Sesyon sa Sabado ng Gabi
At Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo
Mga Sipi
Ang mga buhay na propeta sa ating panahon—na tumatanggap ng paghahayag mula sa Diyos upang turuan at akayin tayo—ay lalong nag-aanyaya sa atin na lumapit kay Cristo. … Maaari nating banggitin ang maraming halimbawa ng mga pagbabago at pagsasaayos na inihayag ng Unang Panguluhan na nilayon upang ituon tayo kay Jesucristo. …
Tingnan natin nang mas mabuti ang epekto ng ilan sa mga ito. Una, ang simbolo ng Simbahan.
… Ang simbolong ito ay sumasalamin sa katotohanan na si Cristo ang sentro ng Kanyang Simbahan at dapat na maging sentro ng ating buhay. …
… Ang simbolong ito ay isang visual na representasyon ng pagmamahal ng Tagapagligtas na si Jesucristo at palagiang paalala ng buhay na Cristo. …
Ngayon ay pagnilayan natin ang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay. … Sa madaling salita, hinihikayat tayo na gawing mas dakila at mas banal ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. …
Pinahihintulutan tayo ng Pasko ng Pagkabuhay na gunitain kapwa ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo at ang Kanyang literal at masayang Pagkabuhay na Muli. …
Bagama’t tila mas nagiging palasak na sa iba’t ibang teologong Kristiyano na ituring ang Pagkabuhay na Muli sa simbolikong mga kataga, pinagtitibay namin ang aming doktrina na “ang Pagkabuhay na Muli ay nangangahulugan na lahat ng nabuhay ay mabubuhay na muli, at ang Pagkabuhay na Muli ay literal.” … Nilagot ni Jesucristo ang mga gapos ng kamatayan para sa bawat kaluluwang nabubuhay. …
Bilang pagtatapos, pinatototohanan ko na lahat ng tumatanggap sa mga paanyaya ng ating buhay na propeta at ng kanyang mga tagapayo na mas sadyang gunitain ang mga banal na kaganapan na kumakatawan sa Pasko ng Pagkabuhay ay madarama na lalong tumitibay ang kanilang ugnayan kay Jesucristo.