Mga Debosyonal ng Relief Society
Pamamahala ng mga Priyoridad na Sabay-sabay na Kailangan ng Atensiyon: Sharlene Miner


2:52

Pamamahala ng mga Priyoridad na Sabay-sabay na Kailangan ng Atensiyon: Sharlene Miner

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ang pinakamahahalagang priyoridad ko. Sinabi ni Pangulong Benson na kapag inuuna natin ang Diyos, ang lahat ng iba pa ay lumalagay sa tamang lugar nito. Ang totoo niyan, magkakaiba ang sitwasyon nating lahat. Ang ilan sa atin ay sumusuporta sa mga pamilya, walang asawa, may mga anak, namumuhay nang mag-isa, at responsable sa mga kamag-anak na hindi naman nila mga anak. Natutuhan ko na kung uunahin natin ang Diyos, ang lahat ng bagay ay lumalagay sa tamang lugar. Sinabi ni Pangulong Oaks, “Ang ating mga priyoridad ay … kita sa kung paano natin gamitin ang ating [oras].” Kaya sa pagsuri kung paano ko ginagamit ang aking oras, mas malinaw kong nakikita kung naaayon sa aking mga priyoridad ang aking buhay.

Isa akong emergency physician, at ako ang nag-aasikaso sa mga pumupunta sa ospital na may sakit o nasaktan, o naparalisa, o nawalan ng mahal sa buhay sa isang kalunus-lunos na trahedya. Ang mga layunin ko ay mahalin ang Diyos at mahalin ang kapwa. Kaya sa napakaikling panahon, kailangan kong bumuo ng relasyon na may pagtitiwala at kailangan kong tulungan ang ibang tao na madama ang pagmamahal ng Diyos. Kapag pumapasok ako, hindi ko iniisip na, “Paano ko mapapaunlad ang karera ko ngayong araw na ito?” Ang panalangin ko bago pumasok sa trabaho ay, “Paano ko matutulungan ang mga pasyenteng madama ang pagmamahal ni Jesucristo?” Napakahalaga rin na kapag lumalabas ang mga tao sa emergency department pagkatapos na makipag-usap sa akin, nadarama nila ang pagmamahal ni Jesucristo. Hindi ako perpekto riyan, pero sa tuwing papasok ako sa trabaho, tuwing gigising ako sa umaga, tuwing nakikipag-usap ako sa aking mga anak, dalangin ko na sana ay madama nila ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa pamamagitan ko.

Pinatototohanan ko na mahal kayo ng Ama sa Langit. Mahal Niya ang bawat isa sa Kanyang mga anak. Pinatototohanan ko rin na kapag hinahangad nating ibahagi ang pagmamahal ni Jesucristo sa iba, mapupuspos ang ating sariling puso. Tayo ay mapupuspos ng liwanag ni Jesucristo, at madarama nila ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan natin.

Mga Tala

  1. Tingnan sa Ezra Taft Benson, “The Great Commandments—Love the Lord,” Ensign, Mayo 1988, 4.

  2. Dallin H. Oaks, “Pokus at mga Priyoridad,” Liahona, Hulyo 2001.