2025
Mahal Ka ng Diyos. Paano Mo Siya Mamahalin?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Paggamit ng Gabay

Mahal Ka ng Diyos. Paano Mo Siya Mamahalin?

si Jesucristo kasama ang isang dalagita

Paglalarawan ni Jennifer Tolman

Mahal Ka ng Diyos

Mahal ka ng Diyos nang ganap at magpakailanman. “Isipin ang pinakadalisay at pinakamatinding pag-ibig na mawawari mo. Ngayo’y paramihin nang husto ang pag-ibig na iyan—ganyan kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa iyo”

Iniisip ng ilang tao na dahil mahal sila ng Diyos, magagawa nila ang anumang gusto nila, nang walang kahahantungan. Pero hindi iyan makatwiran. Ang Diyos ay nagbibigay ng mga kautusan dahil sa pagmamahal, para sa iyong sariling kabutihan. Dahil mahal ka ng Diyos, dapat mong sundin ang Kanyang mga utos. At dapat mo ring sundin ang Kanyang mga utos dahil mahal mo Siya!

Paano Mo Siya Mamahalin

“Hindi ba ninyo Siya iibigin na unang umibig sa inyo? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos. Kakaibiganin ba ninyo Siya na nagbuwis ng Kanyang buhay para sa Kanyang mga kaibigan? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos. Mananahan ba kayo sa Kanyang pag-ibig at tatanggapin ang lahat ng ibinibigay Niya sa inyo? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos.”

Ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay ibinuod ito: “Para matulungan kayong gumawa ng mabubuting pagpili, nagbibigay ng mga utos ang Diyos. Ginagawa Niya ito dahil mahal Niya kayo. At ang pinakamainam na dahilan para sundin ang mga utos ng Diyos ay na mahal ninyo Siya. Pagmamahal ang nasa sentro ng mga utos ng Diyos.”