Sesyon sa Sabado ng Umaga
Mismo sa Ating Harapan
Mga Sipi
Nagpapasalamat tayo na narito tayo sa mundo sa panahon kung saan ang Simbahan ay lumalawak sa bilang at impluwensiya nito, ngunit ang mas mahalaga ay sa mga puso at buhay ng mga miyembro nito. …
Ngayon, ang Simbahan ay mayroon nang 367 templo na dinidisenyo, itinatayo, o pinapatakbo. … Mga kapatid, minamadali natin ang ating kabanalan habang tayo ay namumuhay nang nararapat para sa templo, habang tayo ay sumasamba sa bahay ng Panginoon, at habang tayo ay gumagawa ng mga tipan sa Diyos para sa ating sarili at alang-alang sa ating mga ninuno na nasa kabilang panig ng tabing. …
Nakikita natin na minamadali ng Panginoon ang Kanyang gawain sa mga mission. … Higit pa sa mga bilang, ang diwa ng pagtitipon ay ang pagdadala ng mga kaluluwa kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. …
Nakikita natin na minamadali ng Panginoon ang mga oportunidad sa edukasyon para sa ating mga miyembro at kahit sa mga hindi kabilang sa ating relihiyon, sa buong mundo. …
Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 800,000 mga estudyante sa buong mundo ang naka-enroll sa seminary at institute, ang pinakamataas na bilang ng mga nag-enroll sa kasaysayan ng Simbahan. …
Ang isa pang aspeto na nagpapakita ng pagpapalaganap ng edukasyon sa Simbahan ay ang BYU–Pathway Worldwide. … Ang pagkumpleto ng mga kurso ay naghahatid ng oportunidad para makapagtrabaho, at ang pagkakaroon ng trabaho ay maghahatid ng mas mabuting buhay para sa mga pamilya at mas maraming oportunidad na makapaglingkod sa Panginoon. …
Alam ko na sa gitna ng magandang balita ng ebanghelyo, mayroon sa atin na nahihirapan, na may mga pagsubok sa kanilang pananampalataya, mga pagdududa, at mga tanong na tila walang kasagutan. Mga kapatid, si Jesucristo ang sagot. Magsimula kayo sa Kanya. Hanapin ang Kanyang impluwensiya sa inyong buhay. Pakinggan Siya. …
Dapat mong malaman na nakauunawa Siya.