2025
Nang Husgahan Ako ng mga Tao sa Simbahan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Nang Husgahan Ako ng mga Tao sa Simbahan

binatilyo at dalagitang tila naaasiwa

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Minsan ay may sitwasyon na hinusgahan kami ng kaibigan ko ng ilang miyembro sa aming ward. Madalas kaming magkasama, naglilingkod at nakikibahagi sa mga aktibidad, at nagsimula ang tsismis na nagdedeyt kami at may mali kaming ginagawa.

Sinasabi rin sa tsismis na hindi maganda ang pakikitungo ng pamilya ko sa aking kaibigan. Bagamat alam naming hindi totoo, naiinis ako dahil ang totoo ay laging maganda ang trato sa kanya sa bahay namin. Ayaw kong magsimba at makita o makausap ang mga taong nagpapakalat ng mga maling tsismis.

Gayunman, naalala ko na nagsisimba kami dahil sa ebanghelyo ni Jesucristo, hindi lamang dahil sa mga tao roon. Ang mga tao kung minsan ay pumupuna sa iba nang hindi alam kung ano ang tunay na nangyayari, at alam ko na lilipas ang sandaling ito at mapapatawad ko sila. Sinabi ko ang mga naiisip kong ito sa aking kaibigan. Sa pagbaling kay Jesucristo, nakahanap kami ng kapayapaan.

Si Jesucristo ay kaligtasan. Siya ay pag-ibig at katotohanan. Siya ang lahat ng kabutihan. Siya ang daan ng kaligtasan, ang landas kung saan ako magkakaroon ng walang hanggang kaligayahan.

Lara L., edad 16, Ceará, Brazil

Mahilig maglaro ng soccer at volleyball.