Mga Tinig ng mga Kabataan
Pag-ski nang may Panalangin
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Nawala ako sa isang ski trip sa Sweden kasama ang aking pamilya. Natatakot na ako at nag-iisip kung ano ang gagawin. Hindi ko dala ang phone ko. Nang desperado na akong makahingi ng tulong, hinubad ko ang aking ski, lumuhod, at nanalangin na tulungan ako ng Diyos na makahanap ng daan pabalik sa aking mga magulang.
Sa isip ko, parang may nagsasabing, “Ito ang daan na kailangan mong tahakin. Nasa tamang daan ka na.” Napanatag ako, at hindi na gaanong natakot. Nabawasan na ang pagkabog ng dibdib ko. Naisip ko, “Ito ay mensahe mula sa langit.”
Isinuot kong muli ang aking pang-ski at nagsimulang mag-ski. Nang nakarating ako sa aking mga magulang, nagulat talaga ako. Nakahanap ako ng daan, sa pamamagitan ni Jesucristo.
Kung nasa mahirap na sitwasyon ka, manalangin sa Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo. Tutulungan ka Nila kung talagang naniniwala ka sa Kanila.
Edvin H., edad, 13, Uusimaa, Finland
Mahilig akong tumugtog ng electric guitar, at mag-park scootering, at mag-ukol ng oras na kasama ang mga kaibigan.