginia, USA

mga taong nagha-high five

Iba pang mga Pagtitipon

“Sa pagpunta sa seminary at pag-aaral pa tungkol kay Jesucristo!”

Rebekah C., 16, Washington, USA

“Sa pagpunta sa mga pagtitipon ng mga kabataan tulad ng Young Women camp, FSY, at youth conference.”

Sophia C., 15, California, USA

mga taong may pala at kartilya

Paglilingkod

“Kapag mabait ako, tumutulong, at naglilingkod sa iba, nadarama ko ang pagmamahal ng Diyos sa kanila at kung gaano rin Niya ako kamahal.”

Naomi W., 17, New York, USA

“Kapag naglilingkod ako sa iba, mas nagagawa kong kumilos na katulad Niya.”

RJ E., 17, North Carolina, USA

notebook

Pagpapasasalamat

“Kapag nakikita ko ang maliliit at araw-araw na mga himala na ibinibigay Niya sa akin.”

Sydney V., 15, Texas, USA

“Kapag may nangyayaring tama sa buhay ko na hindi ko kayang gawin nang mag-isa.”

Abby H., 17, Utah, USA

kabataan na nakatingin sa talon

Kalikasan

“Sa mga tahimik na lugar sa labas ng bahay.”

Katie G., 17, Idaho, USA

“Mapayapang mga gabi sa loob ng kotse na nakabukas ang mga bintana.”

Karli S., 16, Utah, USA

templo

Ang Templo

“Nararamdaman ko ito tuwing nasa templo ako! Alam ko na ang templo ang bahay ng Panginoon sa mundo.”

Luiza M., 16, Federal District, Brazil

“Tuwing pumupunta ako sa templo, nadarama ko ang kapayapaan at pagmamahal ng ating Ama sa Langit.”

Alice O., 18, Alto Paraná, Paraguay

banal na kasulatan, mga

Pag-aaral ng Ebanghelyo

“Pag-uusap tungkol sa mga banal na kasulatan kasama ang aking pamilya.”

Rose J., 15, Lisburn at Castlereagh District, Northern Ireland

“Pakikinig sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya.”

Elijah B., 16, Oregon, USA

binatilyong nagdarasal

Panalangin

“Sa pamamagitan ng kapayapaan at pagmamahal na ibinibigay Niya sa akin tuwing nananalangin ako para sa Kanyang tulong.”

Eli W., 16, Maine, USA

“Sa pagdarasal para sa iba.”

Alexia D., 17, Utah, USA

binatilyong nakikinig sa musika

Musika

“Sa pamamagitan ng musika! Ang kagandahan nito ay nagpapaalala sa akin ng kagandahan ng Diyos at ng biyaya na ipinapakita Niya sa atin.”

Tessa L., 18, New Mexico, USA

“Nadarama ko ang pagmamahal ng Diyos sa pakikinig sa musika ng StrivetoBe!”

Ava C., 17, California, USA

dalawang tao na magkayakap

Iba pang mga Tao

“Kapag hindi maganda ang araw ko at nagpapadala sa akin ang Diyos ng maliit na mensahe sa pamamagitan ng ibang tao.”

Victoria R., 15, Utah, USA

“Nadarama ko ang pagmamahal ng Diyos kapag kasama ko ang mga taong pinakamamahal ko!”

Kylie T., 17, Idaho, USA