2025
Pagsamba
Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2025.


Sesyon sa Sabado ng Gabi

Pagsamba

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Para sa atin, ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa Diyos? …

Una, ang mga Ginagawa Natin na Nagpapakita ng Ating Pagsamba

Ang isa sa pinaka-karaniwan at pinakamahalagang mga anyo ng pagsamba ay ang pagtitipon sa isang inilaang lugar para magpakita ng debosyon. …

Ang isang mahalagang aspeto ng pagsamba sa araw ng Panginoon ay ang pagbibigay ng partikular na pansin sa dakilang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo. … Para sa mga nagsisisi, ang pakikibahagi sa sakramento ang sentro ng pagsamba sa araw ng Sabbath.

… Bilang komunidad ng mga Banal, pinalalakas natin ang isa’t isa sa pagsamba at sa pagsampalataya.

Gayunpaman, hindi natin dapat kalimutan ang mga ginagawa natin sa araw-araw nang personal at kasama ang ating pamilya na nagpapakita ng pagsamba. …

Ang Ating Saloobin at Damdamin Habang Tayo ay Sumasamba

Ang kahulugan ng tunay na pagsamba ay ang pagmamahal sa Diyos at pag-aalay ng ating kalooban sa Kanya—ang pinaka-natatanging kaloob na maaari nating ibigay. …

Ito ang huwaran ng pagsamba mismo ni Jesus sa Ama. …

Ang pagsamba ay ang pagsisikap na sundin ang perpektong halimbawang ito. …

Pangatlo, ang Pagiging Eksklusibo ng Ating Pagsamba

Anumang bagay na inuuna natin kaysa sa pagsamba sa Ama at sa Anak ay nagiging diyus-diyusan. … Ang tanging dapat nating pagtuunan sa ating pagsamba ay ang “[nag-iisang] Diyos na tunay, at si Jesucristo na [Kanyang] sinugo.”

Panghuli, ang Pangangailangang Tularan ang Ama at ang Anak

Sa huli, ang paraan ng ating pamumuhay ang pinakadakila at pinakatunay na paraan ng pagsamba. Ang ibig sabihin ng pagpapakita ng ating debosyon ay ang pagsunod sa Ama at sa Anak—sinisikap na magkaroon tayo ng Kanilang mga katangian. …

… Habang tayo ay umuusad sa landas ng tipan, ang nagpapabanal na “kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” sa ating sarili.