Mga Debosyonal ng Relief Society
Pananatiling Tapat Kapag Nahaharap sa Pag-atake, Pananakit, o mga Pagsubok: Elaine Thornton


3:36

Pananatiling Tapat Kapag Nahaharap sa Pag-atake, Pananakit, o mga Pagsubok: Elaine Thornton

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Minsan, gusto nating maging perpekto ang ating mga lider, at minsan naman, gusto nating maging perpekto tayo. At napakahirap na hiling iyan dahil salungat ito sa plano ng ebanghelyo. At sa tingin ko, napakahalagang tandaan na ang mga dapat nating asahan ay paglago, pag-unawa, at pagmamahalan para sa isa’t isa.

Halimbawa, nagkaroon ako ng napakahirap na karanasan sa isang lider, at nagkaroon ito ng napakatinding epekto sa aming pamilya. At talagang tiniis ko ang sakit at kinailangan kong tingnan ang sarili ko at isiping “Nakakasakit talaga siya. Pero siguro ay nakasakit na rin ako ng iba. Siguro ay nagawa ko na iyon at kailangan ko ng awa.” Kaya kinailangan ko na lang balikan ang mga bagay na alam ko na. At napakahalagang tandaan ang mga bagay na alam na natin. Kung hindi nangyari iyon, hindi ko sana babalikan ang pundasyon ko. Kung hindi iyon nangyari, hindi ako babaling sa Panginoon sa ganito kalalim at makabuluhang paraan. Kaya patuloy lang ako sa pagkilala sa aking Ama sa Langit at sa aking Tagapagligtas. At sa totoo lang, bakit ko nga ba Siya gustong makilala? Gusto ko talaga Siyang makilala para maging katulad Niya ako.

Habang nagkikita-kita kayo sa Relief Society at nagsasanggunian, inaanyayahan ko kayong makipagkaibigan. Makipagkaibigan sa isang taong hindi ninyo kaparehong mag-isip o sa isang taong nahihirapan sa kanilang patotoo. Isang taong nakipagdiborsiyo kamakailan. Isang taong nagtatanong kung sulit ba ang lahat ng ito. Paano kung makipagkaibigan tayo? Tingin ko, magiging kapaki-pakinabang tayo sa Tagapagligtas kung matututuhan natin iyan—kung paano gawin ang alam Niyang gawin. At bilang magkakapatid, maaari tayong mag-alay sa isa’t isa ng ganitong magandang pakikipagkapwa at pagkakaisa, natatanto na lahat tayo ay may tahimik na pinagdaraanan. At marahil, habang nagtutulungan tayo at ginagawang mas ligtas ang lugar na ito, maibabahagi pa natin ang ilan sa mga paghihirap natin nang matuklasan ng isang kapatid na tayo rin ay may mga paghihirap. At kailangan nating lahat na magbahagi ng ating mga saloobin at baguhin ang kultura ng pagpapanggap na perpekto ang lahat at magtulungan tayong umunlad. Gustung-gusto ko kapag may nagbabahagi sa akin, dahil malalapitan ko sila at matatanong ng “Paano mo nalampasan ito?” Paano mo ito hinarap? Salamat sa pagbabahagi.” At tayo ay nagiging isang magandang kapatiran ng kababaihang nagmamahal at nakakakilala sa kanilang Ama sa Langit.