Mga Debosyonal ng Relief Society
Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin: Carolee Scowcroft


3:9

Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin: Carolee Scowcroft

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Pakiramdam ko talaga ay nakasalig ako sa mga balikat ng aking mga ninuno. Talagang naantig ako sa mga kuwento ng buhay nila. Mayroon akong lolo sa tuhod na halos naputol ang tainga dahil nahulog siya sa kariton. At puno ng pananampalataya itong hinugasan, ibinalik, at binendahan ng kanyang ina. At dahil sa pananampalataya, ang taingang iyon ay lubusang gumaling. At naiisip ko ang kanyang pananampalataya at mga panalanging inialay niya para sa kanyang anak.

At naiisip ko rin ang isang lola na naging solong ina noong Depression na may apat na anak, at kinailangan niyang mag-isip kung paano sila itataguyod. Walang sinumang nagbigay ng pera sa kanya, at siya ay naging isang matagumpay na negosyante at talagang nakagawa ng maraming kahanga-hangang bagay. Sa pakiramdam ko, malaki talaga ang impluwensiya ng aking mga ninuno sa akin—naimpluwensiyahan nila ako kaya nagpapasalamat ako sa mga biyayang natatanggap ko.

At ako, tulad ng lahat, tulad ninyong lahat, ay naharap din sa mga hamon ng damdamin. At natutuhan ko na ang mga hamon—tulad ng katotohanang si Cristo ang daan—ay bahagi ng plano. At kung matututuhan natin, na sa halip na labanan iyon, na magalak at magpasalamat para sa mga hamong iyon, tayo ay magiging mas masaya. Matututuhan natin kung paano tulungan ang iba kapag dumaranas sila ng mga hamon.

Ang isa pang bagay na natutuhan ko, na nagsasalitan lang tayo sa pagharap sa mga hamon. At maaaring maharap kayo sa isang hamon at may mga matututuhan kayo mula rito, at bibigyan kayo nito ng pagkakataong tulungan ang ibang tao kapag dumaranas sila ng parehong hamon o isang bagay na maaaring naiiba pero mas makadarama kayo ng empatiya.

May patotoo ako na anumang hamon ang mayroon tayo, mahaharap natin iyon nang naaayon sa kalooban ng ating Tagapagligtas. Magawa mo man ito nang direkta o sa tulong ng isa sa mga sugo Niya—isa sa ating mga kapatid sa Relief Society o isang anak, isang taong malapit sa inyo na lumalapit at naglilingkod sa inyo sa paraang nakakatulong na malampasan ang karanasang iyon.