2025
Mga Dakilang Kaloob ng Kawalang-hanggan: Pagbabayad-sala, Pagkabuhay na Muli, Pagpapanumbalik ni Jesucristo
Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2025.


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Mga Dakilang Kaloob ng Kawalang-hanggan: Pagbabayad-sala, Pagkabuhay na Muli, Pagpapanumbalik ni Jesucristo

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ilang taon na ang nakalipas, nagsaulo ang aming early-morning gospel class ng mga talata sa Biblia. Siyempre mas gusto kong isaulo ang maiikling talata. Kabilang dito ang Juan 11:35—ang pinakamaikling talata sa banal na kasulatan—”Umiyak si Jesus.”

Para sa akin ngayon, ang pag-iyak na iyon ni Jesus dahil sa kalungkutan at kagalakan ay nagpapatotoo sa mahimalang katotohanan: ang banal na Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao at natutuhan ayon sa laman kung paano tayo laging dadamayan at pagpapalain.

Kapag umiiyak tayo sa kalungkutan o kagalakan, ganap na nakauunawa si Jesucristo. Maaaring nariyan Siya sa mga sandaling lubos nating kailangan ang mga dakilang kaloob ng kawalang-hanggan: Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Pagkabuhay na Muli, pagpapanumbalik. …

Ang Pasko ng Pagkabuhay kay Jesucristo ay nagpapadama sa atin ng pagsang-ayon ng Diyos. Sinasabi sa atin ng mundong ito na tayo ay masyadong matangkad, maliit, mataba, payat—hindi matalino, hindi maganda, o hindi sapat ang espirituwalidad. Sa pamamagitan ng espirituwal na pagbabago kay Jesucristo, matatakasan natin ang nagpapahinang perpeksiyonismo. …

Ang plano ng Diyos tungkol sa moral at mortal na kalayaang pumili ay nagbibigay-daan sa atin na matuto sa pamamagitan ng ating sariling karanasan. … Dahil sa pagmamahal, si Jesucristo ay nagpakababa-baba sa lahat ng bagay at dinakila sa lahat ng bagay. Nagagalak Siya sa ating banal na kakayahan na maging malikhain at masaya, sa ating kabaitan na walang inaasam na gantimpala, sa ating pananampalataya tungo sa pagsisisi at kapatawaran. At umiiyak Siya sa kalungkutan dahil sa ating napakatinding pagdurusa, kalupitan, kawalang-katarungan—na kadalasang dulot ng pagpili ng tao—pati ang kalangitan at ang Diyos ng langit. …

Ito ang Pasko ng Pagkabuhay kay Jesucristo: Tinutugon Niya ang mga inaasam ng ating puso at ang mga tanong ng ating kaluluwa. Pinapahid Niya ang ating mga luha, maliban sa ating mga luha ng kagalakan.