Sesyon sa Sabado ng Hapon
“Sa Pamamagitan Nito ay Makikilala ng Lahat ng mga Tao na Kayo ay Aking mga Alagad”
Mga Sipi
“Kayo’y magmahalan sa isa’t isa,” sabi ni Jesus. “Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad.” Kadalasan, ang unang patotoo ng isang tao tungkol kay Jesucristo ay dumarating kapag nakadarama siya ng pagmamahal sa mga disipulo ni Jesucristo. …
Sinuman na naghahangad ng mas malakas na pananampalataya kay Cristo o mas mapalapit sa Ama sa Langit ay dapat makaramdam ng kapanatagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. …
Kaya, habang sinusunod natin ang mataas na pamantayan ng Panginoon, maging mapagpasensya rin tayo sa isa’t isa. …
… At upang maging isa ang puso, dapat nating pagsikapang magkaroon ng dalisay na puso, at nangangailangan iyan ng malaking pagbabago ng puso.
Pero hindi ibig sabihin niyan na baguhin ang aking puso para iayon sa inyong puso. Hindi rin ibig sabihin nito na baguhin ang inyong puso para iayon sa aking puso. Ibig sabihin nito ay babaguhin natin ang ating puso at iaayon ito sa Tagapagligtas. …
At kung sa pakiramdam ninyo ay hindi kayo nababagay, dapat ninyong malaman na hindi kayo nag-iisa. …
… Tayo ay isa, hindi dahil sa kung saan tayo nanggaling kundi kung saan tayo nagsisikap na makarating, hindi dahil sa kung sino tayo kundi kung sino ang hangad nating kahinatnan.
Iyan ang layunin ng totoong Simbahan ni Cristo. …
At paano kung naiiba kayo sa mga tao sa paligid ninyo? Hindi ibig sabihin niyan na hindi na kayo kabilang—kayo ay kinakailangang bahagi ng katawan ni Cristo. …
Hindi nangangahulugan iyan na ang trabaho ninyo ay baguhin ang lahat ng tao para maging katulad ninyo. Pero ang ibig sabihin nito ay may mahalaga kayong maiaambag—at may mahalagang bagay kayo na dapat matutuhan!