2025
Ang Inyong Pagsisisi ay Hindi Nagpapabigat kay Jesucristo; Lalo Siyang Nagagalak Dito
Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2025.


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Ang Inyong Pagsisisi ay Hindi Nagpapabigat kay Jesucristo; Lalo Siyang Nagagalak Dito

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ngayon ay gusto kong mangusap sa mga kasama natin na nakadarama kung minsan na, “Tila ang pagsisisi at kapatawaran ay gumagana sa lahat maliban sa akin.” …

Natutuhan ko na kung maghihintay ka hanggang sa maging sapat na malinis o sapat na perpekto ka upang lumapit sa Tagapagligtas, hindi mo nakuha ang buong punto! …

Pinatototohanan ko na bagaman nababalisa ang Diyos sa ating mga pagkakamali, mas mahalaga sa Kanya kung ano ang mangyayari pagkatapos nating magkamali. Babaling ba tayo sa Kanya nang paulit-ulit? …

Ang paanyayang magsisi ay isang pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos.

Ang pagtanggap sa paanyayang iyon ay pagpapahayag ng sa atin. …

Hindi tayo nananatili sa landas ng tipan sa pamamagitan ng hindi paggawa ng pagkakamali kailanman. Nananatili tayo sa landas sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw.

At kapag nagsisisi tayo, nagpapatawad ang Diyos nang hindi tayo ipinapahiya, ikinukumpara sa sinuman, o pinagagalitan dahil ito rin ang bagay na pinagsisihan natin noong nakaraang linggo.

Nasasabik Siya sa tuwing nakikita Niya tayong nakaluhod. Nagagalak Siyang patawarin tayo dahil tayo ay kalugod-lugod sa Kanya!

Hindi ba ninyo nadarama na totoo iyon?

Kung gayon, bakit hirap na hirap tayong paniwalaan ito?! Si Satanas, ang dakilang tagapagparatang at manloloko, ay gumagamit ng kahihiyan upang ilayo tayo sa Diyos. …

… Ang inyong halaga ay laging “labis-labis sa paningin ng Diyos,” hindi alintana kung saan kayo dinala ng inyong mga desisyon. …

Nakatayo ako rito upang magpatotoo na si Jesucristo ay nagbibigay ng liwanag sa mga taong nasa kadiliman. … Kumilos at buksan ang Ilaw—ang ating Ganap na Kaliwanagan ng Pag-asa.